Thursday, March 28, 2013

Balut (by request)

Ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger. Kung may mali man sa sinulat kong ito ay huwag na lang bigyan ng malaking grades. Nag comment po siya parti sa by request sa pag post ko ng Araw (by request) at inulit uli pag post ko ng Luha, Ligaya, at Langit (by request). Ang blog niya po ay http://genskieswrittenvoices.blogspot.com/

Blogger Genskie said...
awesome.... gusto ko gawa ka ng tula ang pamagat BALOT... my 4 na talata hahahaa... at kailangan ang bawat huling salita ng bawat pangungusap ay tutugma... paaunlakan mo ba ako? nais ko sanang gawin mo itong mejo nakakatuwa :)

September 22, 2012 at 9:33 PM

Blogger Genskie said...
Napaka galing naman ng pag kakagawa mo ...asan na yung BALUT na tula ko hehehe... mejo mahirap nga naman ang nirerequest ko sayo ano... :)

btw I have something for you on my page
check it out!

November 21, 2012 at 12:40 AM
Delete

BALUT (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa tao sadyang nagbibigay lakas
Ang kumakain sadyang tumitikas
Sa gabi ang paglako ay madalas
Minsan pa ay kahit na anong oras.

Mga nag-inuman ay laging nais
Inaabangan marinig ang boses
Balut na marami sa Pilipinas
Pagsipsip sa sabaw mistulang katas.

Ang halaga man nito ay tumaas
Pagtangkilik ay wala pa ring kupas
Minsan pa ang bulsa parang nabutas
Sa pagbili na balewala gastos.

Marami mang henerasyon lumipas
Kung anong kakaiba ang matuklas
Ang balut ng mga pinoy ay ayos
Sa pagtatalik ay para ring armas.

Delete

Tuesday, March 12, 2013

Pandesal

"Hindi lahat na nakikitang papel sa kalsada ay basura na."

PANDESAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagtitinda ng pandesal ang kinagisnan ng trabaho ni Baltazar tuwing umaga. Bata pa lamang siya ay iyon na ang nakagawian niyang trabaho. Gamit ang bisikleta na nilagyan ng extension para maging tatlo ang gulong ay umagang-umaga pa lamang ay pumupunta na siya sa bakery. Kumukuha doon ng mga pandesal para ibenta. Sa bawat 100 pesos na halaga ng pandesal na maibenta niya ay mayroon siyang 20 pesos. Sa bawat pagpadyak niya, ay medyo malakas ang sigaw niya ng PANDESAL. At sa bawat pagtitinda niya ng pandesal sa umaga ay hindi bababa sa isang daan ang kita niya.

Pagkatapos magtinda ng pandesal sa umaga ay agad uuwi sa kanila para maghanda pagpasok sa paaralan. Sa pera na bigay sa kanya ng may-ari ng bakery ay kumukuha lang siya ng baon at ang natira ay binibigay niya sa kanyang ina. Dahil sa bahay sila na lamang dalawa dahil ang tatay niya ay sumama na sa ibang babae. Minsan sa paaralan ay tinutukso-tukso siya. Tinatawag siyang pandesal sabay tawa ng mga kapwa niya estudyante. Ang lahat ng iyon ay binabalewala na lamang niya. Dahil umiiwas siya sa away.

Nang makatapos siya sa pag-aaral sa high school ay nagtrabaho na lang siya sa bakery. Dahil wala silang pera panggasto sa kolehiyo. Dahil mahirap lamang sila. Taon ay lumipas ay iyon pa rin lagi ang trabaho niya. Hanggang maging asawa niya si Emily na tindera sa bakery na pinagtrabahuan niya.

Kahit umuulan ay tuloy ang pagtinda niya ng pandesal sa umaga. Dahil para sa kanya ay obligasyon na niya iyon araw-araw. Kahit pagod at puyat ay kailangan niyang bumangon para umikot sa mga kababayan para magtinda ng tinapay. Ang mga bata pa noon ng mag-umpisa pa lang siya sa pagtinda ng pandesal sa umaga ay malaki na. Kaya kilalang kilala talaga siya.

Minsan papauwi na siya mula pagtinda ng pandesal ng may makita siyang maliit na papel at pinulot niya. Nang tingnan niya ay may nakasulat na anim na numero 15-30-25-12-05-17. At nilagay niya sa bulsa ang napulot na maliit na papel.

Gabi pauwi na silang mag-asawa sa bahay ng makita niya na kaunti lang ang nakapila sa lotto outlet. Doon ay naalala niya na tayaan ang mga numero sa napulot niyang maliit na papel. Pagkatapos tumaya sa lotto outlet ay umuwi na sila na mag-asawa.

Kinabukasan ay muli nag-ikot na naman siya para sa pagtinda ng mga pandesal. Pagkatapos maubos ang mga pandesal ay pumunta siya sa bilihan ng diaryo para tumingin ng lotto result. Laking gulat niya ng makita na ang numero na lumabas sa 6/42 lotto draw kung saan siya tumaya ay ang mga tinayaan niyang numero, jackpot prize of P8 milyon. Bumili siya ng diaryo at agad ay umuwi sa kanila. Sinabihan niya ang kanyang asawa na noon ay hindi pa pumapasok sa bakery at ang kanyang ina. Tuwang-tuwa silang lahat dahil sa wakas ay may malaking halaga ng pera na sila. Ang matagal na nilang inaasam na magkaroon para guminhawa naman ang buhay nila.

Sa buhay, minsan ang suwerte ay hindi natin alam na darating na pala. Magugulat na lang tayo at hawak kamay na pala. Kaya huwag mainis kung hindi man maganda ang kapalaran sa simula pa lang. Huwag magsabi na suwerte siya dahil ipinanganak na may kaya sa buhay ang pamilya. Ipinanganak na mayaman. Kain at tulog na lang, nasusunod anuman ang gustuhin at nabibili ang naisin. Bagkus kung anuman ang kinagisnan na buhay ay tanggapin at gumawa na lang ng paraan para makaraos sa araw-araw.