First of all I want to thank Sam of http://www.photosandtips.com/ for sending me some amount of dollars for one year for the badge of her blog Snap Shots And Tips that I put in my blog.
Ito ang una at huli kong pag post ng poem na hindi ko sinulat.
"Sa buhay maraming beses kang magmamahal. Pero may isang taong dadating na hindi mo makakalimutan. Di man siya ang makatuluyan mo, pero siya naman ang magbibigay kahulugan sa buhay mo."
Pain
I never thought I would write poems when I was with you
Because I was so in love I didn't need to
I felt complete and so alive
But now you're "gone", it's hard to even face the man in the mirror.
I split my life into two
One half is trying to move on, the other's still dreaming of you
Dreaming we're happily together
It's the way my heart will dream forever.
It's so much easier this way
Living half a life each day
The other in the past back with you or in a future which is never true
Where my tears and smiles are all so pure.
Some nights I sit and cry to the heavens the question why.....
Remembering your pictures in my mind and reading the only set of poems I had
from you
They show me the footprints you left in my heart
And how our love cannot get any better.
Now they're just a reminder
Of everything I have lost
I guess happiness like that
Always comes with a cost.
I'm still grateful for your love
Even how fleeting it is in my life
I was proud to be your man
I'm just sorry I never got to be good enough for a much longer time.
But who knows the future
Maybe we'll fall in love again
If I could be back in your arms one day
Then I will gladly pay this small price..…PAIN!
(Para sa kaibigan kong si Alexis umaasa ako na sa pag-uwi mo ganun pa rin. Paiinumin mo pa rin kami ng San Miguel Beer o kaya Red Horse Beer.)
Wednesday, May 25, 2011
Wednesday, May 18, 2011
RH Bill
Paunawa: May mga salita sa sinulat kong ito na medyo maselan. Para sa mga tao na magbabasa na hindi pa umaabot ng 18 ang edad ay patnubay ng magulang ang kailangan.
RH Bill
Ni:Arvin U. de la Peña
Usap-usapan ngayon ang RH Bill. Sa TV o pahayagan ay laman ng balita. Natatawa ako sa mga taong kontra sa RH Bill. Tingin ko sa kanila ay mga sawsawero at sawsawera. Agaw-pansin o kaya gusto lang na magkaroon ng publicity. Kung bakit ko ito nasabi kasi kahit pa maisabatas ang RH Bill ay wala rin namang mangyayari. Hindi iyon magiging hadlang para mapigilan ang pagdami ng populasyon. Kung bakit?, kasi likas na sa mga Pilipino ang pagka MALIBOG. Hindi pa pinag-uusapan o tinatalakay ang tungkol sa RH Bill ay mayroon ng condom o kaya contraceptives para hindi mabuntis na nabibili. Pero kahit mayroon ng ganun ay lumubo pa rin ang ating populasyon. Hindi napigilan ang pagkakaroon ng anak habang bata pa. Hindi napigilan ang walang maisilang na bata na hindi pinagplanuhan. Kahit pa maging lantaran na ang pagbebentang condom o kaya contraceptives para hindi mabuntis ay ganun pa rin ang mangyayari.
Halimbawa na lang ay ganito. Kung ang babae mahal na mahal ang boyfriend at ayaw na iwan siya kapag nagsabi ang lalaki na hindi gagamit ng condom sa pag sex ay tiyak papayag ang babae. Kasi mahal niya ang lalaki. Gusto na masiyahan sa pakikipagtalik. Kasi masarap ang makipag sex ng walang condom. Feel na feel ang sarap. Kung sabihin naman ng babae na iwithdraw kapag lalabasan na ay OK. Pero may mga pagkakataon na hindi nangyayari ang ganun. Naipuputok pa rin sa loob. Hindi agad nahuhugot kapag lalabasan na. Naipuputok pa rin sa loob. Kung magsabi ang lalalki na makikipaghiwalay kapag pinilit gumamit ng condom ay tiyak matatakot ang babae. Dahil doon ay parang wala ring saysay ang RH Bill.
Napakaraming beses na rin ng dahil sa kalasingan ay nakakabuo ng bata. Kapag lasing ay tatabihan ang babe at doon ay makikipagtalik na. Ang babae kahit ayaw ay pumapayag na lang kasi magagalit ang lalaki lalo at lasing. Dahil kung hindi pumayag ang babae ay mananakot ang lalaki na lalabas ng bahay at pupunta sa bahay aliwan para doon mairaos ang init na nararamdaman.
Go forth and multiply, iyon ang nakasaad sa bibliya. Kapag naipasa ang RH Bill baka hindi na mangyari ang go forth and multiply at iyon ang ayaw ng simbahang katolikoo. Itong simbahang katoliko mahilig talagang makialam lalo sa usaping politikal. Tingin nila talaga sa kanilang mga sarili ay malinis at lahat ng pari o nanunungkulan sa simbahan ay walang bahid ng dumi sa katawan.
Alin ang kasalanan? Ang hindi bumuo ng bata o bumuo ng bata pero walang maipapakain kapag naisilang. Magnanakaw muna para may maipakain. HIndi ba mas kasalanan ang bumuo ng bata pero kulang sa atensyon. Na ang iba ay nakikita sa mga kalsada walang damit. Kung may damit naman ay marumi. Nakakaawa kung titingnan. May mga bata na inaapi ng magulang. Kaya nga may tinatawag na child abuse. Higit sa lahat dahil wala sa plano ang ipinagbubuntis ay ipinalalaglag o kaya kung hintayin na maisilang ay itinatapon ang sanggol. Hindi ba mas malaking kasalanan iyon kasi matatawag na iyon na pagpatay. Kaysa sa sperm na pipigilan para hindi mabuo na maging bata pagtagal.
Sa ngayon marami ng Pilipino ang nag-iba ang relihiyon. Sa ibang simbahan na sila sumisimba. Kung inaakala ng simbahang katoliko na lahat ng mga salita o pahayag nila sa simbahan o paniniwala ay mabuti bakit mgay mga tao na nag-iba ng relihiyon. Lahat ng tao ay gusto na mapabuti ang buhay nila. Pero bakit nag-iba sila ng relihiyon. Sa ganun na paraan na maraming Pilipino ang nag-iba ng relihiyon ay malaki rin ang nababawas na dapat sana kita ng simbahan. Malaking pera ang nawawala sa simbahang katoliko dahil sa mga tao na nag-iba ng relihyon.
Mga kababayan ko huwag kayong maniwala sa simbahang katoliko o sa ibang politiko na huwag suportahan ang RH Bill. Kasi ang nasa simbahang katoliko ay ayos lang sa kanila ang hindi magkaroon ng anak, kasi wala silang asawa. Ewan ko lang kung may anak sa labas. Isa pang dahilan ang binubuhay nila sa kanilang sarili ay halos bigay lang sa kanila. Donasyon para sa simbahan. Ang pera na binibili ng pagkain ay mula lang sa tao. Malakas silang magsabi ng kontra sa RH Bill kasi wala silang asawa. Wala silang pinagkakagastuhan na asawa at anak. Tungkol naman sa mga politiko na kontra sa RH Bill ay ayos rin lang sa kanila ang maging marami ang anak kasi mayaman sila o kaya maraming pera na magagamit para sa pagpapalaki sa anak. Pero iyong ibang mga tao. Naghihirap muna sila para may maipakain sa kanilang mga anak. Mabuti kung ang simbahang katoliko o ang mga politiko na kontra sa RH Bill ang gagasto para sa ibang mga bata, pero hindi eh. Magaling lang silang magsalita pero kulang sa gawa.
Suportahan ang RH Bill dahil iyon ang isinusulong ng gobyerno. Hindi naman tungkol sa korapsyon ang isinusulong bakit pa tayo kokontra. Kung laging ganun na may hadlang sa nais ng gobyerno kahit hindi naman patungkol sa korapsyon ay hindi uunlad ang ating bansa. Magpakita tayo ng pagkakaisa. Huwag magwatak-watak sa paniniwala. Dahil ang kaunlaran ng bansa ay nasa tamang disiplina at pagkakaisa ng mga mamamayan.

Wednesday, May 11, 2011
Yapak
"Ang bawat isa ay mayroon pag-asa. At ito ay malaman kung saan siya patutungo."
YAPAK
Ni: Arvin U. de la Peña
Magpakalayo ka
Sundin ang gusto mo
Hayaan lang sila
Pagtagal uwi ka.
Lasapin ligaya
Sa kanila wala
Isipin bukas mo
Makamtan ginhawa.
Huwag mag-alala
Sila di makita
Papel ay marami
Puwedeng sulatan mo.
Sa buhay ng tao
Pag-iwan kasama
Habang buhay hindi
Kapiling mo sila.
Yapak mo paglayo
Pagbalik pareho
Kayabangan wala
Pagkat iwasan ka.
YAPAK
Ni: Arvin U. de la Peña
Magpakalayo ka
Sundin ang gusto mo
Hayaan lang sila
Pagtagal uwi ka.
Lasapin ligaya
Sa kanila wala
Isipin bukas mo
Makamtan ginhawa.
Huwag mag-alala
Sila di makita
Papel ay marami
Puwedeng sulatan mo.
Sa buhay ng tao
Pag-iwan kasama
Habang buhay hindi
Kapiling mo sila.
Yapak mo paglayo
Pagbalik pareho
Kayabangan wala
Pagkat iwasan ka.
Wednesday, May 4, 2011
Baliw (by request)
Matagal na ang request na ito. Noong isang taon pa siguro ito. Ang iba kasi na nagrerequest ay save ko sa email ko ang sinabi nila tungkol sa pag request. Kung di ako nagkakamali ay sa tagboard ko dinaan niya ang pagrequest. Narito po ang sinabi niya para sa pag request. Ang blog niya po ay http://poeticveela.blogspot.com
Mariz: hello po.. can i have a request??
Mariz: evening.. hmm.. yata.. madali yata un.. hehehe ..poem about mental illness.. I mean 'baliw'.. ganun.. thank you po..
BALIW
Ni:Arvin U. de la Peña
Tumatawa, walang dapat pagtawanan
Nagsasalita, walang kausap
Marumi ang damit, walang pamalit
Natutulog sa kalsada, walang bahay.
Palakad-lakad, walang direksyon
Namumulot ng kung ano sa daan, walang pambili
Mabaho man sa kapwa, walang pakialam
Ipinagtatabuyan, walang nagagawa.
Tinatanong ang ibang tao, walang pumapansin
Minumura, walang maisagot
Binabato, walang maiganti
Giniginaw, walang kumot.
Gustong sumakay, walang pamasahe
Inuuhaw, wala agad mainom
Nag-iisa sa sulok, walang tumatabi
Humihingi ng tulong, walang pumapansin.
Baliw, mga baliw sa lansngan
Ituring silang tao din, huwag pandirihan
Sila ay katulad din natin, may puso at damdamin
Nasasaktan din sila, kahit baliw.

Subscribe to:
Posts (Atom)