Monday, June 1, 2009

Happy birthday

"Kahit nagkahiwalay na kayo ng isang tao na minsan minahal mo tuwing kaarawan niya ay sigurado na maaalala mo pa rin siya. Kasi kapag kaarawan madalas ay naibibigay o nakakamit ang nais ng kanyang kapartner o kaya ay may nangyayari talaga. Nagkakamali kayo kung ang ibig kong sabihin ay sex, hehe..joke."


HAPPY BIRTHDAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Happy birthday sa iyo ha
Nakakalungkot isipin na hindi na tayo
kagaya ng dati
Madalas laging nagkakausap
Kahit na ba ang buhay nating dalawa
Malaki ang pagkakaiba
Langit ka at lupa ako
Pero nagmahalan pa rin.

Happy birthday sa iyo ha
Alam ko masaya ka na ngayon sa buhay mo
Nakapag move on ka na
Sa ating paghihiwalay
Higit sa lahat balita ko ay masaya ka
Sa piling ng bago mong mahal.

Happy birthday sa iyo ha
Nais ko ipaalam sa iyo
Na sa tuwing kaarawan mo ay naaalala ka pa rin
Ang sandali na tayo ay magkasama
Para mag celebrate sa mahalagang araw
ng iyong buhay.

Happy birthday sa iyo ha
Sana marami pang kaarawan ang
dumating sa buhay mo
May kaunti pa rin akong panghihinayang
Na hindi tayo nagkatuluyan
Ngunit unti-unti natatanggap ko na
Ang nangyari sa ating dalawa.

Happy birthday sa iyo ha
Happy birthday talaga
Kung dumating man ang panahon na
kailangan mo ang tulong ko
Nandito lang ako
Huwag kang mag-alinlangan na
ako ay lapitan
Nakahanda akong tulungan ka
Dahil minsan tayo ay nag-ibigan.


20 comments:

Ching said...

vin,

happy buirhtday para sa kanya sana maligaya siya sa birthday nya ngayon at lalo na ikaw na kay mo tanggapin para lang sa kanya.

ching

batang narS said...

naks naman kuya arvin!!nakakatouched naman..hehe.hndi mo alam, baka sa huli, kayo ang magkatuluyan!:)
smaaaaaaaayl

Marlene said...

wow! napaka makata mo naman...
happy birthday sa kanya... :D

gue gue add kita...
basta add mo rin ako ha...
mag addan tayo... hahha

HARI NG SABLAY said...

kakatats naman yun, hapi bday sa kanya... :)

bat pa kasi pinakawalan eh, naku...hehe

HOMER said...

wow happy bday sakanya! ang sweet!

MarcoPaolo said...

Happy Birthday sa kanya... :)

Lord CM said...

Happy birthday sa kanya...at sana maging masaya ka na rin tulad nya...

Bingkay said...

naku arvin...sana maging happy ka na rin soon.

desza said...

naks hanep ah..
hapi n nga cguro xa kya dapat mgng hapi k n rin..:D

Bhing said...

happy birthday sa knya!

cheer up!

move-on!

Clarissa said...

Happy Birthday sa kanya at good luck naman para sa yo.

Sana maging happy ka na rin!^_^

Free_Angie said...

Happy Birthday sa kanya Arvin.
Alam mo Arvin?
Ganyan talaga yang love stories kung minsan.
Di nagtatapos sa Happy Endings.
Pero lahat ay may rason,baka mas meron pang mas magandang story ang dapat mong tahakin.

Dapat makamove on ka na,kung talagang wala ng pag asa na maging kayo pa.

"YOU DESERVE TO BE HAPPY"
Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan...

BE free of the GHOST of the Past...
BE HAPPY!
BE ALIVE!
BE BORN!
HAVE FAITH!
^_^

jhengrey said...

hi arvin!
ang sweet mo naman sa ex mo...
talagang obvious na love mo parin cya kahit hindi na kayo!
Pero advice ko lng na matuto kang tanggapin ang ngyari na marahil hindi talaga kayo ang para sa isat isa..
naranasan ko narin yang ngyari sayo, sobrang hirap at sakit talaga sa umpisa pero kalaunan natanggap ko rin kc useless lang na mgself pity at patuloy na mag reminisce sa past..
Just move on and wait or search for someone who really deserve for your love.. someone who's trully meant for you!
GOD BLESS!!

eden said...

happy birthday to her.

thanks for the visit arvin..

Dylan Dimaubusan said...

Happy birthday sa kanya! Cheers!

Dez said...

awww... sana ay maging maging masaya ka na din at makalaya mula sa nakaraan... namnamin ang sakit umiyak at maghinanakit, pero pagkatapos ng lahat dapat harapin ang ngayon. mahirap mabuhay sa nakaraan. tuloy lang ang buhyay darating din ang katapat ng pag-ibig mo. maikli lang ang buhay, Be happy! :)

yuuki said...

kalungkot naman...d bale maaalala k din nya s bday mo...

filipinaako said...

bakit ba kase kayo naghiwalay? Well, it's up to you kung sagutin mo... be happy na...

jei said...

Bakit kayo naghiwalay? tsismosa ko talaga, grabe!

Cacai M. said...

oi nakakalungkot nmn ang talambuhay mo.. ay blog pala.. sana ay masaya ka din.. malay mo kayo pala sa huli? sana... muahhh!