Monday, November 3, 2008

Paglisan

( Sa bawat pagpapaalam ay may sakit na nararamdaman )

Paglisan
Ni: Arvin U. de la Peña

Noon hindi ko masyadong pinapansin ang kantang Paglisan na inawit ng color it red na banda. Mas gusto ko pa ang ibang mga kanta. Pero habang lumilipas ang panahon at nagkakaedad na ng muli kong marinig ang kantang Paglisan ay nagustuhan ko na. Naisip ko masyado palang makabuluhan ang awitin na iyon. Unti-unti nagustuhan ko ang awitin na Paglisan. At minsan inaawit ko pa habang ako ay naglalakad.


Napakasarap pakinggan ang lyrics na “ kung ang lahat ay may katapusan, itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan ”. Tugma talaga sa buhay ng tao. Lahat tayo sa mundo ay makakapahinga lang ng tuluyan kapag pumanaw na. Bawat isa sa atin ay naglalakbay. Paglalakbay na iba’t-ibang direksyon sa buhay. Kailangan na magtrabaho o mahanap ng paraan para mabuhay sa mundo. Ang iba kailangan pa na gumawa ng masama para lang mabuhay. Ganun ang buhay ng tao. At lahat ng iyon. Lahat na pagsisikap o pagpapakahirap para mabuhay ay magtatapos lang kapag lumisan na sa mundo. Masakit man isipin pero ang iba dahil hindi na makayanan ang hirap sa buhay lalo na kapag may malubhang karamdaman ay winawakasan ng lang ng maaga ang kanilang buhay.

Sa bawat araw na ating pakikipagsapalaran alam natin na ang lahat ay may hangganan. Hindi lang natin alam kung kailan magtatapos. Minsan nagrereklamo tayo kapag ay pagsubok na dumarating. Sa una ay hindi natin masyadong matanggap ang pagsubok na dumating. Pero kalaunan ay natatanggap na rin dahil unti-unti nalalaman natin ang kasagutan kung bakit tayo binigyan ng pagsubok.

Kahit sa pakikipagkaibigan lahat ay nagtatapos din. Konting di pagkakaunawaan lang ay maaaring magtapos ang matagal ng pagiging magkaibigan. Pero sa lahat ng paglisan masaya kapag may pagpapaalam na nangyayari. Para malaman ano ang dapat gawin o baguhin sa buhay o sa pamilya. Nang sa ganun ay magsilbing aral iyon o inspirasyon para sa iniwanan.

Bukas, sa makalawa o sa mga araw pa na darating ay lagi natin isaisip na ang lahat dito sa mundo ay may paglisan. Paglisan na alam natin na minsan tayo ay minahal o laging minamahal.

Lalo pang nakakaganda sa kanta ay ang lyrics na “ at sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko ay pag-ibig ”.

No comments: