LINDOL
Ni: Arvin U. de la Peña
Hindi malaman kung kailan ka magparamdam
Mga tao takot sa iyo
Minsan ikaw ay mahina
Minsan naman ay malakas.
Sa lahat ng kalamidad ikaw ang pinangangambahan
Dahil niyuyugyog mo ang lupa
Ang di kayang sirain ng bagyo
Sa iyo ay kaya mong wasakin.
Mayaman at mahirap ay pantay-pantay sa iyo
Kahoy at sementong bahay puwede mong masira
Walang matibay sa iyo
Kapag malakas kang nangyari.
Paghandaan ka man ay kulang pa rin
Dahil di malaman kailan ka darating
Mahirap kang maiwasan
Pagkat kahit saang lugar maaari kang maramdaman.
Lindol, pangyayari mo napakamahiwaga
Pinagagalaw mo lahat ng nasasakupan
Dulot mo minsan ay malaking pinsala
Isa kang bagsik ng kalikasan.
Friday, October 25, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Nice written Arvin and it is really true!
Hope makaahon uli mga nasalanta...
Ganda! makakabangon rin mga victims. God is good.
nice poem parekoy!
buti pa ang bagyo, we can predict kung kelan siya darating at kung saang lugar tatama. eh ang lindol, naku God only knows kung kelan sya mangyayari.
#BangonBohol #Sugbohol
Sa panahon ng krisis, wlang ibang magtutulungan kundi tayo tayo. God bless us all!
sobrang lungkot ng nangyaring ito..
ito yong mga bagay na hindi tlga natin mapaghahandaan at dasal lang ang tanging gabay:)
Post a Comment