Monday, November 10, 2008

Pagbabago ( by request )

*Ito ay isa kong kaibigan. Kabatch sa high school. Nagrequest siya sa akin na magsulat daw ako para sa kanya na ang pamagat ay Pagbabago. At ito ang naisulat ko para sa hiling niya. Hmmmmm, ewan kung magbago ito. Ano sa tingin niyo, hehe.*


PAGBABAGO
Kay: Kim "batiulo" Reyes
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw ay kaibigan ko
Madami kang sinaktan at pinaluha
Dahilan para unti-unti ay iwasan ka
Nang mga taong dati'y malapit sa iyo.

Ngayon sinasabi mo sa akin
Magbabago ka na
Magpapakatino na at itutuwid
Ang buhay mong nawawalan ng direksyon.

Kaibigan, o aking kaibigan
Sana magbago ka na nga
Para muli ay hangaan ka
Nang mga taong may tiwala sa iyo.

Oo alam ko at alam mo
Mahirap munang umpisahan iyon
Dahil ang salitang pagbabago
Ay hindi basta-basta.

Magpa ganun pa man
Umaasa ako na tutuparin mo iyong sabi
Dahil ikaw ay may angking kakayahan
Na bihira lang sa isang nilalang.


Tuesday, November 4, 2008

Pari

* Minsan naiisip ko pa rin ang noong ako ay nasa elementary pa at nasabi ko sa sarili ko na paglaki ko ay gusto kong maging isang pari. Gusto ko maramdaman ano ang pakiramdam na nasa harap ng maraming tao at nagbibigay ng mga salita mula sa diyos. Ano kaya kung tinupad ko iyon at nag-aral ako para maging isang pari.? *


PARI
Ni: Arvin U. de la Peña

Ako ay isang dating makasalanan na tao. Napakadami kong niloko. Pamilya, mga kaibigan, mga kamag-anak, at mga bagong nakikilala. Lahat sila kapag nakuha ko na ang loob ay bigla lolokohin ko. Sa bawat panloloko kong ginagawa ay nakakakuha ako ng pera sa kanila. Napakadali sa akin ang ganun. Magaling kasi akong mambola ng tao. Bawat nakakausap ko ay nagtitiwala na agad sa akin.

Minsan naisipan kong magsimba. Habang ako ay nasa simbahan at nakikinig sa sermon ng pari ay natauhan ako bigla sa sinabi niya. "Ang mga makasalanan na tao ay hindi makakarating sa langit, kung hindi ay sa impiyerno." Bigla naisip ko na ayoko mapunta sa impiyerno dahil napakasakit doon at puro mga masasama ang naroroon. Kailangan ko ng magbago at magpakabait na. Iyon agad ang nasabi ko ng lumabas na ako ng simbahan.
Inumpisahan ko ngang magbago. Nagpakabuti na ako sa kapwa. Hindi na ako nanloloko. Marami ang humanga sa bilis ng pagbabago ko sa buhay. Pinagkakatiwalaan na nila ako ng husto. Kaysarap pala ng pakiramdam ng marami kang kaibigan.

Hanggang sa dumating ang punto na ginusto ko ang maging isang pari. Noong una di do matanggap na doon na ako mamamalagi sa semenaryo. Ngunit kalaunan ay natanggap ko na rin. Lalo na ng may matutunan na akong mga aral sa loob. Ang sa bawat leksyon na natututunan ko ay sinasabi ko talaga sa sarili na ibabahagi ko ito sa kapwa. Madaling lumipas ang panahon. Parang kailan lang ang pag-aaral ko para maging isang pari. Bigla nagising na lang ako isang araw na magiging ganap na akong pari.

Sa una kong misa bilang isang pari lahat pinasalamatan ko lalong-lalo na ang aking mga magulang sa kanilang suporta na ibinigay sa akin. Ikinuwento ko pa ang noo'y mga panloloko ko sa kapwa. At higit sa lahat sinabi ko kung ano ang nagtulak sa akin para magbago sa buhay. At iyon ay walang iba kundi dahil sa panginoon.

Heto ako ngayon isang pari. Isang alagad ng diyos. Hinihiling ko na sana lahat ay maging mabuti. Hindi lang para sa kapwa tao, kundi para na rin sa ating panginoon.

Monday, November 3, 2008

Dream

*Minsan isang gabi napaginipan ko ang babae na matagal na rin na hindi kami nagkakatext dahil sa isa kong pagkakamali na nagawa na nasaktan siya. Napatawad na niya ako pero ang masakit ay di na kami nagkakatext. Hanga ako sa kanya. Napakagaling niya magsulat. Kung sino man siya ay secret na lang. Di ko sabihin kung sino ang pangalan niya. Basta until now bilib ako sa kagalingan niya. Proud ako sa kanya. Hangang-hanga ako sa kanya. Super galing niya magsulat ng kuwento o kahit tula. Para sa akin ay wala akong binatbat. Sana muli ay magkatext din kami. Nang magising ako mula sa panaginip ay naisulat ko agad ito na poem.*

DREAM
By: Arvin U. de la Peña

It's been a long time
I don't even think of you
But one night I dream
We've been together again.

Because of a dream
It is just a simple dream
I remember you again
Showing how I care to you.

Sometime I know I hurt you
That cause you to away from me
It's all because of text
That until now I still suffered.

Day after day
After it will happened
I already regret for what I've done
Because I don't want you to lose.

Girl, you're really special to me
Because you are one of a kind
Today after I wrote this simple poem
I hope every night I dream of you.



Paglisan

( Sa bawat pagpapaalam ay may sakit na nararamdaman )

Paglisan
Ni: Arvin U. de la Peña

Noon hindi ko masyadong pinapansin ang kantang Paglisan na inawit ng color it red na banda. Mas gusto ko pa ang ibang mga kanta. Pero habang lumilipas ang panahon at nagkakaedad na ng muli kong marinig ang kantang Paglisan ay nagustuhan ko na. Naisip ko masyado palang makabuluhan ang awitin na iyon. Unti-unti nagustuhan ko ang awitin na Paglisan. At minsan inaawit ko pa habang ako ay naglalakad.


Napakasarap pakinggan ang lyrics na “ kung ang lahat ay may katapusan, itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan ”. Tugma talaga sa buhay ng tao. Lahat tayo sa mundo ay makakapahinga lang ng tuluyan kapag pumanaw na. Bawat isa sa atin ay naglalakbay. Paglalakbay na iba’t-ibang direksyon sa buhay. Kailangan na magtrabaho o mahanap ng paraan para mabuhay sa mundo. Ang iba kailangan pa na gumawa ng masama para lang mabuhay. Ganun ang buhay ng tao. At lahat ng iyon. Lahat na pagsisikap o pagpapakahirap para mabuhay ay magtatapos lang kapag lumisan na sa mundo. Masakit man isipin pero ang iba dahil hindi na makayanan ang hirap sa buhay lalo na kapag may malubhang karamdaman ay winawakasan ng lang ng maaga ang kanilang buhay.

Sa bawat araw na ating pakikipagsapalaran alam natin na ang lahat ay may hangganan. Hindi lang natin alam kung kailan magtatapos. Minsan nagrereklamo tayo kapag ay pagsubok na dumarating. Sa una ay hindi natin masyadong matanggap ang pagsubok na dumating. Pero kalaunan ay natatanggap na rin dahil unti-unti nalalaman natin ang kasagutan kung bakit tayo binigyan ng pagsubok.

Kahit sa pakikipagkaibigan lahat ay nagtatapos din. Konting di pagkakaunawaan lang ay maaaring magtapos ang matagal ng pagiging magkaibigan. Pero sa lahat ng paglisan masaya kapag may pagpapaalam na nangyayari. Para malaman ano ang dapat gawin o baguhin sa buhay o sa pamilya. Nang sa ganun ay magsilbing aral iyon o inspirasyon para sa iniwanan.

Bukas, sa makalawa o sa mga araw pa na darating ay lagi natin isaisip na ang lahat dito sa mundo ay may paglisan. Paglisan na alam natin na minsan tayo ay minahal o laging minamahal.

Lalo pang nakakaganda sa kanta ay ang lyrics na “ at sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko ay pag-ibig ”.

Princesa ( by request )

* May nakilala ako sa friendster na ang pangalan niya ay Princesa. Nagrequest siya sa akin na kung puwede daw na gumawa ako ng tula na para sa kanya. At ito ang naisulat ko para sa kanya na tula.*

PRINCESA
To: Princesa
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa di sinasadyang pagkakataon
Ikaw ay aking nakilala
Agad nagpasaya at nagbigay sigla
Sa buhay ko na ito.

Bawat araw lagi kong hiling
Ikaw ay manatili sa akin
Dahil alam ko na malulungkot ako
Kapag ikaw ay di na nagparamdam.

Inaamin ko naman na malayo ako
Sa buhay mo at pagkatao
Kahit na ganun ang sa atin
Sana di ka magbago.

Makakaasa ka sa akin
Na habang ako ay may hininga
Walang araw na hindi kita maiisip
Dahil ikaw ay mahalaga sa akin.

Lumipas man ang araw
At mag-iba ang takbo ng buhay mo
Sana ganoon ka rin sa akin
Ikaw na Princesa ng buhay ko.