"Justice delayed is justice denied."
LUMANG DAAN
Ni: Arvin U. de la
Peña
Sa lumang daan naglalakad mag-isa
Hinahanap na mag-isa ang pag-asa
Ang hustisya na nais makamit noon
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw.
Pangulo ay ilang beses ng nag-iba
Modernong kagamitan ay nagsulputan
Katarungan para sa anak wala pa
Sa katulad niya mailap ang batas.
Inaasam nasa lumang panahon
man
Patuloy pa ring nagbabakasakali
Pagtahak sa tila madilim na daan
Umaasa na hindi panghabambuhay.
Kirot na sa puso ay nararamdaman
Sa lumang daan lamang ay nawawala
Kahit may pagbabago na sa paligid
Sariwa pa sa isip mahal na anak.
Tuesday, February 19, 2013
Saturday, February 9, 2013
Walang Silbing Tapang
Ni: Arvin U. de la Peña
Matapang kung tapang ang pag-uusapan si Frederick. Dahil kung siya ay may gulong kinasasangkutan ay hindi niya inaatrasan ang mga kalaban. Samahan pa ng mga ka tropa niyang siga din. Kaya kung siya ay maglakad mag-isa o kasama ng tropa ay hindi puwede na magsalita kahit pabulong ng kontra sa kanila. Dahil kapag marinig ay pagagalitan. Kung pumalag ay suntok ang aabutin.
Sa kanilang lugar sa squatter area kapag may humihingi ng saklolo dahil may inaapi kapag sinumbong sa kanya ay bugbog sarado ang aabutin ng nang-aapi kapag hindi nakinig sa pakiusap niya na itigil. Kaya malaki ang respeto ng mga tao sa kanya.
Kaya ang kapatid niyang si Abigail ay walang sinuman ang pumoporma sa kanilang lugar. Dahil kapag naramdaman ni Frederick na may gusto ang isang lalaki sa kapatid niya ay pagsasabihan agad na huwag manligaw sa kapatid dahil gusto niya na makatapos muna ng pag-aaral at makapagtrabaho.
Minsan isang gabi pauwi sila ng barkada galing inuman naglalakad dahil walang masakyan pauwi sa squatter area ng makarinig sila ng humihingi ng tulong malapit lang sa kanila sa isang bakanteng lote na mataas ang mga damo. Sinabi ng kaibigan niya na tulungan pero nagmatigas si Frederick na huwag nalang dahil pauwi na at isa pa hindi naman iyon kaano-ano.
Pag-uwi ni Frederick ng bahay ay nakita niya na nakaupo ang nanay at tatay niya. Nang tunungin niya kung bakit hindi pa natutulog ay doon sinabi na nag-aalala sa kapatid dahil hindi pa umuuwi at unang pangyayari iyon na gabi na talaga ay wala pa sa bahay. Dahil lasing si Frederick sinabi niya na uuwi din iyon at dahil doon ay natulog na lang ang magulang niya.
Kinabukasan umagang-umaga pa natutulog sila ng magising sila sa malakas na pagtawag ng kaibigan niya. At sinabi na naroon si Abigail sa bakanteng lote walang saplot at patay. Agad ay pinuntahan ni Frederick kasama ang magulang at kaibigan ang bakanteng lote na may kalayuan ng konti sa bahay nila. Doon ay nakita niya at ng magulang ang sinapit ni Abigail. Ginahasa at saka pinatay. Dahil doon ay naalala ni Frederick na ang narinig nila ng tropa habang pauwi na ay ang kapatid niya pala. Nagsisi siya dahil kung tinulungan nila ang humihingi ng saklolo ay hindi ganun ang sasapitin ng kapatid niya. Maililigtas niya sana sa kapahamakan.
Sa buhay, huwag tayong umiwas sa pagtulong kapag kaya natin. Sagipin natin sinuman ang nangangailangan kapag kaya natin. Dahil ang lahat kung anuman mayroon tayo ay hindi pang habang panahon. Maganda na may maiiwan tayong alaala para sa isang tao para sa ginawang pagtulong. Maging sinuman siya.
Subscribe to:
Posts (Atom)