Thursday, June 4, 2009

Masaya Ka Ba

"May mga tao na minsan kapag iniwanan ng kanilang minamahal ay nawawalan na ng pag-asa. Iyon ay dahil nahihirapan silang makapag move on sa nangyari."




MASAYA KA BA
Ni: Arvin U. de la Peña

Masaya ka ba ngayong wala na tayo?
Hindi na tayo nagmamahalan
Wala ng paglalambingan sa atin
Kahit sa paligid ng maraming tao.

Masaya ka ba na ganito na ako?
Laging nag-iisa at malungkot
Iniisip ang iyong kagandahan
Araw-araw binabanggit ang pangalan mo.

Masaya ka ba nasira ang pangarap natin?
Pangarap na ating inaasam-asam
Minimithi na ito ay makamit
Noong nag-uumpisa pa lang tayo magmahalan.

Masaya ka ba ako ay pinagtatawanan
Nang mga kaibigan ko at nakakakilala sa akin
Bakit daw ako nababaliw sa iyo
Gayong marami pa namang iba.

Masaya ka ba, masaya ka ba?
Napakasakit naman kung masaya ka
Habang ako ay narito walang silbi
Umaasa lagi sa iyong pagbabalik.

12 comments:

Bhing said...

masaya ka ba? dapat maging masaya ka....

tuloy lng ang buhay, wg kng hihinto, lakbay lng hanggang makarating k sa gsto mong pntahan...

the DRAMA QUEEN said...

masaya sya na umiiyak ka??
yaan mo na sya, maging masaya ka na lang na alam mo na ang lugar mo sa kanya.anjan sila..tongin mo masaya sila na umiiyak ka?

Meryl (proud pinay) said...
This comment has been removed by the author.
Meryl (proud pinay) said...

dapat tayong maging masaya.
(ika nga "laughter is the best medicine")
talagang dumadating ang mga pagsubok sa buhay darating din ang panahon malulunasan din yan at magiging masaya ^_^

meryl

eden said...

it is hard at first but time will heal and we eventually get over it and just let the memories stay in our heart forever..

have a good weekend

Kosa said...

w
w
w...
masaya ako..lols

Dhianz said...

... i guess itz time for you to move on... i know mas madaling sabihin keysa gawin...don't waste 'ur moments... enjoy 'ur life... God has still so much to offer you... and for sure there is someone that is destined just for you... and it'll come in His right time if u juz believe and trust Him... hwag na ganong ma emo... juz smile... ingatz. Godbless! -di

jetnah said...

visit my site again my friend, im sure you will be happy and find yourself smiling while you read my new post;) Godbless!

ooops! then leave a mesage..in tagalog.. i like your poetic words;)

desza said...

Siguro nga masaya na siya...
Pero may tao bang masaya dahil nasasaktan ang iba? I doubt it.

Marahil masaya siya dahil nakapag-move on na siya. Why not do the same?

Malay mo, mas maging masaya ka. (^_^)

batang narS said...

naks!..nakakrelate ako nyan nuon..pero ngayon hndi na.hahaha.**peace..
as what i felt, d ka pa nakapag move on..pero daratng dn ang araw na yun..^^

jhengrey said...

hay naku wag ka ng patuloy na maghintay at umasa pa..
baka kc maghintay ka lang sa wala.
masaya na sya sa piling ng iba kaya its alredi time para sarili mo naman ang pasayahin mo...
Look for someone who's rili deserving for your love...
someone who will also love you in return!

ACRYLIQUE said...

ganito ba talaga ang forever? hay!

Smile na lang! :)

Matapos man ang forever. Patuloy angh buhay! :)