Friday, December 22, 2017

Hanap Ay Pag-ibig Sa Pasko

"Masaya ang Pasko kung kapiling ang minamahal sa buhay."


HANAP AY PAG-IBIG SA PASKO
Ni: Arvin U. de la Peña

Maraming pasko na rin ang nagdaan
Ang muli kang makasama hinihintay ko
Sa bawat paskong awit na aking naririnig
Pagmamahalan natin noon ay naiisip.

Ikaw at ako ay nangakong magmahalan
Hawak kamay tayo sa pagharap sa hamon ng buhay
Mga pagsubok na dumating sa atin
Hinarap at hindi tayo nagpatinag.

Napakasakit na iniwan mo pa rin ako
Sa iba doon mo pinagpatuloy
Pagmamahal na dapat sa akin
Pag-ibig na sana ako ang nakakaranas.

Sana may paskong dumating
Katulad mo ay akin ng matagpuan
Nang ang pasko ko ay sumaya
Katulad ng dati, katulad ng ibang may minamahal.

Friday, October 20, 2017

Growees Food Chain

"Sa buhay minsan lumalapit na lang ang suwerte, hindi na hinahanap."


GROWEES FOOD CHAIN
Ni: Arvin U. de la Peña

Grade four ng tumigil na sa pag-aaral ang batang si Elena, nag iisang anak.Sa halip na maghanda sa sarili para pagpasok sa paaralan ay hinahanda niya ang sarili para sumama sa kanyang magulang. Sa isang malawak na basurahan kasama ng mga iba pang kapus palad ay naghahanap sila ng puwede na maibenta at mapakinabangan. Kapag dumarating naman ang truck ng basura ay nag uunahan sila sa pag halungkat ng basura. Hindi alintana na iyon ay marumi.

Alam ng batang si Elena na iyon ang trabaho ng mga magulang niya. Musmos pang bata ay karga na minsan ng kanyang magulang sa basurahan. Kaya ng malaki-laki na si Elena ay naisipan niyang iyon na rin ang maging trabaho. Sa ganun na paraan ay nakakaraos naman sila.

Kapag tanghali naman ay pumupunta si Elena sa may pinto ng Jollibee o kaya McDonald's para humingi sa mga papasok o lalabas na customer. Minsan ay binibigyan siya ng pera, minsan naman ay hindi. Tuwang-tuwa ang batang si Elena kapag ang lalabas na customer ay binibigay sa kanya ang dalang hamburger.

Kapag nakakakita naman si Elena ng mga magulang na dala ang anak o mga anak sa pagkain sa Jollibee o McDonald's ay nakakaramdam siya ng lungkot dahil hindi pa siya nakakaranas ng ganun dahil mahirap lang sila.

Araw-araw ay iyon ang naging gawain ni Elena mula ng tumigil sa pag-aaral. Nakasanayan na niya ang ganun. Hindi pansin ang paglipas ng mga araw.

Minsan isang araw habang nasa may pinto siya ng Jollibee ng ang lumabas na mag asawa ay bigyan siya ng hamburger. Tinanong siya kung ano ang pangalan at tagasaan. Nang sabihin ni Elena ang kanyang pangalan at saan nakatira sa mag asawa ay nagulat siya ng magsabi kung puwede raw siyang ampunin dahil hindi sila mabiyayaan ng anak dahil ang isa sa kanila ay may diperensya. "Hindi ko alam, ewan sa mga magulang ko," iyon ang naging tugon ng batang si Elena sa mag asawa.

Nagpasama ang mag asawa sa bahay nina Elena. Nakiusap ang mag asawa sa magulang ni Elena na ampunin nila si Elena. Nangako na papag aralin at bibigyan ng magandang buhay. Nangako pa na bawat buwan ay bibisita sila sa kanila. Bibigyan ng cellphone para may komunikasyon at pera para puhunan sa pag negosyo. Pumayag naman ang mga magulang ni Elena dahil naaawa sa mag asawa at para rin naman sa kinabukasan ng kanilang anak ang mangyayari.

Bawat buwan ay bumibisita nga ang mag asawa kasama si Elena sa magulang ni Elena. Nakapagpatayo ng maliit na sari-sari store ang mga magulang ni Elena. Pero ang pagpunta sa basurahan para maghanap ng mapapakinabangan at puwede maibenta ay tuloy pa rin dahil mahal na nila ang gawain na iyon.

Lumipas pa ang maraming taon. Nang makatapos ng kolehiyo si Elena ay nakapagtrabaho agad. Kalaunan ay nakapunta ng Amerika para doon ay mag trabaho. At pagkalipas ng tatlong taon sa pag trabaho sa Amerika ay umuwi siya para mag negosyo.

Ang naisipan ni Elena na negosyo ay parang katulad sa Jollibee at McDonald's. Dahil hindi niya malimutan ang noon ay bata pa siya. Nagtayo si Elena ng GROWEES FOOD CHAIN na kung saan ang hamburger ay masarap talaga.

Sa opening ng GROWEES FOOD CHAIN ay suportado si Elena ng tunay niyang mga magulang at ang nag ampon sa kanya. Tuwang-tuwa sila sa tagumpay na narating ni Elena. 

Kung noong bata pa si Elena ay nasa may pinto siya ng Jollibee o McDonald's para humingi ng pera o dalang pagkain tulad ng hamburger ng lalabas na tao ngayon ay iba na. Si Elena ay nasa harapan ng itinayo niyang GROWEES FOOD CHAIN para mag welcome ng mga tao na papasok para kumain.

Saturday, September 30, 2017

Fake News

"Sa buhay ng tao ay nakakaranas talaga ng maling istorya."


FAKE NEWS
Ni: Arvin U. de la Peña

Maraming politiko ang galit sa fake news na madalas sa panahon ngayon ay sa social media nagmumula. Sa social media ay pinag-uusapan talaga at share pa minsan sa ibang mga tao ang fake news. Kapag napag-usapan talaga ng labis ay mababalita na sa TV, dahilan para marami talaga ang makaalam. Pati na ang mga nasa ibang bansa.

Galit ang mga politiko na involve sa fake news dahil nasisira raw ang kanilang reputasyon. Nasisira raw ang kanilang magandang imahe sa publiko. Sa mata ng mga tao at sa mga humahanga sa kanila.

Ang mga politiko na nababalita sa fake news dapat ay hindi magalit. Kung ano ang istorya sa kanila mas maganda ay balewalain na lang lalo kung alam nila na walang katotohanan ang balita. Hayaan na lang nila kung ano ang mga komento patungkol sa fake news sa kanila.

Hindi ba alam ng mga politiko  na nasa fake news o kahit hindi involve sa fake news na may fake news din sila sa mga tao. Lahat ng politiko ay hindi perpekto. Walang perpektong politiko dahil lahat ng mga politiko ay talagang may pagkakamali sa kanilang pag serbisyo. Sa maraming pangako ng mga politiko sa panahon ng kampanya para sa halalan sa mga botante at sa mga mamamayan ay marami rin ang hindi natutupad. Sa ganun ay para na ring fake news ang mga ipinangako nila na hindi tinupad.

Masakit sa parte ng mga botante, ng mga mamamayan na ang mga pangako ng mga politiko sa kanila ay hindi tinupad. Pero binabalewala  na lang nila iyon dahil alam nila na ganun sa politika. Magagandang pangako ay sasabihin para hangaan ng sa gayon ay iboto sila. Kaya sa mga politiko na naiinvolve sa fake news o hindi pa naiinvolve sa fake news ay huwag magalit o mainis sa fake news. Dahil ang fake news ay bahagi na sa mundo ng politika.

Magtrabaho lang ng maayos habang nasa puwesto. Para sa ikauunlad ng bayan.

Tuesday, July 18, 2017

Ang Probinsyano

"Ang palabas na Ang Probinsyano ni Coco Martin ay tinatangkilik, mataas ang rating."


ANG PROBINSYANO
Ni: Arvin U. de la Peña

Gabi-gabi ay sinusubaybayan ka
Kakaibang palabas sa telebisyon
Pinaghalong drama at aksyon
Sa iyo ay natutunghayan.

Bata o matanda man
Inaabangan ka na mapanood
Lunes hanggang sa biyernes
Pinag-uusapan ang iyong istorya.

Ang kaligtaan ka ay iniiwasan
Dahil mula umpisa pinapanood ka
Ang dapat gawin pinababayaan
Matunghayan ka lamang.

Sa iyo marami ka ring natulungan
Mga artista na matagal ng di nasisilayan
Binigyan mo uli ng pagkakataon
Makita ang kanilang pag arte.

Ang Probinsyano maraming salamat
Nagdudulot ka ng magandang aral
Dumating man ang iyong pagwawakas
Kuwento mo nakatatak na sa isipan.

Monday, May 1, 2017

Happy 6th CATAMCS Elementary Grand Alumni Homecoming

Sa 6th CATAMCS Elementary Grand Alumni Homecoming
( Congressman Alberto T. Aguja Memorial Central School ) ay kami ang naging host. Isang magandang pangyayari na makasama muli sa isang okasyon ang mga naging kaklase at kasabayan sa pag-aaral ng elementary. Sa umaga pagkatapos ng mass ay sinundan ng parade. Pagka gabi ay ang fellowship night na ang mga naging teacher sa elementary ay binigyan namin ng token. At pagka bukas ay kami lang na batch ay nag bonding sa Tinaguban River.

The best way to succeed in this world is to act on the advice you give to others.” “Success is not final, failure is not fatal: it is the courage to continue that counts.” “You don't have to see the whole staircase, just take the first step.”




One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood.


My best friend is the one who brings out the best in me.


When you dance, your purpose is not to get to a certain place on the floor. It's to enjoy each step along the way.




The greatest gift that you can give to others is the gift of unconditional love and acceptance.




The best preparation for tomorrow is doing your best today.




Stay positive and happy. Work hard and don't give up hope. Be open to criticism and keep learning. Surround yourself with happy, warm and genuine people.








It does not matter how slowly you go as long as you do not stop.



The strong bond of friendship is not always a balanced equation; friendship is not always about giving and taking in equal shares. Instead, friendship is grounded in a feeling that you know exactly who will be there for you when you need something, no matter what or when.



Learn to enjoy every minute of your life. Be happy now. Don't wait for something outside of yourself to make you happy in the future. Think how really precious is the time you have to spend, whether it's at work or with your family. Every minute should be enjoyed and savored.




Hanggang sa muling pagkikita-kita at pagsasama-sama......hanggang sa muli nating pag iinuman....maraming salamat sa inyong lahat...hindi ko makalimutan una kong pagsuot ng sapatos ay graduation ng elementary....

Wednesday, March 22, 2017

Liparin (tula para sa batch 2017)

Ang sinulat kong ito ay handog ko para sa mga magtatapos ng kolehiyo ngayong taon. Good Luck sa inyong lahat. Good Luck sa panibagong yugto ng buhay niyo.



LIPARIN ( tula para sa batch 2017)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa inyong lahat na magtatapos
Liparin niyo pangarap sa buhay
Marami mang maging sagabal
Pilitin na ito ay malampasan.

Mula pagkabata na ambisyon
Masarap kung ito ay matutupad
Mithiin ng inyong mga magulang
Huwag hayaan na masayang.

Pakikipagsapalaran ay inyong kayanin
Ang makamit ang pangarap ay hindi madali
Katulad ng ibang mga nagtagumpay
Sa hirap ay dumaan din sila.

Huwag mawalan ng pag-asa
Kung hindi man matanggap sa trabaho
Lagi niyo lang na tandaan
Ang pagtagumpay ay hindi sabay-sabay.

Katulad ng ibong agila
Mataas na liparin ang inyong pangarap
Sakali mang magtagumpay na sa buhay
Lingunin ang inyong pinanggalingan.

Saturday, March 4, 2017

ENDO

"Love your work. Mahalin mo ang iyong trabaho. Dahil sa pinagtratrabahuan mo ay doon ka nagkakaroon  ng pera para pang gasto sa sarili at sa pamilya."



ENDO
Ni: Arvin U. de la Peña

Hanggang ngayon usapin pa rin ang tungkol sa ENDO o end of contract. Nais ng gobyerno na matigil na iyon. Kung ako naman ang tatanungin ay hindi ako pabor sa ganun. Gusto ko na may end of contract pa rin. Depende kung ilang buwan ang patakaran ng kompanya, pabrika, o establisiyemento. Kahit may ENDO ay may mga nareregular naman lalo kung mabuti ang performace at nagustuhan ng namamahala.

Simple lang ang dahilan ko kung bakit hindi ko gusto matigil ang ENDO. Kawawa ang mga estudyante na mag graduate ng college o gusto na mag trabaho kung wala na ang ENDO. Halimbawa na lang sa isang lugar ay may 50 na kompanya, pabrika, o establisiyemento. Kung ang lahat na nagtrabaho doon ay maregular ay wala ng pupunta doon para mag apply ng trabaho kasi bawat kompanya, pabrika, o establisiyemento ay mga  manggagawa na o trabahador. Ang bawat pinagtratrabahuan ay may limit kung ilan ang magiging empleyado. Dahil kung sobrang dami ang empleyado ay malugi din sila.

Bakit hindi iyon maisip ng gobyerno na paano na ang ibang mga tao na gusto magtrabaho na wala ng matrabahuan dahil may mga trabahador na. Ang paghintay naman na may mga mag retire para mabakante ang puwesto ay matagal. Kung sabihin naman na may mga bagong kompanya, pabrika, o establisiyemento na magbukas at makakakuha ng maraming trabahador ay ganun din ang mangyayari. Darating ang araw na wala na rin mag apply kasi wala ng bakante. Kung magkaroon man ng bakante ay matagal muna kasi maghintay na may mag retire o huminto na sa pagtrabaho dahil napapagod na o gusto ng ibang trabaho.

Ang mabuting dapat gawin ng gobyerno ay ipatigil na sa mga kompanya, pabrika, o establisiyemento ang age limit sa mga aplikante o kaya taasan ang age limit. Hindi po kasi mabuti na may mga job hiring na ang age limit ay 18-30 years old, 18-35 years old o ano pa. Ang mga tao na ang edad ay 40-50 dapat puwede pa rin na mag apply as long na kaya niya ang gawain, physically fit.

Sa buhay, kailangan na handa tayo sa hamon. Nakahanda na harapin anumang pagsubok. Kapag natapos na ang kontrata o na ENDO sa pinapasukang trabaho ay mag apply uli sa iba. Marami naman ang puwede na pag trabahuan. Mahirap ang ganun sa umpisa pero kung matanggap sa inaplayan ng trabaho ay kasiyahan naman ang dulot. Napakaraming kompanya, pabrika, o establisiyemento na puwede pagtrabahuan. Kahit bawat buwan iba-ibang kompanya, pabrika o establisiyemento ang pagtrabahuan ay hindi lahat mapapasukan dahil sobrang dami. Kaya hangga't maaari ay magpakabuti sa pagtrabaho saan ka man na kompanya, pabrika, o establisiyemento, malay mo magustuhan ka at gawing regular.