
NPA
Ni: Arvin U. de la Peña
Bata pa ako ng mabalitaan ko na ang tungkol sa mga NPA. Nakakatakot daw sila kasi pumapatay ng mga tao. Pero ang pinapatay nila ay mga tao na gumagawa ng kaapihan sa kapwa. Kapag may inaabuso kang mga tao ay tiyak ang gaganti sa iyo ay mga NPA. Papadalhan ka muna nila ng sulat at kapag hindi ka nakinig sa kanila ay lilikidahin ka na nila. Nasabi ko noon na maganda ang layunin nila kahit nasa bundok. Hinangaan ko ang mga NPA noong bata pa ako.
Ngayong malaki na ako ay nawala na ang paghanga ko sa mga NPA. Hindi ko gusto ang ginagawa nila na papatay ng tao kahit mabuti naman ang ginagawa. Ang mga NPA ay nasa bundok. Minsan ang gumagawa ng illegal logging ay kakampi pa nila o kaya ay kamag-anak o di kaya ay hinihingian nila ng pera ang illegal logger para hindi sila galawin. Kung ikaw ay isang opisyal ng barangay na malapit sa bundok ay huwag kang mangangahas na harangin ang tao na nagdadala ng kahoy galing bundok para makumpiska ang kahoy dahil tiyak ang makakalaban mo ay mga NPA. Papatayin ka talaga nila kapag umulit ka ng umulit sa pagharang sa nagdadala ng mga kahoy lalo na kung sinulatan ka na nila at hindi ka nakinig. Dahi doon ay okey lang pala sa mga NPA na magkaroon ng landslide kahit maraming mamamayan ang maaapektuhan. Ang illegal logging ay puwedeng matigil kung gugustuhin ng mga NPA kasi nasa bundok sila. Ngunit hindi nila ginagawa. Hinahayaan nila na makalbo ang kagubatan.
Sa mga nangyayari sa ngayon napakadami ang dapat patayin na tao dahil sila ay salot sa lipunan. Gumagawa ng hindi mabuti sa kapwa. Bakit hindi makayang patahimikin ng mga NPA. Gayong noong bata pa ako ang akala ko talaga ang pinapatay nila ay mga tao na nang-aapi sa kapwa. Nasaan na ba sila?
May mga politiko na hindi mabuti ang pagserbisyo sa mamamayan. Ang kanilang bayan o lugar na nasasakupan ay walang pag-asenso. Kahit inaayawan na nga mga botante ay nananalo pa rin dahil namumudmud ng pera. Binibili ang mga boto para manalo. Bakit ang mga politiko na iyon hindi magawang patayin ng mga NPA. Palibhasa napapansin ko ang mga NPA ngayon ay bayaran na. Para na silang mga pokpok na bayaran lang ng pera ay puwede ng magamit. Binabayaran sila ng ibang mga politiko para hindi galawin. Tatanggap ng pera ang mga NPA sa isang politiko tapos okey na kahit anong gawin ng politiko sa kanyang nasasakupan. Ang mga NPA ngayon mga mukhang pera na. Pinagkakakitaan na nila ang kanilang pagiging rebelde.
Nariyan ang mga taong corrupt. Dahil sa mga tao na iyon malaking pera ang nawawala sa gobyerno. Na ang pera na iyon ay maitutulong sana sa mga mahihirap na mamamayan. Pero bakit hindi sila magawang patayin ng mga NPA. Dapat ang mga corrupt na tao ay pinapatay ng mga NPA para hindi pamarisan ng iba.
Sa paglipas ng panahon napapansin ko ibang-iba na ang mga NPA. Hindi na katulad ng mga nalalaman ko sa kanila noong bata pa ako. Humihingi ng pera sa mga negosyante, sinusunog ang mga cellsite ng cellphone na dahil doon ay maraming mamamayan ang maaapektuhan pagkat mahihirapan na makatext o tawag dahil walang signal. Higit na hindi ko nagugustuhan ay ang pag-aambush nila ng mga sundalo o mga alagad ng batas. Traydor sila kung lumaban. Dapat sila ang makakauna. Marami pa sila kung umatake sa kalaban kumpara sa iilan lang na kanilang inaambush. Minsan nasasabi ko tuloy sa sarili na ang mga NPA ay duwag. Kung bakit sinabi kong duwag ay hindi sila lumalaban ng parehas. Tapos kung alam naman na sila ay tagilid sa barilan ay umaatras na. Ganun sila na mga NPA. Takot silang mamatay pero wala silang takot kung pumatay.
Walang silbi, ganun ang turing ko ngayon sa mga NPA. Nawala na sa puso nila ang tunay na dahilan kung bakit naging rebelde. Kapakanan na lang nila ngayon ang kanilang iniisip. Balewala na lang sa kanila ang ibang mga tao kahit na ito ay apihin pa. Ang mabuti sa kanila na mga NPA ay kagatin bawat isa ng makamandag na ahas kagaya ng cobra.