Monday, June 29, 2009

Paaralan

"Napakalaki ng naitutulong ng paaralan sa buhay ng tao"

PAARALAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Salamat dahil sa iyo nahubog ang isipan namin
Dahil sa iyo nagkaroon kami ng mga pangarap
Kahit mahirap na maabot iyon
Pinagtiyagan mo pa rin kami na matupad iyon.

Hindi mo kami pinababayaan
Umulan man o umaraw
Kahit na bumagyo ay nandiyan ka pa rin
Para sa iyong mag-aaral.

Nagagalit man kami minsan sa iyo
Dahil sa pagtaas ng mga bayarin
Ay humuhupa rin naman pagtagal
Dahil sa maayos mong pagpapaliwanag.

At kung dumating man ang panahon
Na kailangan na naming umalis
Dahil sa kami ay nagtapos na
Masayang-masaya ka para sa amin.

Hindi ka nalulungkot kung may mga aalis man
Dahil alam mong may mga bagong darating
Para iyon naman ang turuan at gabayan mo
Na matupad ang mga mithiin sa buhay.

6 comments:

Lord CM said...

UC ka? University of Cordillera, former BCF...

Lord CM said...

Ahhh, Cebu, hehehe :D

Ching said...

namissssss ko tuloy ang UC hehehe...

tambling dong pareha diay ta diha ka gradwet?

ching

""rare*jonRez"" said...

i like this!!!

jei said...

Kahit kakapiranggot lang ang makikita, mukhang maganda ang building ng UC ah.

True, schools were the ones who honed us to what we have become.

eden said...

Ang ganda ng UC ngayon.. sa mandaue ba ito or the main ?