Noong elementary ako ang harapan ng paaralan ay ang simbahan na nakikita
niyo. Ang pinag-aralan ko naman sa high school ay katabi ng simbahan.
Kaya noon naiisip ko ano kaya ang pakiramdam ng isang pari. Minsan nga
noon sa elementary ako sa ipinapasulat ng guro kong ano ang gusto sa
paglaki ang isinulat ko ay "paglaki ko gusto kong maging pari, dahil
gusto ko na maipalaganap ang kautusan ng Diyos."
SERMON SA PASKO
Ni: Arvin U. de la Peña
Muli
ay narito na naman tayo para sa pag celebrate ng Pasko. Taon-taon ay
ginagawa natin ito. Sa ganitong okasyon makikita natin ang kasiyahan ng
halos lahat. At pagkatapos ng Pasko ay wala na. Balik na naman sa dati.
Parang hindi nangyari ang Pasko. Kanya-kanya na naman. Ang simbolo ng
nangyari dahil sa Pasko ay nababalewala na.
Mga
kapatid ko, mga kababayan ko. Masakit tanggapin na minsan ang diwa ng
Pasko ay ginagawang dahilan ng ibang mga politiko para sa kanilang
pansariling interes. Magsisimba, magpapa Christmas Party, mamimigay ng
pera para lang mapagtakpan ang masamang imahe sa publiko. Tama ba ang
ganun? Hindi iyon ang inaasahan ng Diyos na mangyayari sa hinaharap na
panahon para sa ginawa niyang pagsakripisyo sa kanyang sarili.
Sila
na ibang
mga politiko ang sana ay magliligtas sa atin sa kahirapan. Pero ano ang
ginagawa nila sa atin. Tayo ay parang pinapahirapan. Mga ibang bilihin
ay nagtaasan ang presyo dahil sa kanila. Pero ang kita ng tao ay hindi
masyadong tumataas. Hindi makasabay sa pagtaas ng presyo. Hindi balanse
ang ganun. Sa ganun mas kawawa ang mga bata sa paglaki nila, na ngayon ay
masaya dahil sa Pasko.
Hanggang ngayon ay napakaraming
pangyayari sa paligid na hindi katanggap-tanggap. Nagnanakaw para
magkapera, manghoholdap ng sa ganun ay matustusan ang pangangailangan sa
buhay. Pero ang mga politiko na ilan lalo na ang mataas ang posiyon ay
marami silang pera. Minsan nagkaroon sila ng maraming pera dahil sa
kanilang posisyon sa potitika. Pero ang isinukli nila ay hindi magandang
pag serbisyo. Pangungurakot ang ginawa. Hindi naman lahat pero may
ilan. Nasaan doon ang diwa ng Pasko na bata pa sila ay naramdaman na
nila. WALA!
Ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi ang
mga regalo na natatanggap. Hindi ang ipinapakitang kabaitan para sa mga
inaanak. Hindi ang pagbibibay ng pera sa namamasko. Ang tunay na diwa
ng Pasko ay pagmamahalan na pang habang panahon. Nang sa ganun ay walang
problema na kinakaharap ang mga tao. Maghari ang kasiyahan sa mundo bawat araw.
Hindi pa huli ang lahat. Mangyayari ang ganun kapag nagkaroon ng takot
sa Diyos ang bawat isa. Lalo na ang mga politiko. Magsitayo po tayong
lahat.
Monday, January 28, 2013
Wednesday, January 16, 2013
Babalik Ka Rin
"Human beings are the only creatures on earth that allow their children to come back home."
Saan ka man naroroon ngayon, Saudi, Japan o Hong Kong
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin
Sa buhay minsan kailangan na mangibang bansa. At doon ay hanapin ang maaaring makapagpaganda ng katayuan sa buhay. Hindi para lang sa sarili, kundi para na rin sa mga minamahal. Dahil kung mananatili lang sa bansang kinagisnan ay mahirap na mangyari.
Ano mang layo ang narating, Singapore, Australia, Europe o Amerika
Babalik at babalik ka rin
Habang naroon ay makikita mo din ang mga magagandang tanawin. Mga tourist spot din kung tawagin. Iba't ibang lahi ng tao ang makakasalamuha. Higit sa lahat ay magpapakita ng pagsisikap para sa trabaho.
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin

Ganunpaman kahit natutunan mo ng mahalin ang bansang pinuntahan mo. Dahil sa bansa na iyon ay natupad mo ang mga pangarap ay mas mahal mo pa rin ang Pilipinas. Ang bansa ng kung saan ikaw ay nagmula.
Sa piling ng iyong pinagmulan, sa iyong nakaraan

Kahit gaano pa kasarap ang buhay doon. Na dito sa Pilipinas ay hindi mo maramdaman. Hinding hindi mo talaga makakalimutan ang iyong kinagisnang bansa. Ang bansa na kung saan nagkaroon ka ng ambisyon, na natupad naman. Kaya lang sa ibang bansa nangyari.
Anumang layo ang narating, iyong maaalala
Ang dati mong kasama, babalik at babalik ka rin
Ang mga kamag-anak at kaibigan ay sadyang mahirap makalimutan kahit na naroon ka na. Ang mga barkada ay lagi pa ring maiisip. Ang mga biruan at tawanan. Tuksuhan at inisan ay masarap balikan sa piling nila.

Muli't muli ay wala pa ring hihigit sa kanila na minsan nakakasama mo habang narito ka sa Pilipinas. Mga taong nagmamahal sa iyo at mga kaibigan na nariyan lang sa tabi-tabi. Masarap pa rin silang kasalo sa pagkain at inuman.
Sa paglipas ng panahon, sa iyong kahapon
Sa alaalang naghihintay sa'yo
Kahit na magkaroon ka na ng pamilya doon. Babalikan mo pa rin ang iyong pinagmulan. Lalo na kung ikaw ay matanda na. Dahil mas masayang ienjoy ang natitirang sandali sa mundo sa sariling bansa.

Babalik ka rin. Kaya huwag magyabang kung naroon ka man sa ibang bansa. Lalo na kung umuuwi. Hindi mo man mapagbigyan ang lahat ng umaasa sa iyo ang mahalaga ay may natutulungan ka.
BABALIK KA RIN
Ni: Arvin U. de la
PeñaSaan ka man naroroon ngayon, Saudi, Japan o Hong Kong

Thursday, January 3, 2013
Eroplano
"Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa babae na makita sa lawaran. Noong 2011 ay winner po siya ng Ford Fiesta courtesy of Jollibee’s Win a Fiesta Promo na mula Cagayan De Oro. Tawagin na lamang natin siyang Tina Ford."
EROPLANO
Arvin U. de la Peña
Sa himpapawid napagmamasdan
Tila napakalabong abutin
Mga bata labis ang kasiyahan
Kumakaway habang tinitingnan.
Inaambisyon ng ilang tao
Ang ganung lumilipad masakyan
Mula sa itaas ay mapagmasdan
Ganda ng karagatan at lupain.
Hindi lahat nakakahawak sa iyo
Hindi lahat ay nakakasakay
Sadyang sa pag-usad ng buhay
Mayroon napag-iiwan dahil bigo.
Eroplano para ka ring pangarap
Tuktok ng tagumpay ay marating
Sa pagsisikap maabot minimithi
Pakiramdam mistulang nasa ulap.
Sa bawat araw ay kasama ka
May mga sumasakay na masaya
Mayroon naman na malungkot
Dahil malalayo sa mga minamahal.
EROPLANO
Arvin U. de la Peña
Sa himpapawid napagmamasdan
Tila napakalabong abutin
Mga bata labis ang kasiyahan
Kumakaway habang tinitingnan.
Inaambisyon ng ilang tao
Ang ganung lumilipad masakyan
Mula sa itaas ay mapagmasdan
Ganda ng karagatan at lupain.
Hindi lahat nakakahawak sa iyo
Hindi lahat ay nakakasakay
Sadyang sa pag-usad ng buhay
Mayroon napag-iiwan dahil bigo.
Eroplano para ka ring pangarap
Tuktok ng tagumpay ay marating
Sa pagsisikap maabot minimithi
Pakiramdam mistulang nasa ulap.
Sa bawat araw ay kasama ka
May mga sumasakay na masaya
Mayroon naman na malungkot
Dahil malalayo sa mga minamahal.
Subscribe to:
Posts (Atom)