Paunawa: May mga salita sa sinulat kong ito na medyo maselan. Para sa mga tao na magbabasa na hindi pa umaabot ng 18 ang edad ay patnubay ng magulang ang kailangan.
RH Bill
Ni:Arvin U. de la Peña
Usap-usapan ngayon ang RH Bill. Sa TV o pahayagan ay laman ng balita. Natatawa ako sa mga taong kontra sa RH Bill. Tingin ko sa kanila ay mga sawsawero at sawsawera. Agaw-pansin o kaya gusto lang na magkaroon ng publicity. Kung bakit ko ito nasabi kasi kahit pa maisabatas ang RH Bill ay wala rin namang mangyayari. Hindi iyon magiging hadlang para mapigilan ang pagdami ng populasyon. Kung bakit?, kasi likas na sa mga Pilipino ang pagka MALIBOG. Hindi pa pinag-uusapan o tinatalakay ang tungkol sa RH Bill ay mayroon ng condom o kaya contraceptives para hindi mabuntis na nabibili. Pero kahit mayroon ng ganun ay lumubo pa rin ang ating populasyon. Hindi napigilan ang pagkakaroon ng anak habang bata pa. Hindi napigilan ang walang maisilang na bata na hindi pinagplanuhan. Kahit pa maging lantaran na ang pagbebentang condom o kaya contraceptives para hindi mabuntis ay ganun pa rin ang mangyayari.
Halimbawa na lang ay ganito. Kung ang babae mahal na mahal ang boyfriend at ayaw na iwan siya kapag nagsabi ang lalaki na hindi gagamit ng condom sa pag sex ay tiyak papayag ang babae. Kasi mahal niya ang lalaki. Gusto na masiyahan sa pakikipagtalik. Kasi masarap ang makipag sex ng walang condom. Feel na feel ang sarap. Kung sabihin naman ng babae na iwithdraw kapag lalabasan na ay OK. Pero may mga pagkakataon na hindi nangyayari ang ganun. Naipuputok pa rin sa loob. Hindi agad nahuhugot kapag lalabasan na. Naipuputok pa rin sa loob. Kung magsabi ang lalalki na makikipaghiwalay kapag pinilit gumamit ng condom ay tiyak matatakot ang babae. Dahil doon ay parang wala ring saysay ang RH Bill.
Napakaraming beses na rin ng dahil sa kalasingan ay nakakabuo ng bata. Kapag lasing ay tatabihan ang babe at doon ay makikipagtalik na. Ang babae kahit ayaw ay pumapayag na lang kasi magagalit ang lalaki lalo at lasing. Dahil kung hindi pumayag ang babae ay mananakot ang lalaki na lalabas ng bahay at pupunta sa bahay aliwan para doon mairaos ang init na nararamdaman.
Go forth and multiply, iyon ang nakasaad sa bibliya. Kapag naipasa ang RH Bill baka hindi na mangyari ang go forth and multiply at iyon ang ayaw ng simbahang katolikoo. Itong simbahang katoliko mahilig talagang makialam lalo sa usaping politikal. Tingin nila talaga sa kanilang mga sarili ay malinis at lahat ng pari o nanunungkulan sa simbahan ay walang bahid ng dumi sa katawan.
Alin ang kasalanan? Ang hindi bumuo ng bata o bumuo ng bata pero walang maipapakain kapag naisilang. Magnanakaw muna para may maipakain. HIndi ba mas kasalanan ang bumuo ng bata pero kulang sa atensyon. Na ang iba ay nakikita sa mga kalsada walang damit. Kung may damit naman ay marumi. Nakakaawa kung titingnan. May mga bata na inaapi ng magulang. Kaya nga may tinatawag na child abuse. Higit sa lahat dahil wala sa plano ang ipinagbubuntis ay ipinalalaglag o kaya kung hintayin na maisilang ay itinatapon ang sanggol. Hindi ba mas malaking kasalanan iyon kasi matatawag na iyon na pagpatay. Kaysa sa sperm na pipigilan para hindi mabuo na maging bata pagtagal.
Sa ngayon marami ng Pilipino ang nag-iba ang relihiyon. Sa ibang simbahan na sila sumisimba. Kung inaakala ng simbahang katoliko na lahat ng mga salita o pahayag nila sa simbahan o paniniwala ay mabuti bakit mgay mga tao na nag-iba ng relihiyon. Lahat ng tao ay gusto na mapabuti ang buhay nila. Pero bakit nag-iba sila ng relihiyon. Sa ganun na paraan na maraming Pilipino ang nag-iba ng relihiyon ay malaki rin ang nababawas na dapat sana kita ng simbahan. Malaking pera ang nawawala sa simbahang katoliko dahil sa mga tao na nag-iba ng relihyon.
Mga kababayan ko huwag kayong maniwala sa simbahang katoliko o sa ibang politiko na huwag suportahan ang RH Bill. Kasi ang nasa simbahang katoliko ay ayos lang sa kanila ang hindi magkaroon ng anak, kasi wala silang asawa. Ewan ko lang kung may anak sa labas. Isa pang dahilan ang binubuhay nila sa kanilang sarili ay halos bigay lang sa kanila. Donasyon para sa simbahan. Ang pera na binibili ng pagkain ay mula lang sa tao. Malakas silang magsabi ng kontra sa RH Bill kasi wala silang asawa. Wala silang pinagkakagastuhan na asawa at anak. Tungkol naman sa mga politiko na kontra sa RH Bill ay ayos rin lang sa kanila ang maging marami ang anak kasi mayaman sila o kaya maraming pera na magagamit para sa pagpapalaki sa anak. Pero iyong ibang mga tao. Naghihirap muna sila para may maipakain sa kanilang mga anak. Mabuti kung ang simbahang katoliko o ang mga politiko na kontra sa RH Bill ang gagasto para sa ibang mga bata, pero hindi eh. Magaling lang silang magsalita pero kulang sa gawa.
Suportahan ang RH Bill dahil iyon ang isinusulong ng gobyerno. Hindi naman tungkol sa korapsyon ang isinusulong bakit pa tayo kokontra. Kung laging ganun na may hadlang sa nais ng gobyerno kahit hindi naman patungkol sa korapsyon ay hindi uunlad ang ating bansa. Magpakita tayo ng pagkakaisa. Huwag magwatak-watak sa paniniwala. Dahil ang kaunlaran ng bansa ay nasa tamang disiplina at pagkakaisa ng mga mamamayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
52 comments:
Hi, Arvin, I've added you on my FRIENDS list, I wish to be added here as well... But, honestly, tnx for sharing! Well said, and worth reading, dude! Alam mo Arvin, 'di ko rin talaga masakyan kung ano'ng big deal sa RH BILL... Eh, kahit na ngayon pa man ay uso na yung mga contraceptives. Siguro, makakatulong 'din itong RH BILL sa proper education sa mga Pinoy. Maraming mga area na 'di natuturuan ng mainam, at marami ding mga pilipino na talagang walang kaalaman. Wag na tayong lumayo, as mga kamag anak or mga kapit bahay, may mga makikita ka na hirap na hirap na sa buhay, pero anak pa rin sila ng anak... Bakit kaya?! Ang RH BILL ay talakayin hindi lamang sa pagtatalik ng mga mag boyfriend or girlfriend. Ito ay isang mahalagang batas na dapat ay di pinakikialaman ng katoliko o ng kahit na anong religious sectors. Sadyang makukulit lang talaga itong mga pari minsan. Hindi nila dapat pinapakialaman ang batas na ito, dahil sila mismo ay 'di pinapayagan ng sarili nilang relihiyon na makipag talik o bumuo man ng pamilya. Paano ka magtuturo mag drive, kung ikaw mismo 'di marunong mag drive, tama ba?! Sa usaping ito, masyado lang nila ginagawang teatro ang RH BILL, at pilit silang sumasawsaw. RH BILL might not really stop POVERTY, that's the truth. But, it might at least, help in educating us Filipino's to know our options. Hindi naman abortion ang pag gamit ng contraceptive gaya ng sinasabi ng mga anti-RH BILL. Pilit nilang binabaluktot ang katotohanan, for the sake of publicity or fame. Itong mga tao na ito, ni hindi man nila silipin itong mga squatters area, para masabi nila sa mga sarili nila na maluwag pa rin ang Pilipinas! I also wrote an article about it, you and your readers might wanna take a look! Cheers!
http://www.isp101.net/2011/05/catholic-church-vs-philippine.html
ummmm... nakuha ko ang punto mo at iginagalang ang opinyon mo. Pero bago pagtalunan ang lahat..anu nga ba ang RH Bill? o ano nga ba ang nilalaman ng RH Bill?..ito muna ang linawin..hindi lng kasi ito tungkol sa safe sex, sa contraceptives..at sa iba pa... hindi ko sinasabing agree o disagree ako dito... hayaan mo't ipapaliwanag ko din ang aking panig ukol dito sa mga susunod kong entry... :)
very controversial ang topic mo today. Para sa akin ayos lang RH bill. Sa huli ang tao pa rin naman ang magdedesisyon kung susundin nila ang mas liberal or ang korsebatibong turo ng simbahan.
Halimbawa ako, kung gusto ko ang natural family planning wala namag magagawa ang RH bill at kung sakaling gusto ko naman na gumamit ng contraceptive wala din naman magagawa ang simbahan.
anyway, na add na kita sa blog roll ko. It's my pleasure. Thanks sa pag initiate nitong exchange link. I really appreciate it. Friends na din tayo :)
agree ako sa bill na yan...ist about time na turuan ang mga taong malilibog na mailabas nila ang libog nila na walang magiging resulta ng paghihirap lalo..
Nice piece pare..
ayan parekoy..nasa blog ko na ang posisyon ko ukol dito... :)
korek ka diyan kaibigan... ako din pro rh... salamat sa pasyal... meron din akong sulat patungkpl dito baka gusto mu ting basahin ..http://www.vernzdaily.com/why-i-support-rh-bill/
salamat
"Suportahan ang RH Bill dahil iyon ang isinusulong ng gobyerno."
alam mo ba kung bakit madami pa ding naninigarilyo kahit na may masama pa itong epekto? kasi after each commercial ng mga 'to, may "GOVERNMENT WARNING: cigarette smoking is dangerous to your health." e madaming hindi naniniwala sa gobyerno. kaya yun. tuloy ang paghithit.
nice nice kuya arvs :DD super like o ang topic na to XDD
super mega pro din ako sa rh bill. at gaya mo ganun din ako, hindi ko mintindihan kung anong inaayawan nila dito..
kaya di tayo ganun ka umuunlad dahil sa mga taong ayaw sumulong. naku.. ang tagal ko na din gusto sumulat tungkol sa topic na ito kaso nawawalan ako ng gana at nag aalala na mapaaway sa sarili kong blog..hehehe
salamat sa pagdalaw.. uu naman sino makakalimot sayo db?
pabor din ako sa RH bill, pero sana mabasa natin ang buo ang nilalaman ng bill na yan..
Kuya Arvin,
Heto pala ang dahilan kung bakit mo ako tinanong sa blog ko kung ano ang stand ko patungkol sa isyu ng Reproductive Health Bill na yan. Kasi nagsulat ka pala patungkol sa RH Bill. Ang sagot ko sa tanong mo ay ako ay kontra sa RH Bill na iyan. At hindi dahil sa "nakikisawsaw" lang ako sa isyu na ito kaya kumokontra ako. Marami po akong nakitang mali sa RH Bill na ito.
Una, hindi ko po maintindihan kung bakit pabor kayo na ipasa ang RH Bill eh kayo na rin po ang nagsabi na "kahit pa maisabatas ang RH Bill ay wala rin namang mangyayari. Hindi iyon magiging hadlang para mapigilan ang pagdami ng populasyon." Kung gayon po pala, bakit pa kailangang ipasa ang RH Bill na ito kung magiging walang silbi naman ito? Ibig sabihin nito, nagsasayang lang ng oras at resources ang gobyerno dahil sa RH Bill na ito kung tutuusin ay wala rin naman pala itong epekto sa "paglobo ng populasyon."
Ayon mismo sa mga mambabatas na nagsusulong ng RH Bill na ito, 3 Billion Pesos mahigit ang ilalaan ng gobyerno para sa "programa" ng RH Bill kung sakaling maging batas ito. Ayon mismo sa sinabi mo, magsasayang lang ang gobyerno ng 3 Billion Pesos mahigit para lang sa RH Bill. Kung ganon lang din bala eh mas maganda na huwag na lang ipasa ang RH Bill at ibuhos na lang ang pera sa pagpapalago ng sektor ng agrikultura, pagtatayo ng mga kalsada at iba pang mas importanteng proyektong magbibigay ng kongkretong kaunlaran sa Pilipinas.
Ikalawa, yung scenario ng magkasintahan na nagtatalik o yung lalaking lasing. Sinabi mo mismo na papayag ang babae dahil takot siya na iwan ng lalake or kasi lasing yung asawa. Mapipigilan ba ng RH Bill ang mga scenario na binigay mo? Kahit magbuhos pa ng libreng condom ang gobyerno eh tuloy pa ring gagawin ng boyfriend or ng lasing na asawa ang mga iyon. In short, makabubuo pa rin sila ng bata. Kung gayon, RH Bill ba ang sulusyon? Hindi ba pagdidisiplina lang ang pinakasagot dito? Kayang bang piliting maging disiplinado ng RH Bill ang mga tao? Hindi.
Ikatlo, ang usapin sa RH Bill ay pinalalabas ng media na labanan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at ng Gobyerno. Mali po kayo diyan. Hindi lang po Simbahang Katoliko ang kontra sa RH Bill na ito. Kontra din po dito ang isang sekta ng mga Baptists (http://filipinosforlife.com/2011/03/09/why-bible-believing-marriage-loving-family-oriented-filipinos-must-be-against-the-consolidated-rh-bill/). Kontra rin po dito ang mga Muslim groups (http://www.gmanews.tv/story/202450/muslim-group-joins-protest-vs-artificial-contraception). May mga atheists din na ayaw ng RH Bill na ito. In short, ang isyu ng RH Bill ay isang malawak na usapin at sakop nito ang lahat ng mga tao, kahit ano po ang relihiyon oh paniniwala nila.
Ikaapat, isinusulong po ng Simbahan ang responsableng pagpapamilya. Hindi lang po basta "go forth and multiply" ang tinuro ng Simbahan. Kaya suportado ng Simbahan ang natural family planning eh. Dahil naniniwala ang Simbahan na ang mag-asawa ay dapat maging responsable sa paraan na ginagalang ang katawan ng babae at lalaki at kasagraduhan ng buhay ng isang tao.
Ikalima, hindi po lahat ng isinusulong ng gobyerno ay tama po. Isa na dito ang RH Bill na iyan. Basahin po ninyong mabuti ang RH Bill o HB 4244 (http://filipinosforlife.com/2011/03/10/15th-congress-house-bill-4244-full-text-final-consolidated-rh-bill-hb-4244/) na ang tawag ngayon ay "Responsible Parenthood Bill" at makikita po ninyo doon kung ano ang hindi katanggap-tanggap.
Pasensya na sa pagiging "sawsawero" ko pero dahil tinanong mo ako sa blog ko eh pinagbigyan naman kita at binigay ko sa iyo ang sagot ko.
kayo po pro or anti? vote kayo!
http://i-am-supersam.blogspot.com/
thanks. bago lang po
tumpak Arvin...thanks for sharing this article with us.
Problema nga ang pagdami ng papulasyon ng pilipinas.But for me they should focus on giving a stable job and a good salary for each filipino.Para matustusan ang needs ng kanilang pamilya.
Call Center Agent
Hi Arvs! Nice post. Thanks for sharig.
@ayu..........salamat sa pag agree mo..ibig lang sabihin nito ay hindi ka rin pabor na ang simbahang katoliko ay nakikialam sa isyu na ganun.......
@isp101............salamat kung ganun na add mo ang blog ko sa friends list mo.....tiningnan ko ang link na sinasabi mo at tama ka na bigyan ng chance ang RH Bill na maipasa.....kasi sabi pa nga nasa pamilya pa rin ang huling desisyon kung ilan lang na anak ang gusto....
@supergulaman............alam ko na ang RH Bill ay hindi lang tungkol sa condom o sa mga contraceptives....pero ang dalawang iyon ang sa palagay ko pinag iinitan ng mga nasa simbahang katoliko para hindi iyon maisabatas kasi mapipigilan ang magkaroon ng sanggol ng dahil sa condom at contraceptives......hindi mangyayari ang sinasabi na Humayo kayo at magparami kasi dahil sa condom at contraceptives..
@mayen...........yes..ang magulang o mag asawa pa rin po ang masusunod sa huli..kahit hindi pa tinatalakay ang rh bill ay mga mga ganun na..condom at contraceptives..pero gaya ng sabi ko dumami pa rin ang ating populasyon..salamat sa pag add mo sa blog ko sa blog list mo..
@Akoni...........sana nga lang kung maisabatas na ang rh bill ay hindi dumami ang mga malilibog,hehe....kasi tiyak lulubo ang ating populasyon.....maraming dahilan bakit naghihirap ang ating bansa..hindi lang dahil sa marami ng tao..isang dahilan dahilan bakit naghihirap ang ibang mga pilipino ay dahil sa korapsyon..
@supergulaman...........ok..puntahan ko ang blog mo mamaya..
@Vernz.........mabuti at pro rh bill ka rin.....walang anuman iyon....kapag nag iikot ikot ako ay madalas talaga ay napupuntahan ko ang blog mo....titingnan ko ang link na sinasabi mo..
@ka bute............hehe...tayong mga pilipino madalas talaga kung ano ang bawal ay ginagawa.....kapag lulong sa sigarilyo ay malaking pera din ang nagagasto bawat araw...at mahirap talikuran ang bisyo na iyon na paninigarilyo..
@CHEEN............ganun ba.....salamat sa pag like mo sa post kong ito....laman ng mga pahayagan at news ang rh bill....mainit talaga..
@kha.............madami ang umaayaw kasi malalabag ang nakasulat sa bibliya na go forth and multifly.....baka kumnonti ang mga pilipino...pero mali iyon eh....dahil ang libog ay mahirap mapigilan..at tiyak dahil sa kalibugan ay may mabubuong bata.....mahilig ang ibang mga pilipino na hindi sumunod sa batas....kaya kahit pa maging batas na ang rh bill ay may mga pagkakataon pa rin na ang ibang mga nakapaloob sa batas ay hindi susundin..
@mommy-razz............madami ang nilalaman ng rh bill....mabasa mo sa link na ito http://www.isp101.net/2011/05/catholic-church-vs-philippine.html
@Ishmael Fischer Ahab......nirerespeto ko ang opinyon mo na ikaw ay kontra sa rh bill...sinabi ko ang salita na iyon dahil sa usapin na condom at contraceptives na nasa rh bill na dahil doon ay kontra ang simbahang katoliko...kasi dahil sa contraceptives at condom ay may mga sanggol sanang maisisilang na napipigilan....madami ang nilalaman ng rh bill....
hindi naman ang rh bill ang solusyon para sa kahirapan..mapigilan ang mga taong korap at tiyak kahit paano hindi maghihirap ang maraming pilipino sa atin..maraming salamat sa mga sinabi mo..
@iamsupersam.........ako po ay pro rh bill.........titingnan ko ang blog mo..
@Dhemz............thanks din sa iyo....mainit kasi ang usapin na ito kaya ayun nag decide ako na mag post ng ganito..
@maroun.........kung may pagkakaisa lang at pagtutulungan sa bawat pilipino ay hindi maghihirap ang ating bansa..
@eden.............thanks for again visiting my blog..i really appreciate it..
naku, tunay na mainit na isyu ito kya mejo iwas sulat ko ang rh bill, hehe. pero makikisawsaw na rin ako d2 sayo kz nacurious ako sa tanong mo:)
1. sawsaw din ako ky ismael fischer ahab.
2. katoliko ako. naniniwala sa aral ng Diyos, sa free will...ngunit tuwing mababasa ko ang "utos ng mga oligarko" na "civil disobedience...aba e teka, teka, nasaan and mabuting aral dun? kya minsan nakakabadtrip ang mga pari e, and dpat nilang ituro sa tao e MORALIDAD, bka skali matuto ang tao sa mga bawat hakbangin.
3. nung una pabor ako jan e, kaso habang binabasa ko ang rh bill, ANDAMING DI APRUBADO SA ILANG PROPONENTS.aminin na ntin, ang bill na ito ay PANGMAHIRAP,BAKIT NGA E DB TARGET NG BILL NA ITO NA "IEDUCATE" SI MAHIRAP SA TAMANG PAGPPLANO NG PAMILYA. ang sagot ko, kung educate lng, aba e dna natin need ng bill na ito, nakaincorporate na sa curriculum ng edukasyon ntin ang dpat nting mlaman, d nga lng un mismong "sex education", na sukat ikagalit ng mga kaparian. ang sagot ko d2, cguro pagtuunan nlng ng pansin ang adukasyon, d lng s public sch kundi maging ang mga pribadong paaralan.
4. di nga sagot s khrapan ang rh bill, NGUNIT nakikita ko na ito na nman ang isa sa pagmumulan ng KORUPSYON sa mga ahensyang gagawaran ng pmhalaan upang maipatupad ang batas na ito. condoms, pills, iuds, other things na kailangan sa pagpapatupad ng sakaling batas na ito kun maipapatupad...aba e were not talking of cents here...millions na nman ang pondong ilalaan d2. kun wala sanang corrupt na politiko o "AHENSIYA NG PAMAHALAAN"...ang hirap magtiwala hanggang walang nkikitang pagbabago sa ating bulok na sistema.
5 huli napo arvs, kun batas ang paguusapan, MARAMI NA TAYONG BATAS E, KULANG LANG SA PAGPAPATUPAD NG "TAMA"
ayan tuloy napahaba ang aking pakikiSAWSAW, arvin, kasalanan ng tanong mo, haha
pasensiya napo:)
arvs leave me a comment again ha, para masundan ko uli ang thread nato:)
ang sarap basahin ng tinig ni juan e.
hello, happy weekend my cyberfriend.
Tama ka dyan Arvin. RH bill. I watched Banana Split kagabi, Red Horse Bill pla to. hahahaha. Kay Manny na endorsement..
i support RH Bill too! dati ko pa gustong gumawa ng post about dito, pero nabubuset lang ako. There's too much to say para maexplain yung gusto ko i-point out. hehe...
anyway, nice post kuya :)
Pabor ako sa RH bill dahil sobra na ang paglobo nang ating populasyon at dahil dito ay ang masidhing paghihirap nang maraming tao. Hindi na kaya nang goyerno na tustusan ang pagaaral nang mga bata at ang serbisyong sosyal dahil kakarampot lang ang ating pondo na nababawasan pa dahil sa korapsiyon. Nililihis nang mga tutol sa RH bill sa pagsasabing abortifacient ito o nagko cause nang abortion which is farthest from the truth. Ang abortion ay ang paglalaglag nang batang buo na sa sinapupunan. Ilegal ang abortion sa Pilipinas kaya nagsisinungaling ang gumagamit nang argumentong ito. Ang pini prevent nang contraceptives ay ang conception. Ang pinaka buod nang RH bill ay bigyan ang tao nang kalayaang mamili nang family planning method na gusto nila at hindi kasali dito ang forced abortion. Ang tanging family planning method na aprubado nang simbahang Katoliko ay ang natural o rhythm method. Hindi po epektibo ito dahil ang mga lalaki ay hindi maghihintay na safe ang babae bago makipagtalik. Kasama sa agenda ni P.Noy ang comprehensive family planning method katulad nuong panahon ni Marcos na makapupunta ang babae sa baranggay health center para sa kanyang family planning at kung saan pwede silang magpatali (ligation), magpalagay nang iud, humingi nang birth control pills at condom. Kasama rin dito ang sterilization nang lalaki para hindi na magkaanak. Kasama ito sa mithiin nang gobyerno na puksain ang korapsiyon sa gobyerno. Mali ang sabi ni Pacquiao na sabi nang Diyos na humayo kayo at magparami. Sinabi Niya iyon nuong nilalang Niya ang mundo pati ang tao. Kung bababa Siya ngayon, ang sasabihin Niya ay planuhin ninyo ang mgagiging anak ninyo at magsikhay kayo sa buhay para mapalaki ninyo sila nang maayos. Salamat sa kontrobersyal na lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Para sa gustong mabasa ang salient features nang RH bill na pinublish nang Inquirer.net, ito ang capsulized form nang bill. Just click the link please:
http://komentaryopilipino.blogspot.com/2011/05/capsulized-version-of-rh-bill-as.html
@imriz..............maraming salamat sa sinabi mo...kahit ako ay hindi ko nagustuhan ang sinabi ng simbahang katoliko na civil disobedience.....o kaya ang tungkol sa hindi magbabayad ng buwis....hindi na nga sila na simbahang katoliko nagbabayad ng buwis ay mag uudyok pa sila sa mga katoliko na huwag magbayad ng buwis.....anong klaseng mga tao sila...akala ko ba gusto nila na lahat ng tao ay maging mabuti..kung mangyayari na walang magbabayad ng buwis ay lalong maghihirap ang mga mamamayan ng ating bansa..kapag ganun ay maraming pagnanakaw ang magaganap.....kulang sa pagpapatupad ng tama ang ating batas kasi madaming butas at isa pa may mga nasusuhulan na tao para ang batas ay mabalewala..di nga sagot sa kahirapan ang rh bill pero makakatipid naman kasi ang mga contraceptives o pills o kaya condom o ano pa ay magiging libre na,hehe..
@Prinsesang Sutil............ganun din sa iyo....kumusta ka naman..salamat sa pagbasa mo sa sinulat kong ito..
@tim..............hehe..kinuha pa nila na endorser si Manny Pacquiao.....desisyon nila iyon.....baka dahil dito may mga fans na mabawas kay Manny dahil mas nakakarami ang pabor sa RH Bill.........
@lily..........mabuti naman at sumusuporta ka sa rh bill.....ganun ba....mag post ka ng tungkol sa rh bill.....kayanin mo..huwag ka mabuwisit....ako nga hindi ko trip ang mga ganito na post, mga issue.. kaso hindi ko napipigilan kasi nababalitaan ko sa tv at nababasa sa diaryo ang isyu......dahil sa ganun na bali balita ay nababadtrip ako kasi laging ganun na lang..kaya ang ginagawa ko ay mag post para hindi ako mabadtrip,hehe...
@Mel Avila Alarilla..........salamat sa sinabi mo at sa link na bigay mo.....tiningnan ko ang link at ako din ay nag komento doon.....tama ka sa sinabi mo.....dahil sa rh bill walang abortion o pagpatay sa bata ang magaganap kasi walang sanggol na magiging bata kung sundin man iyon ng mag asawa.....may mga mali si Pacquiao sa kanyang sinabi kaya nga pinagsabihan siya ni Sen. Miriam Santiago,hehe....ang mga tutol sa rh bill ay mga tao na gusto nila may mabibili ang tao para sa contraceptives para mabawasan ang pera nila.....
Sorry Friend pero kanya kanya tayong pananaw sa RH bill, Di ako pabor sa batas na to. Bakit? Kasi unang una nasa bibliya nga yon di ba? na go forth and multiply sabi ng Diyos. Pangalawa, Kung papayagang isabatas ang RH bill, para na rin nating pinayagan na mag sex ang kahit na sinong mag ka relasyon na hindi naman bound ng marriage.di matatakot ang mga kabataan na gawin ang sex kasi may contraceptives naman e.Responsible sex bang matatawag yun? E hindi nga kasal. Pwedeng pwede na bumili sa khit saang drug store ng mga contraceptives na walang reseta ang kahit na sino.Sex all you want na ang lagay? kasi safe naman" wlang mabubuo. Makatao ba yun? Di ba sarili mo lang inisip mo nun? di ba pagtalikod yun sa responsibilidad? Bakit itong bill na to ba, para lang sa mga married couple lang?. It doesn't make sense. Di ba para na rin nating inencourage ang immorality nang lantaran sa RH bill na yan? Everything is doing it naman e, ito ang trending naman, pero tandaan natin sana na hindi lahat ng uso e mabuti at tama.
Hindi kaya ang pharmaceuticals lang ang higit na makikinabang dito pag naisabatas to. and maybe those politicians who made this bill will get a huge cut from those huge company na gusto kumita ng husto pag nagwagi silang mapasa ito.(But this will not happen) I rebuke them.
Alam mo,Hindi kasalanan ng mayayaman kung kaya nila mag anak ng marami, privilege nila yun kasi kaya nila buhayin. At kung alam naman pala ng iba na di nila kaya buhayin ang maraming anak, ang solusyon dyan,magpigil. Simpleng simpleng paraan , kung ano anong solusyon ang gusto. Imbes na dagdagan ng gobyerno ang gastusin ng mga kababayan nating naghihikahos, bakit di nalang sila mag invest sa pagtuturo at pag papalawak ng kaalaman sa wasto at tamang kaalaman sa pag pipigil ng natural sa bawat pamilyang mahihirap kung talagang gusto nilang makatulong. Hirap na nga e, uunahin pa ba nilang bumili ng pills o condom kesa sa bigas na ipampapakain sa mga anak nila?
Thanks for the visit and nice comment, Arvs. TC always.
"Alin ang kasalanan? Ang hindi bumuo ng bata o bumuo ng bata pero walang maipapakain kapag naisilang." <---- nagustuhan ko ito mula sa iyo.
I support RH Bill. Kahit anong sabihin nila, pro ako. I'm glad na ikaw rin.
ayoko ng RH bill kasi baka maging ligal ang abortion sa pilipinas
Arvs thank you sa pagpost mo nito kahit papaano na uupdate ako sa mga nangyayari diyan sa atin. Lam mo kahit ilang RH Bill ang ipasa ng govenment natin diyan kung ang mga tao eh walang discipline sa mga sarili nila pagdating sa topic na yan wala rin talagang mangyayari. Marami pa ring mabubuntis na mga babae at ipapanganak na walang future dahil sa mga magulang nilang hindi nag-iisip :-)Mag-email pala ako saiyo about dun sa isang badge ko.
I am a Pro-Life Arvin and I am against RH Bill. This bill is not about the Catholic church nor anything about Liberal minded people but this is about how you value LIFE. This is debatable topic, kasi marami ang mga isyo ang dapat na nakasakop dito. Pero ito lang ang masasabi ko tingnan ninyo ang mga pangyayari dito sa America naging legal ang abortion, tapos ang divorce, same sex marriage, sex education sa mag grade 3 or 4 pupils, giving pills and condoms to high school students, post birth abortion at marami pang iba. And if you go deeper than that go look and research kung sino ba ang mga pasimuno nyan. Tingnan mo sa history nang America isang babae who don't believe in life, who doesn't believe in God etc.
Kung akala nang mag nag author nang RH Bill ay ito ang makaka pag raise up nang poverty dyan sa Pinas? Hello, yung corruption ang dapat linisin at yang bereaucracy dyan hinde. Ano ba ang nakasaad da bibliya....DON'T BE FEAR KNOW THAT I AM GOD!! Kung sinabi mo bakit maraming mga Pinoy ang nag iba nang relihiyon, bakit nga ba????
At hinde alam nang marami na ang paggamit nang pills ay ang isa sa factors nang CAncer nang mga babae. AT ni isang doktor ang magsasabi na yan dahil they don't care, pero sa mga advertisement lalo na dito sa US they have to say the side effect.
Kung ang dalawang taong magmahalan a man and a woman would respect each other wishes diba? Natural planning is the way at hinde nang kung anong mga contraceptives na yan.
At bakit nga ba ang simbahan stand for Life because we were given Life from God. At walang sino man ang may karapatan na mag patay nang buhay na yan.
Kung sabihin ko sa iyo ngayon sa na ina-bort ka na nang nanay mo noon what you feel? But your nanay choose to have you dahil mahal niya buhay niya. may takot siya sa Diyo at mahal ka niya. Lahat tayo ay nabuhay, lumaki na hinde mga mayaman pero ito sa awa nang Diyos okey naman. Pero what about the UNBORN CHILDREN never even see the light dahil nga pinatay dahil....for poverty reason? For good education?? For ano pang anong mga rason??? Come on...
Great post, i am on RH Bill.
no more Padre Damaso
Hi guyz.... I just wanted to share a blog to u... about ameriacan women discussing the the dangers of artificial contraceptives.... the RH BILL was recently declared as a priority by our good president!!! My question is, will RH BILL will also subsidized the Hospitalization of the poor that will be the victims of these harmful contraceptives? This bill that will ensure the free access of these contrceptives will just poison our poor women... Who do not have the capabilities in combating the deadly side effects of CONTRACEPTIVES!!! mga friends, those who really believe in God should be against the passage of the RH BILL!!! pls enjoy reading here the comments of real women who suffered the deadly side effects of CONTRACEPTIVES!!! http://caloriecount.about.com/birth-control-pill-warning-anyone-over-ft21822 GODBLESS US ALL!!! :)
Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
Post a Comment