Wednesday, November 28, 2012

Pipi

Ito ay mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon. Salamat sa laging nagbabasa ng sinulat ko.

PIPI
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung may mahal man na maituturing si Jericho ito ay walang iba kundi si Kyla. Pero hindi niya masabi dahil pipi siya. Si Kyla na kahit sa isang night club ang trabaho ay labis ang kanyang pagkagusto. Lubos ang kanyang kasiyahan kapag nakikita niya si Kyla. Lalo na kapag bago pumasok sa club ay bibili muna ng fish ball o candy sa kanya. Ang pagtinda niya sa may harapan ng night club ay umaabot minsan hanggang alas dose ng gabi. Masyado siyang nasasaktan kapag nakikita niya na tinitake out si Kyla ng isang customer.

Kung gaano kadalas itake out si Kyla ng isang customer ay ganun din kadalas ang lungkot niya tuwing matutulog na. Sa isipan niya siguro kung hindi lang siya pipi baka nagmahalan na sila ni Kyla.

Ang kanyang nararamdaman kay Kyla ay sinusulat niya na lang sa maliit na notebook. Lahat na nais niyang sabihin at mga plano para kay Kyla ay nakasulat sa maliit na notebook.

Minsan isang araw habang papasok na si Kyla sa night club ay bumili muna sa kanya ng candy. Nang iabot niya ang candy ay ipinakita niya ang kanyang maliit na notebook sa pahina na may nakasulat na "mahal kita Kyla, matagal na." Nang mabasa iyon ni Kyla ay minura niya si Jericho. At pinagsabihan pa bago umalis na "hindi ikaw ang tipo ng lalaki na gusto ko at higit sa lahat pipi ka."

Nakaramdam siya ng lungkot ng marinig iyon kay Kyla. Ganunpaman ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dahil mahal niya si Kyla at nauunawaan kung bakit iyon nasabi.

Isang gabi ay nakita niya si Kyla na lumabas agad ng night club. Nagtaka siya bakit mas nauna pa yata si Kyla na umuwi. Naisip niya na lang na baka masama ang pakiramdam.

Habang pauwi na siya at nasa madilim na kalsada ng may marinig siya na may sinasaktan na babae sa may damuhan. Inalam niya kung saan nagmumula ang tinig. Laking gulat niya ng makita na si Kyla ang sinasaktan ng lalaki. Pilit na hinuhubaran ng damit. Higit sa lahat ay nagmamakaawa. Walang pag-aksaya ng nilapitan niya ang lalaki at sinuntok. Doon agad ay nakatakbo si Kyla. Susuntukin pa sana niya ang lalaki ng biglay siya ay undayan ng saksak. Agad ay nasawi si Jericho at ang lalaki ay mabilis na tumakas.

Sa pagbalik ni Kyla kasama ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente doon ay nakita niya na wala na si Jericho. Ang lalaking nagligtas sa kanya sa kapahamakan. At higit sa lahat ang lalaking may lihim sa kanya na pagmamahal pero binalewala niya. Napahagulgol ng iyak si Kyla.

Sa buhay, minsan ang tao na binabalewala natin ay siya palang magbibigay halaga sa atin. Kung kailan wala na at hindi na puwede ay saka mararamdaman ang tunay na pagmamahal sa kanya.


Sunday, November 18, 2012

Luha, Ligaya, at Langit (by request)

Mahirap para sa akin na ang nagrerequest mismo ang nagbibigay ng magiging pamagat para sa by request portion ng blog ko. Pero ganun pa man ay pilit kong kinakaya dahil ang mapagbigyan sila ay kasiyahan sa akin. Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan na blogger dito sa mundo ng blog. Ginawa niya ang pag request sa pag post ko ng Araw (by request). Narito ang sinabi niya sa comment at ang blog niya ay http://joysnotepad.blogspot.com/

Blogger joy said...

wow, ang dami ng nga request sa yo:) Galing mo kasi.
I wonder if I am going to request you to write for me something with the title " Luha, Ligaya at langit. Coz, it is my life.
Joke only. kawawa ka naman. pinahirapan ka namin. hi hi.
Anyway, gusto ko ang last part ng sinulat mo:
Iba't ibang pangyayari ang nagaganap
Sa bawat nilalang nagbibigay kahulugan
Bata man o kaya matanda
Nararanasan ang halaga ng araw.

We all have a story to tell, and that what makes one's life exciting.
Have a nice day kababayan!

September 23, 2012 1:46 AM

 
LUHA, LIGAYA, at LANGIT (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña

Kabiguan na natamo
Luha man naging kapalit
Di pinanghinaan loob
Hinarap ang kapalaran.

Taas noo pinagyabang
Pagbangon mula ng iwan
Sa ligaya na nakamit
Kapiling ang bagong mahal.

Ang delubyo na sinapit
Parang bula na naglaho
Pagbuhos ulan sa buhay
Sikat ng araw pumalit.

Mistula ng lumilitaw
Langit na ang pakiramdam
Nangyari sa nakaraan
Sa isipan ay limot na.

Luhang tumulo sa mata
Nangyaring sama ng loob
Ligaya ngayon sa puso
Katulong Diyos sa langit.
Delete

Wednesday, November 7, 2012

Lumang Damit

"Ako ay nagbabalik mula sa isang buwan na bakasyon sa pag blog. At ito ang una kong handog sa inyo na laging bumibisita sa blog ko kung may post akong bago. Mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon."

LUMANG DAMIT
Ni: Arvin U. de la Peña

Mula ng mag-aral si Enrique ay laging lumang damit na ang suot. Mga damit na pinagdaanan ng suotin na hiningi ng nanay niya sa mga kakilala. Iyon ay dahil wala silang pambili ng mga bagong damit. Ang nanay niya kasi ay isang labandera. Minsan pa may araw na wala siyang pinaglalabhan kaya walang pera. At ang tatay niya ay isang konduktor ng pampasaherong jeep. Kaya ang kita nila sa isang araw ay sapat lang.

Ang lumang damit na sinusuot niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakikipagbarkada sa kapwa niya bata sa elementarya. Iyon ay dahil tinutukso siya sa kanyang suot. May mga bata kasi na kaklase niya at hindi na binigyan ng damit ang nanay niya ng magulang nila dahil humingi.

Hanggang sa pag high school ay ganun din ang mga kasuotan ni Enrique. Mga lumang damit na hiningi ng nanay niya. Iyon ang dahilan kung bakit ang crush niyang si Kristine ay hindi niya malapitan. Dahil ramdam niya na iiwasan siya. Higit sa lahat ay kilalang may kaya sa buhay sina Kristine at matapobre ang pamilya. Nakakaramdam siya ng selos kapag si Kristine ay nakakasama ng ibang ka school mate niya na may kaya rin sa buhay ang pamilya at higit sa lahat hindi luma ang suot na damit. Wala siyang magawa kundi tanggapin na ganun ang kalagayan niya.

Pagkatapos mag graduate ng high school ay nag-apply siya sa SM Department Store dahil walang pera ang magulang niya para pagpaaral sa kolehiyo. Habang nakapila siya sa pag-aapply ay kita ng dalawa niyang mata na siya lang ang may damit na luma. Nasa ganun siyang sitwasyon nakatayo dahil mahaba ang pila ng mga gustong mag apply ng bigla lapitan siya ng isang lalaki para lumayo ng konti at mag usap na sila lang.

Doon ay tinanong siya kung bakit lumang damit ang suot at may mantsa pa para sa pag apply. Walang pagkukunwari na sinabi niya ang totoo. Hinangaan siya ng lalaki na nakaranas din ng ganun na laging luma ang suot na damit noon na mataas pala ang katungkulan sa SM Department Store lalo na ng sabihin niya na "hindi naman nasa damit nakikita ang tunay na kakayahan ng isang tao. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagiging maginoo at mabait kahit pa punit ang damit ikaw ay hahangaan."

Walang kahirap hirap na nakapasok siya sa trabaho sa tulong ng lalaki. Naging checker siya. Nakatulong siya sa kanyang magulang sa mga pangangailangan. Higit sa lahat nakabili siya ng mga bagong damit.

Sa buhay, huwag nating husgahan ang isang tao kung hindi man maganda ang kanyang kasuotan. Unawain natin siya at intindihin ang kalagayan. Marahil ay mayroon siyang pinagdaraanan kung bakit ganun ang pananamit niya. Higit sa lahat minsan ang magandang kasuotan ng isang tao ay balat kayo lang para sa gagawing hindi maganda sa kapwa.