Saturday, September 30, 2017

Fake News

"Sa buhay ng tao ay nakakaranas talaga ng maling istorya."


FAKE NEWS
Ni: Arvin U. de la Peña

Maraming politiko ang galit sa fake news na madalas sa panahon ngayon ay sa social media nagmumula. Sa social media ay pinag-uusapan talaga at share pa minsan sa ibang mga tao ang fake news. Kapag napag-usapan talaga ng labis ay mababalita na sa TV, dahilan para marami talaga ang makaalam. Pati na ang mga nasa ibang bansa.

Galit ang mga politiko na involve sa fake news dahil nasisira raw ang kanilang reputasyon. Nasisira raw ang kanilang magandang imahe sa publiko. Sa mata ng mga tao at sa mga humahanga sa kanila.

Ang mga politiko na nababalita sa fake news dapat ay hindi magalit. Kung ano ang istorya sa kanila mas maganda ay balewalain na lang lalo kung alam nila na walang katotohanan ang balita. Hayaan na lang nila kung ano ang mga komento patungkol sa fake news sa kanila.

Hindi ba alam ng mga politiko  na nasa fake news o kahit hindi involve sa fake news na may fake news din sila sa mga tao. Lahat ng politiko ay hindi perpekto. Walang perpektong politiko dahil lahat ng mga politiko ay talagang may pagkakamali sa kanilang pag serbisyo. Sa maraming pangako ng mga politiko sa panahon ng kampanya para sa halalan sa mga botante at sa mga mamamayan ay marami rin ang hindi natutupad. Sa ganun ay para na ring fake news ang mga ipinangako nila na hindi tinupad.

Masakit sa parte ng mga botante, ng mga mamamayan na ang mga pangako ng mga politiko sa kanila ay hindi tinupad. Pero binabalewala  na lang nila iyon dahil alam nila na ganun sa politika. Magagandang pangako ay sasabihin para hangaan ng sa gayon ay iboto sila. Kaya sa mga politiko na naiinvolve sa fake news o hindi pa naiinvolve sa fake news ay huwag magalit o mainis sa fake news. Dahil ang fake news ay bahagi na sa mundo ng politika.

Magtrabaho lang ng maayos habang nasa puwesto. Para sa ikauunlad ng bayan.

1 comment:

Twilight Man said...

Thanks for dropping by my blog. I wish to be able to follow your blog in English. Maybe you could write in both languages.
Anyway the photo of Fake News is enough to remind me to be careful as our local media is swarmed by lots of fake news nowadays.