"Sa mga wala ng ina alam ko bawat araw naiisip niyo siya. Lalo na kung nakakakita kayo ng bata kasama ang ina. Tiyak maaalala niyo ang kayo ay bata pa. Hindi niyo makakalimutan ang kayo ay pinapaliguan o kaya ay pinapakain."
DAKILANG INA
Ni: Arvin U. de la
Peña
Buong buhay pinagsilbihan mo kami
Pagod at hirap balewala sa iyo
Ang makita kami na maayos ang kalagayan
Iyon lagi ang nasa isip mo.
Maaga pa lamang gumigising ka na
Ginagawa ang gawain sa bahay
Hindi ka katulad ng ibang ina
May katulong na namamahala sa lahat.
Dakila ka aking ina
Kailanman hindi mo kami pinabayaan
Sa pamilya mayroon man problema
Nariyan ka upang humanap ng solusyon.
Kahit kailan di ka pinanghinaan ng loob
Hindi man marangya ang ating pamumuhay
Sa iyo ang mahalaga ay makaraos
May makain sa takdang oras.
Wala ka naman sa mundo
Alaala mo ay hindi makakalimutan
Mga nagawa mo sa amin
Mananatili sa puso at isip.
Tuesday, April 30, 2013
Monday, April 15, 2013
Drama
"Ang BARKADA ay isa sa mga bagay na parte ng ating buhay. Kahit na simpleng samahan lamang basta walang plastikan at kahit anong trip niyo sa daan basta WALANG IWANAN. Pagalitan man ng magulang, kanya-kanyang DAHILAN. Wala lang LAGLAGAN. Minsan nga gumagawa pa ng paraan para maka jamming lang. Iyan ang tunay na SAMAHAN. Iyong tipong WALANG LIMUTAN kahit sa SIMPLENG ALAALA lang."
DRAMA
Ni: Arvin U. de la Peña
Alam ko noon pa man darating ang panahon na makakalimutan mo ako. Sino ba naman ako di ba? Isang ordinaryo lang ako na tao. Hindi katulad ng mga ibang nakasabayan bilang bata. Mayroon silang naipagmamalaki. Hindi katulad ko na wala masyadong naipagyayabang sa iyo.
Kapag dumaraan ako sa bahay niyo noon kapag nakikita mo ako ay tinatawag mo ako. Bata pa tayo noon. Naglalaro tayo sa inyo. Kasi ikaw lang naman ang may mga laruan na magaganda. Play station o kung ano pa. Ingat na ingat ako noon sa mga laruan mo kasi baka masira ay wala akong pambayad.
Ngayon ibang-iba na talaga. Kapag dadaan ako sa tapat ng bahay niyo ay hindi mo na ako pansin. Hanggang tinginan na lang tayo. Siguro akala mo ay hihirit ako sa iyo ng kung ano gayong hindi ko naman iyon magagawa. Dahil kaya ko naman maka survive sa buhay.
Napakasakit na minsan pag dumadaan ako sa inyo at naroon ang ibang mga kaibigan noong bata pa at nag-iinuman kayo kahit nakikita mo ako at sila ay hindi ako pansin. Balewala lang ako sa pag daan. Ayaw niyo na makisali ako sa inyo. Kahit ganun kayo ay inuunawa ko pa rin kayo lalo na ikaw kasi tanggap ko na ganun ang buhay sa mundo. Minsan nagbabago ang tao kapag naging matayog na.
Ang mga nakaraan natin noong bata pa ay patuloy ko pa rin iniisip. Kasi iyon lang ang panahon na may malasakit ka sa akin. Binibigyan mo ako ng kung ano ang kinakain mo. Kasi ikaw lang naman ang may pera talaga. Kapag namamasyal tayo sa kung saan, pumupunta sa plaza, naliligo sa dagat, o naninirador ng ibon ay masaya talaga. Sayang nga at hindi na iyon maibabalik.
Kung kailan ikaw ay ganyan na sa akin ay hindi ko alam. Inuunawa ko ikaw kasi baka iyon ang ikinasasaya mo. Ganunpaman umaasa pa rin ako na ang dating ikaw na nakilala ko at nakaibigan noong bata pa ay magiging ganun sa darating na mga araw.

Subscribe to:
Posts (Atom)