Tuesday, June 9, 2009

Pinagtibay Ng Panahon

"If you really meant to each other your road will surely meet no matter how strange the ways are."
















PINAGTIBAY NG PANAHON
Ni: Arvin U. de la Peña

Akala ko di na tayo magkikita pa
At lalong akala ko hindi na madudugtungan
Ang pag-ibig na ating nasimulan
Noong tayo ay mga bata pa
Na kahit tayo ay wala pang sapat
na pag-iisip
May pagmamahalan na tayo sa isa't isa.

Naaalala ko pa dalampung taon
na ang nakalipas
Bago kami umalis ng aking mga magulang
Para doon sa ibang lugar manirahan
Ay nagkausap pa muna tayo
Pero may luha na sa ating mga mata
Para sa paghihiwalay na magaganap.

Lumaki ako sa ibang lugar
Namulat ang isipan ko sa lahat ng bagay
Pati na sa makamundong pagnanasa
Nagkaroon ako ng sapat na pag-iisip
Na hindi katulad ng isang bata
Pero pagdating sa pag-ibig
Pagdating sa ikasasaya ng isang taong
natutong magmahal
Ay ikaw pa rin ang nasa isip ko
Ikaw na aking kababata, kalaro, at kaibigan.

Habang abala ako sa lahat ng gawain
Habang abala sa aking pinagkakakitaan
Hindi ko maiwasan ang hindi ka isipin
Hindi ko maiwasan ang di mag-alala
Na baka mayroon ka ng minamahal.

Sa di inaasahang pagkakataon
Makalipas ang dalampung taon
Sa pagbakasyon ng aking pamilya, kasama ako
Sa lugar na aking pinagmulan
Laking pasasalamat ko ng muli kitang makita
Na wala pang nagmamay-ari ng iyong puso.

Hinihintay mo rin pala ako
Hinihintay ang pag-ibig ko
Na nabuo mula pa noong mga bata pa tayo
Hindi ka nagpaligaw sa iba
Sa kabila na marami ang nagkakagusto sa iyo
Ako pa rin pala ang nasa puso mo
Katulad na ikaw lang sa puso ko
Ngayong subok na ng panahon ang ating pagmamahalan
Pinagtibay ng panahon
Sana ay di na tayo maghiwalay pa.

21 comments:

sweet_shelo said...

Love this bro!!! galing naman!!!

J.D. Lim said...

Wow, base ba ito sa iyong personal na karanasan?

jhengrey said...

wow naman...
sana nga base yan sa iyong totoong karanasan para naman maging happy ending na ung lovelife mo, hindi ung puro na lang sakit at pagdurusa ang nararanasan mo..
Gudluck syo!

vanvan said...

as in for real na ito??

are you back into each other's arms??

ang showbiz..

galing mo naman..

Maria said...

Hi, I am here. What's new?

Well, Love is patience no matter what. No unhallowed hand can stop to both of your love if you guys are really mean for each other.

Galing ng poem mo saludo ako. Lol!

Glenda said...

i agree! =D beautiful!

Lord CM said...

Base ba to sa karanasan brod? astig!!!

Goryo said...

Naks... Cool toh ah..

jeszieBoy said...

this is cool man! naaalala ko tuloy yung mga panahong emo din ako nang makipag break sa minamahal. haha. :]]

""rare*jonRez"" said...

awwww! what else is there to say? well, when time fails, love still prevails if both have true love within!

Dhianz said...

galing tlgah sa paggawa nang poem... and i love d' quote sa entry moh... ingatz... Godbless! -di

ambot said...

i don't want to be plastic. to be honest, your poems are NOT GOOD ENOUGH. Those remind me of my elementary years.

the words are lame. the thoughts are redundant. i'm sorry bro but i have to be honest since you are visiting blogs and promoting ur posts. it's not something that you should be bragging about.

anyhow, it's a way to best express your thoughts so KEEP 'EM UP! This is blogging anyway.

Cayy Cayy said...

Nakaka touch naman..
Sana ganto ang labstory ko!haha

Pare ganda ng poem mo.Keep it up :) gby

I am Bong said...

Dear Parekoy,

Nagulat ako doon sa comment mo sa shoutbox. Hindi pa naman nakakapagbasa dito. And, I visited here to check why. Maybe you thought that 'ambot' is connected to me. But I am sorry. I am not connected ti that blogger.

If you are going to check his profile again, he is one of my followers, and that's my only connection with the blogger.

Thanks. Nice site.

Elay said...

soo nice..

kheed said...

galing ng istorya, sana ganyan din istorya ng buhay ko..

eden said...

nice one!

thanks for the visit arvs. happy weekend

SEAQUEST said...

i agreed, kung talagang kayo, kayo, kahit alang taon pang lumipas at may iba pang taong dumating sa buhay nio sa malaon at madali kayo pa rin!!! galing...

JasOnizeRs said...

Akala mo ba'y matatakot mo ako at masisindak na hindi halata ..?? Hah!!! Sumagot kA...SagUt!!!
>>>>>>>>>Cut..!!:)

Rcyan M. said...

Sino siya? Hehe. Sabi nga nila, kapag kayo ang itinadhana, kayo talaga ang magkakatuluyan sa huli, harangin man kayo ng sibat!

Marami rin akong tula ng pag-ibig. Sana mabasa mo minsan.

j l0 said...

my blog http://liljheylo.blogspot.com/ is nominated 2nd time as Filipino blog of the week
[at]http://salaswildthoughts.blogspot.com/ i badly need your vote.. thank you... please visit these site ... [at]http://salaswildthoughts.blogspot.com/ please vote at the sidebar.. name liljheylo.. thank you guyz...