Wednesday, May 4, 2011

Baliw (by request)

Matagal na ang request na ito. Noong isang taon pa siguro ito. Ang iba kasi na nagrerequest ay save ko sa email ko ang sinabi nila tungkol sa pag request. Kung di ako nagkakamali ay sa tagboard ko dinaan niya ang pagrequest. Narito po ang sinabi niya para sa pag request. Ang blog niya po ay http://poeticveela.blogspot.com





Mariz: hello po.. can i have a request??

Mariz: evening.. hmm.. yata.. madali yata un.. hehehe ..poem about mental illness.. I mean 'baliw'.. ganun.. thank you po.. :)



BALIW
Ni:Arvin U. de la Peña

Tumatawa, walang dapat pagtawanan
Nagsasalita, walang kausap
Marumi ang damit, walang pamalit
Natutulog sa kalsada, walang bahay.

Palakad-lakad, walang direksyon
Namumulot ng kung ano sa daan, walang pambili
Mabaho man sa kapwa, walang pakialam
Ipinagtatabuyan, walang nagagawa.

Tinatanong ang ibang tao, walang pumapansin
Minumura, walang maisagot
Binabato, walang maiganti
Giniginaw, walang kumot.

Gustong sumakay, walang pamasahe
Inuuhaw, wala agad mainom
Nag-iisa sa sulok, walang tumatabi
Humihingi ng tulong, walang pumapansin.

Baliw, mga baliw sa lansngan
Ituring silang tao din, huwag pandirihan
Sila ay katulad din natin, may puso at damdamin
Nasasaktan din sila, kahit baliw.

38 comments:

MG said...

tama ang sinabi ninyo sir, baliw man may pakiramdam din

Unknown said...

Wow, awesome.. You are right parekoy, my puso din naman yan sila. And kahit ganun sila, they deserved to be loved and cared for.

Verna Luga said...

ganun ba... siguro nga baliw na din ako.. hahahaha nice piece again kaibigan.. salamat sa pasyal...

Mel Avila Alarilla said...

Dapat sa kanila ay lingapin nang DSWD para hindi sila mapahamak o makapinsala nang iba. Tao rin sila na nawalan nang tuwid na pagiisip. Kailangan silang gamutin at hindi pandirihan. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

eden said...
This comment has been removed by the author.
Jag said...

Ang totoong baliw ang yung mga kamag anak ng taong nabaliw kung saan pinapabayaan lamang nila ito... :(

Claro Santiago said...

magbabago ang tingin natin sa kanila if we really study bakit sila nagkakaganyan. nice poem. salamat sa pagfollow din.

Akoni said...

ayos to pre,,galing mo gumawa ng tula.

Arvin U. de la Peña said...

@MG.................may pakiramdam din talaga sila..kaya lang hindi nila maipahayag o maipakita kasi minsan balewala lang sa kanila anuman gawin sa kanila..kaya ang iba ay inaabuso dahil hindi gumaganti..

Arvin U. de la Peña said...

@tim..............ang tulad nila ay kailangan talaga ng pagmamahal..pero ang masakit dahil baliw ay pinandidirihan..binabalewala na lang..ang iba pa nga ay tinatali sa bahay..hindi pinapalabas..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............opo.....walang anuman iyon..salamat din sa pagpunta mo uli sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........dapat nga..pero baka kapusin ng budget ang DSWD kung lahat ng baliw ay kukupkopin nila,hehe..at ang problema din ang paglalagyan nila..Dapat na pagtuunan talaga ng pansin ang mga baliw sa kalsada..lagyan sila ng tirahan para sa kanilang lahat..hindi na makita na palakad lakad..kasi ang iba sa kanila ay pinagtritripan talaga ng masasama..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag..............may punto ang sinabi mo..masakit ang ganun pero hinahayaan na lang nila kasi para hindi maging pabigat pa sa kanila..ganun ang dahilan nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Claro Santiago...........tama ka..bawat baliw sa kalsada na nakikita ay may iba iba ang dahilan bakit nabaliw..ang iba nabaliw sa droga..ang iba nabaliw dahil mga problema sa buhay na hindi malutas..at iba pang mga dahilan..may kanya kanyang istorya ng buhay ang bawat baliw na tao..walang anuman iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni................salamat sa sinabi mo..kumusta naman kayo ni Kamil,hehe.....natawa ako sa kuwento mong gawa na naroon ang pangalan ko..ang haba din ng istorya..

Nikki said...

super tama. nice one kuya :D yer so awesome :) yer so good at this :DD sana madiscover ka kuya Xd haha

iya_khin said...

alam mo kung sino mas baliw? yun yung mga taong nagtataboy sa kanila..

Sam D. said...

Yan nga rin ang dapat pagtuunan ng government natin. Kasi maraming baliw na pagala-gala diyan sa atin. Okay lang kung hindi sila mananakit. Dapat talaga natin silang tulungan at wag pandirihan. Isa na namang magandang obra ito Arvs. Iyong business ko saiyo po hopefully ma finalize ko na sa monday sensiya na po. God bless you always and thank you for keeping in touch.

Kim, USA said...

Kaya nga nabaliw sobra ang pakiramdam nila na hinde nila alam how to control. ^_- Salamat sa dalaw!

Dhemz said...

ayay! baka ako din baliw na rin...ehehehe...ang galing mo talaga Arvin...d nawawalan nang ideas.

Ishmael F. Ahab said...

Mas mabuti pa ang mga taong "baliw" na nasa lansangan kesa yung mga baliw na may kapangyarihan. Mas pandirihan an mga baiw sa gobyerno dahil ang dumi nila ay nasa loob ng kanilang katawan at kaluluwa.

eden said...

Sorry for the late visit, Arvs.

Nice poem again. Thank you for sharing.

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN...............salamat po..mabuti naman at lagi kang ayos diyan...hehe...ewan ko lang..madami pa namang magaling magsulat..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin..........tinataboy kasi hindi masikmura na may baliw sa kanilang harapan..pero hindi nila naiisip na kung sila kaya ang maging baliw..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D.............madami nga pong baliw na pagala gala sa kalsada..walang matirhan at itinaboy na ng magulang o kaya kamag anak..malaki po ang magagasto ng gobyerno kung lahat sila ay pagtutuunan ng pansin......ganun ba..sige hintayin ko ang code para sa blog mo para ko mailagay sa side bar..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.............tama ka diyan..ang tao ay nababaliw kapag hindi nakontrol ang sarili nila..karamihan din na nababaliw ay dahil sa paggamit ng bawal na gamot..maraming naging baliw dahil sa droga pero ang iba naman ay naka recover.....tumigil sa paggamit o kaya ang iba ay pina rehab..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.............ngek....malayo kang maging baliw....sa ayos ba naman ng buhay mo diyan......salamat po sa sinabi mo...sana marami pa akong maibahagi sa inyo na sinulat ko..makapagsulat pa ako ng kung ano anu ang pamagat,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.....haha..ibang baliw iyon..sila na baliw ay marami ang napapahamak o nasasaktan..dahil maimpluwensya ay nagagawa ang lahat ng may nasasagasaan na tao..baliw sila sa ibang paraan..impluwensya ang ginagamit nila..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........okey lang iyon..nauunawaan kita..salamat sa muli mong pagpunta sa blog ko..

Nice Salcedo said...

haha! nkaka-relate ako ng post na ito, hindi ko lng alam bakit. xD cguro, sometimes, nababaliw rin ako. waaah.. oo nga, kahit ganito sila ka baliw ay may feelings din sila, kaya hindi dapat sila sinasaktan.

another great piece from you kuya arvin! keep up the good work! :)

Dhemz said...

ayay, astig nang header ah....:) dropping by here Arvin...salamat po sa dalaw.

eden said...

thanks for always visiting my blog, Arvs. Have a great day always.

Arvin U. de la Peña said...

@nice................ganun ba..siguro minsan nababaliw ka sa sobrang pagkamatalino mo,hehe.....salamat po sa sinabi mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.............hehe..iniba ko na po ang header sa blog ko....di ko alam kung hanggan kailan ang ganyan..baka matagalan pa bago ko uli ibahin..walang anuman iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@eden................walang anuman iyon..salamat din sa iyo..

Azumi's Mom ★ said...

kawawa ang mga baliw na palakad lakad sa lansangan. Hindi naman kasi nila alam ang ginagawa nila, gaya ng sabi ni Sir Mel, sana meron sangay ng gobyerno na tumulong sa mga pakalat kalat sa lansangan, hindi lang mga baliw pati na rin yung mga namamalimos na mga bata

w0rkingAth0mE said...

Galing mo talaga ... thumbs up ako sa mga sinusulat mo :)Totoo naman sure my pakiramdam din sila yon nga lang iba na kasi i mean hindi na nila ma express ng maayos kasi nga wala na sa tamang katinuan.

jedpogi said...

baliw man sila sa ating paningin.... mas baliw ang mga taong hindi tumutulong at hindi pumapansin...