"Sa akin ay muli may nagrequest na naman magsulat raw ako ng poem para sa kanya. At ito ang naisulat kong poem para sa nakilala ko lang sa friendster."
PERFECT
To: Shirley Esparas
By: Arvin U. de la Peña
I know I'm not the perfect one for you
Perfect love perhaps
Because whatever I do
You don't appreciate my love.
Even you treat me like that
I still hope
That you can have feelings with me
And I will wait for that time.
You are perfect to me
That's why I'm like this
No one can change you in my mind
Only you I would be dream of.
And when it comes you already engaged
To someone who is perfect to you
There were tears falling from my eyes
Because I have perfect emotion to you.
Monday, March 9, 2009
Tuesday, March 3, 2009
Sakit
"I enter to the battle of love. I fight for love. Yet, it does not work."
SAKIT
Ni: Arvin U. de la Peña
Hindi ko akalain na tayo ay
hahantong sa ganito
Dahil minsan ko ng napatunayan
Kung gaano katatag ang
ating pagmamahalan
Darating din pala na tayo
ay maghihiwalay
Iyon ay dahil iiwasan mo na ako.
Napakasakit sa akin ang ganito
Kung kailan pa nakapagsulat ako
Nang isang tula para sa atin
Ay saka tayo maghihiwalay
Hindi mo man lang naisip
Na mahal na mahal kita
Ikaw lang at wala ng iba
sa puso ko.
Habang binabasa ko itong tula
Na para sa ating dalawa
Di ko maiwasan na hindi isipin
Mga nakaraan natin na puno ng
kasiyahan at pagmamahalan
Doon kahit paano ay sumisigla ako.
Kahit saan ka man mapunta
Hangad ko pa rin lagi
Ang iyong kaligayahan sa buhay
Ayoko na makaramdam ka
ng lungkot
At kung itong sakit na nararamdaman
ko ngayon
Ay dahil sa sobrang pagmamahal ko sa iyo
Tatanggapin ko ng walang pag-aalinlangan
Dahil kung mali man ang mahalin ka
ng lubos
Ayoko na maging tama.

Diploma
"Ang diploma ang kapalit ng mga pagsisikap at sakripisyo para makatapos ng pag-aaral."
DIPLOMA
Ni: Arvin U. de la Peña
Ilang araw na lang graduation na. Napakarami namin na magsisipagtapos. Sa rami ay tiyak katulad pa rin ng mga nagdaang taon na kaunti lang ang nakakapag trabaho. Ang iba ay magiging istambay. Kakaharapin na namin ang hirap at pagod sa paghahanap ng trabaho. Makikita na kami na pumipila sa pag aapply sa mga agency.
Nakakatuwang isipin na parang kailan lang ang pag-aaral. Heto at magtatapos na sa kolehiyo. Mayroon ng sandata para ilaban sa hamon sa paghahanap ng propesyon sa buhay. Masusubukan na kung may mapupuntahan ba ang ginawang pag-aaral para makatapos. Higit sa lahat ay malalaman na kung sulit ba ang pag-aaral ng ilang taon.
Mahirap ang ganito. Dahil ito na ang umpisa na hahawak ka ng sarili mong responsibilidad sa buhay. Kumbaga sa ibon ay may sarili ng pakpak para makalipad at mabuhay.
Sa ganito ay lagi kong naiisip ang madalas sabihin sa amin ng aming professor kapag siya ay nagtuturo "Class I want you to be succeed, because I want you to be proud of yourself." Salita iyon sa amin para magkaroon kami ng inspirasyon kapag nag graduate na kami.
Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa global financial crisis tiyak mahihirapan kami na makahanap agad ng trabaho. Dahil karamihan nga sa mga kompanya ay nagbabawas na ng mga manggagawa. Anuman ang mangyari ay pipilitin ko pa rin o namin na makahanap ng trabaho. Magbabakasakali pa rin na magkaroon ng propesyon sa buhay.
At sa pag graduate namin sa aming paaralan dala namin ang masayang alaala. Alaala na di mapapantayan ng kahit ano pa. Magkakaroon na rin ng kapalit ang mga nagawang homework, projects, at ang pag-aaral para makapasa sa bawat subject. At ito ay ang diploma. Sa wakas ay malapit na rin na magkaroon kami ng diploma sa kolehiyo.
Di man kami lahat magtagumpay sa buhay pagkatapos na makagraduate sa kolehiyo ay masasabi ko na ayos lang. Dahil ganun naman talaga ang buhay may diploma ng kolehiyo. Hindi lahat na nakapagtatapos ng kolehiyo ay nagkakaroon ng trabaho.

Sabik
"May determinasyon talaga kapag ikaw ay sabik. Sabik sa lahat, hehe."
SABIK
Ni: Arvin U. de la Peña
Nais kong ako ay halikan mo
Hanggang sa mapugto ang aking hininga
Nais ko na malasap
Ang init ng iyong pagmamahal
Na noon pa man
Inaasam-asam ko na.
Mangyari sana ay paligayahin mo ako
Bigyan mo sana ng pansin
Pagsusumamo ko sa iyo
Kahit sandali man lang
Kahit ito ay minsan
Madama ko ang pag-ibig mo.
Uhaw na uhaw na ako
Sana pagbigyan mo na ako
Halika na sa piling ko
Pagsaluhan natin ang init
Nang mawala na sa isip
Ang pagnanasa ko sa iyo.
Ako ay sabik na sa iyo
Sabik na sabik
Naiisip ka lang
Nabubuhay ang pagkatao ko
Panawagan ko sa iyo
Sana ay pagbigyan mo na.
SABIK
Ni: Arvin U. de la Peña
Nais kong ako ay halikan mo
Hanggang sa mapugto ang aking hininga
Nais ko na malasap
Ang init ng iyong pagmamahal
Na noon pa man
Inaasam-asam ko na.
Mangyari sana ay paligayahin mo ako
Bigyan mo sana ng pansin
Pagsusumamo ko sa iyo
Kahit sandali man lang
Kahit ito ay minsan
Madama ko ang pag-ibig mo.
Uhaw na uhaw na ako
Sana pagbigyan mo na ako
Halika na sa piling ko
Pagsaluhan natin ang init
Nang mawala na sa isip
Ang pagnanasa ko sa iyo.
Ako ay sabik na sa iyo
Sabik na sabik
Naiisip ka lang
Nabubuhay ang pagkatao ko
Panawagan ko sa iyo
Sana ay pagbigyan mo na.
Droga
"Ang kuwento na ito ay gawa-gawa lang at walang katotohanan."
High school ako ng una akong makatikim ng marijuana. Sa pagkumbinsi na rin ng kaibigan kong di nag-aaral na si Tolits. Hanggang sa naulit pa ng naulit ang paggamit ko ng marijuana. Ang binibigay na baon sa akin ay hindi ko na binibili ng pagkain. Lahat na pera na binibigay sa akin ng aking magulang ay binibili ko ng marijuana. Minsan nga bago pumasok sa paaralan kapag tanghali ay humihithit muna ako ng marijuana kasama si Tolits. Sa bahay nila kami gumagamit ng marijuana. Hanggang sa ako ay maggraduate ng high school.
Nang nasa college na ako ay iba naman ang natikman ko. Mas masarap kaysa marijuana. Nasa kuwarto ako na inuupahan kasama si Alexis ng kumbinsihin niya ako na tumikim ng shabu. Nilibre niya ako sa paggamit. Nang matikman ko iyon ay sabi ko bili pa at binigyan ko siya ng pera pambili ng shabu. At ang pangyayaring iyon sa paggamit ng shabu ay naulit pa ng naulit. Kung dati ay tatlong beses akong kumain sa isang araw ay nakakadalawa na lang. Nagtipid ako sa pagkain pero sa shabu ay hindi. Naging madalas na ang paghingi ko ng pera sa aking mga magulang. Kung anu-ano ang idinadahilan ko para sa hinihinging pera.
Kapag wala naman akong pera ay nangungutang ako. Sinasabi ko na babayaran ko pagdating ng aking allowance. Dahil sa shabu ay iyon din ang dahilan kung bakit napabayaan ko na ang aking pag-aaral. Marami akong subject na bagsak kasi hindi na ako makapag study at minsan di na nakakapasok sa paaralan. Pero sa isip ko ay ayos lang. Bata pa naman kasi ako. Ang mahalaga sa akin ay makatikim ako ng shabu dahil hinahanap-hanap na iyon ng aking katawan.
Isana araw ay pumasok ako sa paaralan. Doon ay nalaman ko na graduating na ang mga kasabay ko ng pag-aaral. Narinig ko pa ang usap-usapan nila na katuparan na raw ng pangarap nila at sa pangarap na rin ng mga magulang nila na makatapos ng sa ganoon ay magkaroon ng magandang trabaho.
Pag-uwi ko sa boarding house ay nandoon si Alexis. Muli niyaya niya ako na gumamit ng shabu. Pero tumanggi ako. Iyon ang unang pagkakataon mula ng ako ay matutong gumamit ng shabu na di ako tumikim sa paanyaya ni Alexis. Natulog na lang ako at ng magising ay naisip ko ang mga pagkakamali ko sa buhay. Na kung hindi ako nalulong sa bawal na gamot ay ako sa magsisipagpagtapos sa kolehiyo.
Binilang ko ang mga back subject ko. Umabot ng sampu at kung kukunin ko uli iyon ay sa isang taon ay matatapos ko. Bigla ay nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili. Nasabi ko na kung nakaya nila na makagraduate ng college ay kaya ko rin basta magpakabuti lang ako.
Tinawagan ko ang aking mga magulang na hindi ako makakagraduate dahil may mga back subject ako. At isang taon pa bago ko matapos ang mga iyon. Naintindihan naman nila ako dahil alam naman nila na hindi ako matalino. Hindi ko sinabi sa kanila na ang dahilan kung bakit may mga back subject ako ay dahil sa paggamit ko ng bawal na gamot. Pananatilihin kong lihim iyon sa kanila.
Araw ng graduation ng pumunta ako para manood. Pansin ko ang kasiyahan sa kanilang sarili. Excited talaga sila na magtatapos na sila ng kolehiyo. Bawat isa na tumatanggap ng diploma sa stage ay masaya sila lalo na kapag nakikipag kamay na. Napapa smile talaga sila. Nang matapos na ang graduation ay doon nakita ko na ang iba ay napapalundag pa dahil sa tuwa. Kita ko rin ang mga magulang nila na masaya talaga.
Bigla ay may tumulong luha sa aking mga mata. Agad ay pinahid ko iyon ng aking kamay at umalis na. Habang pauwi ako sa boarding house ay nasasabi ko na di na talaga ako gagamit pa ng shabu. Dahil walang maganda na naidudulot. Kung hindi ako nalulong sa droga marahil ay makikita na sana ako ng mga magulang na tatanggap ng diploma sa kolehiyo na hudyat ng pagtatapos.
Pero hindi pa naman huli ang lahat nasabi ko na lang. Darating din ako doon.
Droga
Ni: Arvin U. de la Peña
I've been to drugs. Sa madaling salita ay nalulong ako sa droga. Ang mundo ko ay sa droga na lang umiikot. Pinabayaan ko ang maganda sanang buhay na naghihintay sa akin. Makatikim lang ako ng droga sa isang araw ay ayos na. Sumasaya na ako.

Laban
"Wala naman sigurong masama kung paminsan-minsan ay labanan natin ang mga umaapi sa atin."
LABAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Labanan mo mga umaapi sa iyo
Huwag ka matatakot sa kanila
Lalo ka lang nila aapihin
Kung magpapakita ka ng kaduwagan.
Ipakita mo sa kanila
Na ikaw ay isang tunay na Pinoy
Matapang sa lahat ng bagay
Hindi umaatras sa laban.
Walang maganda na maidudulot sa iyo
Kapag lagi kang ganyan
Harapin mo sila at ipakita
Ang iyong katapangan sa buhay.
Tularan mo ang isang tigre
Kapag ginagalit ay lalong bumabangis
Nang sa ganun ay tratuhin ka nila
Na isang tao na may damdaming ring nasasaktan.

Tayo
"Masarap ang pakiramdam kung ang maging kabiyak ng puso mo ay kababata mo."
TAYO
Ni: Arvin U. de la Peña
Tayong dalawa ay nagsimula bilang isang magkaibigan. Bilang isang magkababata madalas tayo ay nagkakalaro. Naghahabulan, nagtataguan o kung ano pang laro na pambata. Umulan man o umaraw basta nagkakaharap tayo kasama pa ng ibang mga bata rin ay naglalaro talaga tayo. At sa bawat paglalaro natin ay madalas talaga nakatingin ang mata ko sa iyo. Nagagandahan kasi ako sa iyo. Kapag ikaw naman ay nadadapa dahil sa paglalaro ay ako agad ang unang lalapit sa iyo para alalayan ka na tumayo. Kaysarap isipin ng mga alaala na iyon na nahahawakan ko ang kamay mo. Nasubaybayan ko talaga ang iyong paglaki.
Nang lumaki na tayo ay nagkalayo na. Nanatili ako sa lugar natin. Samantalang ikaw ay sa ibang lugar pinapag-aral ng mga magulang mo. Minsan ka na lang umuwi. At sa bawat pag-uwi mo ay di na katulad ng mga bata pa tayo na nagkakalaro talaga. Sa iyo ay medyo nagkaroon na ako ng pag-aalinlangan na kausapin ka. Iyon ay dahil sa puso ko ay nakakaramdam na ako ng pag-ibig sa iyo. Natatakot ako na mahalata na may pag-ibig akong nararamdaman sa iyo.
Minsan habang may bibilhin ako sa tindahan tayo ay nagkasalubong. Kaya hindi naiwasan na di tayo magkamustahan. Kinuwento mo sa akin ay ang buhay mo sa lugar na pinag-aaralan mo. At kung anong kurso ang kinuha mo. Ganundin din ay nagkuwento rin ako sa iyo tungkol sa buhay ko. Nakatutok talaga ang mga mata ko sa iyo habang nagkukuwento ka. Napakaganda mo, nasabi ko na lang sa aking sarili. Napakasaya ko ng matapos ang pag-uusap natin. Hanggang sa pag-uwi ko ay dala ko pa rin ang alaala ng iyong mga ngit habang kausap ka. At mula noon bawat uwi mo ay may lakas ng loob na akong bisitahin ka sa inyo para makipagkuwentuhan.
Ngayon tayo ay pareho ng may matatag na pundasyon sa buhay. Pareho ng may pinagkakakitaan sa buhay. Sana ay magkatuluyan tayong dalawa. Wala sanang humadlang sa ating pagmamahalan. Di sana maagaw ng iba ang pagmamahal ko sa iyo na binuo pa mula noong mga bata pa tayo.

Batas
"Minsan ang batas ay bulag sa katotohanan."
BATAS
Ni: Arvin U. de la Peña
Tama ba na sundin ang batas
Kung karamihan na mambabatas
Ay hindi mismo tumutupad sa batas
Sinusuway nila ito.
Kapag sila ay nagkakamali
Umaatikabong balitak-takan muna sa pag depensa
Hanggang sa kalaunan ay malimutan
Ang kanilang pagkakamali.
Napapatawa na lang tuloy ako
Kung bakit nilikha pa ang batas
Na hindi naman pinapairal
Sa tamang pamamaraan.
Kahit kita na ang ebidensya
Hindi pa rin puwede na hatulan agad
Dahil kailangan pang talakayin ang pagkakamali
Dahilan para makalusot sa batas.
Sa huli ay nauunawaan ko na lang
Ang batas ay para lang sa mahirap na tao
Dahil kapag sila ay lumabag sa batas
Sa kulungan agad ang punta nila.

Subscribe to:
Posts (Atom)