Droga
Ni: Arvin U. de la Peña
I've been to drugs. Sa madaling salita ay nalulong ako sa droga. Ang mundo ko ay sa droga na lang umiikot. Pinabayaan ko ang maganda sanang buhay na naghihintay sa akin. Makatikim lang ako ng droga sa isang araw ay ayos na. Sumasaya na ako.
Ni: Arvin U. de la Peña
I've been to drugs. Sa madaling salita ay nalulong ako sa droga. Ang mundo ko ay sa droga na lang umiikot. Pinabayaan ko ang maganda sanang buhay na naghihintay sa akin. Makatikim lang ako ng droga sa isang araw ay ayos na. Sumasaya na ako.
High school ako ng una akong makatikim ng marijuana. Sa pagkumbinsi na rin ng kaibigan kong di nag-aaral na si Tolits. Hanggang sa naulit pa ng naulit ang paggamit ko ng marijuana. Ang binibigay na baon sa akin ay hindi ko na binibili ng pagkain. Lahat na pera na binibigay sa akin ng aking magulang ay binibili ko ng marijuana. Minsan nga bago pumasok sa paaralan kapag tanghali ay humihithit muna ako ng marijuana kasama si Tolits. Sa bahay nila kami gumagamit ng marijuana. Hanggang sa ako ay maggraduate ng high school.
Nang nasa college na ako ay iba naman ang natikman ko. Mas masarap kaysa marijuana. Nasa kuwarto ako na inuupahan kasama si Alexis ng kumbinsihin niya ako na tumikim ng shabu. Nilibre niya ako sa paggamit. Nang matikman ko iyon ay sabi ko bili pa at binigyan ko siya ng pera pambili ng shabu. At ang pangyayaring iyon sa paggamit ng shabu ay naulit pa ng naulit. Kung dati ay tatlong beses akong kumain sa isang araw ay nakakadalawa na lang. Nagtipid ako sa pagkain pero sa shabu ay hindi. Naging madalas na ang paghingi ko ng pera sa aking mga magulang. Kung anu-ano ang idinadahilan ko para sa hinihinging pera.
Kapag wala naman akong pera ay nangungutang ako. Sinasabi ko na babayaran ko pagdating ng aking allowance. Dahil sa shabu ay iyon din ang dahilan kung bakit napabayaan ko na ang aking pag-aaral. Marami akong subject na bagsak kasi hindi na ako makapag study at minsan di na nakakapasok sa paaralan. Pero sa isip ko ay ayos lang. Bata pa naman kasi ako. Ang mahalaga sa akin ay makatikim ako ng shabu dahil hinahanap-hanap na iyon ng aking katawan.
Isana araw ay pumasok ako sa paaralan. Doon ay nalaman ko na graduating na ang mga kasabay ko ng pag-aaral. Narinig ko pa ang usap-usapan nila na katuparan na raw ng pangarap nila at sa pangarap na rin ng mga magulang nila na makatapos ng sa ganoon ay magkaroon ng magandang trabaho.
Pag-uwi ko sa boarding house ay nandoon si Alexis. Muli niyaya niya ako na gumamit ng shabu. Pero tumanggi ako. Iyon ang unang pagkakataon mula ng ako ay matutong gumamit ng shabu na di ako tumikim sa paanyaya ni Alexis. Natulog na lang ako at ng magising ay naisip ko ang mga pagkakamali ko sa buhay. Na kung hindi ako nalulong sa bawal na gamot ay ako sa magsisipagpagtapos sa kolehiyo.
Binilang ko ang mga back subject ko. Umabot ng sampu at kung kukunin ko uli iyon ay sa isang taon ay matatapos ko. Bigla ay nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili. Nasabi ko na kung nakaya nila na makagraduate ng college ay kaya ko rin basta magpakabuti lang ako.
Tinawagan ko ang aking mga magulang na hindi ako makakagraduate dahil may mga back subject ako. At isang taon pa bago ko matapos ang mga iyon. Naintindihan naman nila ako dahil alam naman nila na hindi ako matalino. Hindi ko sinabi sa kanila na ang dahilan kung bakit may mga back subject ako ay dahil sa paggamit ko ng bawal na gamot. Pananatilihin kong lihim iyon sa kanila.
Araw ng graduation ng pumunta ako para manood. Pansin ko ang kasiyahan sa kanilang sarili. Excited talaga sila na magtatapos na sila ng kolehiyo. Bawat isa na tumatanggap ng diploma sa stage ay masaya sila lalo na kapag nakikipag kamay na. Napapa smile talaga sila. Nang matapos na ang graduation ay doon nakita ko na ang iba ay napapalundag pa dahil sa tuwa. Kita ko rin ang mga magulang nila na masaya talaga.
Bigla ay may tumulong luha sa aking mga mata. Agad ay pinahid ko iyon ng aking kamay at umalis na. Habang pauwi ako sa boarding house ay nasasabi ko na di na talaga ako gagamit pa ng shabu. Dahil walang maganda na naidudulot. Kung hindi ako nalulong sa droga marahil ay makikita na sana ako ng mga magulang na tatanggap ng diploma sa kolehiyo na hudyat ng pagtatapos.
Pero hindi pa naman huli ang lahat nasabi ko na lang. Darating din ako doon.
No comments:
Post a Comment