"Quitting is not a sign of lose, it is when you defeated."
RESIGN ( Chief Justice Renato Corona )
Ni: Arvin U. de la Peña
Si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay may kinakaharap na impeachment complaint. At siya ngayon ay nagmamatigas na harapin ang impeachment. Napakatapang naman niya para iyon harapin. Sa palagay ba niya siya ay maaabsuwelto. Hindi kulang sa pag-iisip ang mga senador para siya ay iabsuwelto sa impeachment. Hindi babalewalain ng mga senador ang ginawang pagpirma ng mga kongresista para siya ay maharap sa impeachment. Higit sa lahat sa taumbayan na nagnanais na siya ay mapatalsik sa korte suprema. Iyon ay dahil sa ambisyong politikal. Higit sa lahat siya ay karapat-dapat na ma impeach.
Si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay inappoint ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo na labag sa saligang batas dahil siya ay itinalaga malapit na ang eleksyon na kung tawagin din ay midnight appointee. At dahil doon siya ay impeachable. Hindi pa kasama ang iba pang mga reklamo laban sa kanya.
Kahit pinakamagaling pang mga abogado ang kunin niya para siya ipagtanggol kung sapat ang boto ng mga senador para siya ma impeach ay wala ring saysay. Kaya mabuti pa na siya ay mag resign na lang para lalong hindi kahiya-hiya sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ang mga senador ay may ambisyong politikal. Nasa taumbayan nakasalalay ang kanilang pag-upo sa senado. Ang hindi boboto para si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay hindi ma impeach gayong siya ay karapat-dapat na ma impeach ay tiyak tatandaan ng mga tao at pag muling kumandidato ay maaaring hindi iboto. Kaya dahil doon ay kakabahan sila. Kaya mabuti talaga na hanggat maaga pa at hindi pa nagsisimula ang impeachment trial ay mag resign na lang siya. Dahil tiyak din naman na ma iimpeach siya. Hayaan na niya na walang magtanggol sa dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa korte suprema dahil maraming galit sa kanya na naging pangulo ng bansang Pilipinas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
salamat sa information arvin, hindi ko kilala pero may anumaliya siguro kaya inimpeach. ganayan naman politika natin, namimili ng tao tapos pag may mali impeach at pinaalis sa upuan
sabi na nga ba at maipi-feature mo dito si corona eh...hehe! kung nag-inhibit lang sana sya sa simula pa lang, nde siguro sya mapupunta sa sitwasyon nya ngayon. hayzzz, kagulo talaga ng pulitika dito sa pinas...kaumay!! ;)
Corona - kapit-tuko.. hehe!
lahat ng tiwali dapat tsugihin!
Sana mag resign nalang siya at hindi hintayin ang impeachment.
Thank for the visit.
@Shydub.........walang anuman.....talagang may anomalya kasi nga sa ngayon ay kinakalkal na ang mga nakatago niyang kayamanan......
@Talinggaw.........ayaw kasi mag resign kaya dito sa blog ko ay papagresign ko siya.....kampi kasi siya sa lahat ng kaso kay Gloria Macapagal Arroyo kaya ayun hinainan ng impeachment.....matapang lang siya sa ngayon pero pag malapit na ang impeachment ay mag resign iyan....
@mommy-razz........tama ka....tumatanaw talaga ng utang na loob kay GMA.....lahat ng ikanaso kay GMA ay absuwelto sa kanya.....
@jedpogi..........kulong lang ng magdusa sa mga kasalanan....
@eden.............mag reresign din iyan.....magiging kahiya hiya siya kung ma impeach......samantala kung mag resign ay hindi masyado kahiya hiya.....
i dont want him to resign
i want him to face the impeachment trial to hear his side
Tama! Resign ka na Corona para mapagbigyan ang kagustuhan ni Noynoy "bratboy" Aquino.
Porque nadale ang Hacienda Luisita ng angkan ni Aquino ay hiningi na agad ni presidente ang pugot na ulo ni CJ.
This impeachment drama is not about accountability. It is about the fact that it is only the Supreme Court is one of the strongest institution left to stand against the bratty (and self-righteous) leadership ni Noynoy.
visiting po...yeah, kailangan talaga may due process of law. :)
http://ohbite.blogspot.com/2012/01/reminisce-fun-with-halaan-clam.html
mas marami tayong malalaman sa impeachment process kaya dapat wag siya magresign gaya ni merceditas.
@reese..........kung haharapin niya iyon magigisa siya masyado.....madaming tinatago niya ang malalaman ng taumbayan.....madaming ebidensya ang mailalabas......
@Ishmael Fischer Ahab......hindi paghihigante dahil sa hacienda luisita kung kaya gusto ni Pnoy na ma impeach si Corona....hindi lang si Pnoy ang may gusto na ma impeach si Corona kundi maraming Pilipino.....ang galit kay GMA ay galit na rin kay Corona.....ang mga kasalanan ni GMA ay hindi mapagbabayaran hanggat si Corona ang chief justice iyon ang paniniwala ng mga nagnanais na ma impeach siya.....
@Spiky...........nasa batas ang impeachment........at dapat na managot ang nais na ma impeach....
@aboutambot...........kung hindi siya magreresign ay tatagal ng ilang buwan ang impeachment....paano na ang ibang hangad kung doon na lang sa impeachment tututok.......
Gaya nang nakararaming opisyal na inappoint ni GMA, si Corona man ay nagpapakita nang walang delikadesa sa pagkapit niya sa posisyon nang punong mahistrado nang Supreme Court gayong alam nang lahat na siya ay midnight appointee ni Gloria. Ipinagbabawal nang konstitusyon ang pagtatalaga nang anumang appointment tatlong buwan bago bumaba ang outgoing president, pero si Corona ay itinalaga ni GMA talong linggo bago siya bumaba sa pwesto na sinangayunan naman ng Supreme Court na halatang pinaboran si Corona at GMA. Itinalaga ni GMA si Corona para protektahan siya sa mga kasong isasampa laban sa kanya sa Supreme Court for adjudication. Nakita ang flip flopping ng Supreme Court nung panahon ni Corona kung saan binaligtad nila ang final and executory sentence kina Hubert Webb at kasamahan nito dahil lamang sa isang flimsy technicality nang hindi na maiproduce ang semen example sa scene of the crime nang mahigit sampung taon na ang nakakalipas. Ibig bang sabihin nito ay nagkamali ang Supreme Court nung inapela sa kanila ang kaso ni Hubert Webb nuon? Magkano kaya ang konsiderasyon sa pag overrule nang original verdict nang Supreme Court? Tapos against all odds ay nagpalabas nang TRO ang Supreme Court sa pagpiggil sa hold departure order kay GMA na kontodo wheel chair at neck braces at mukhang kaawaawa sa pagpunta sa NAIIA para tumakas sa Pilipinas na kunwa'y magpapagamot daw. Dapat talagang tanggalin sa tungkulin si Corona para mabawasan ang mga tutang iniwan ni GMA sa gobyerno. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Post a Comment