Saturday, January 7, 2012

Koronang Tinik

"Ang pagbitiw sa tungkulin ay hindi masama lalo na kung makabubuti para sa bansa."
KORONANG TINIK
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa tuwid na daan ikaw ang hadlang
Pagsulong sa magandang bukas tinik ka
Hangarin para sa mabuting pagbabago
Walang pag-asang makamit dahil sa iyo.

Kinalalagyan mo ay mataas
Mistula kang isang korona na nakalagay sa ulo
Subalit ikaw ay kakaibang korona
Nasasaktan ang ibang dapat tumitingala sa pagkatao mo.

Nagtalaga sa iyo sobra ang pagkampi mo
Ebidensya man ay sapat wala ring halaga
Marahil ay magkatulad kayo
Nagtatamasa ng pera mula pangungurakot.

Nais sa iyo ngayon na magbitiw pakinggan mo
Isipin mo mga taong may malasakit sa bayan
Sinumpaan mong tungkulin noon para sa bansa
Balikan mo sa iyong alaala.

41 comments:

Yen said...

hmm.. koronang tinik, ako kagabi natinik sa sapsap na ulam ko. hehe.

Ano na ba nangyayari sa gobyerno naten? anyway wala ko sa posisyon para husgahan ang bawat kampo,dahil naniniwala akong di naman sapat ang mga informasyong nakukuha anten sa media. Ayoko namang sirain ang araw ko sa pag cre create ng hapis sa dibdib ko dahil sa mga kaliwat kanang korapsyon at batuhan ng sisi sa television.The govt.are just showing the world how incapable they are.Nakaka discourage na ang mga balita ngayon sa telebisyon kya makapanood na lang ng spongebob maeentertain pa ko tatawa pa ko.:)

Michi said...

visiting back...no comment na lang about corona, gusto ko lang bumilis ang panahon para presidential election na ulit.

Anonymous said...

basta parang hnd maayos ang goberno natin ngyn, pero atleast nabawasan ang corruption..

Rence said...

ayusin ang sarili. para sa akin iyan ang sikreto para umunlad tayo bilang bansa. mahihiya na ang mga iyan kung maayos ang mamamayan. di ko sinasabing hindi tayo maayos, pero karamihan sa atin, wala sa kaayusan.

pero kuya arvs, bilib talaga ako sa iyo gumawa ng tula. idol na kita.

Spiky said...

sino kaya ang may suot nito? :)

Anonymous said...

sana nga ay magbitiw na siya...hehehe

eden said...

Nice poem, Arvs! at sana mag resign na siya.

thanks for the visit.

aboutambot said...

wag sya magresign para tuloy ang impeachment proceedings. mas madami tayong malalaman na mga kasalanan nila kung magkakaganun, may katapusan din ang kabalbalang pinaggagawa nila.

Algene said...

Hello po kuya! Added your blog na rin sa list ko :) Pakicheck nalang, nasa home page :)

Sam D. said...

ang hirap mag-comment about diyan kay Corona kasi ako updated sa politics natin. Congrats na lang Arvs sa mga poems na ginagawa mo. Nakaka-inspire at may aral :-)

Unknown said...

isa lang ang gusto ng karamihan na sana'y humantong ang lahat ng pakikipaglaban para sa kabutihan at kaayusan ng bayan. nice bro

Lalah said...

pano kaya tayo uunlad noh? eh ang mga nasa posisyon lang naman ang umuunlad galing sa atin yong pera lol hehehe (hindi ba ako makukulong sa pagbibintang ko hahaha)

Nakamuraka said...

Tama, isa kang KORONANG TINIK..hehe

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..........haha.....wala yata iyan diyan na sapsap.....lagi ka nga yata sa restaurant kumakain,hehe.....magulo ang gobyerno kasi may oposisyon talaga.....ang media ang nagpapalaki sa isang usapin....hindi maiiwasan ang korapsyon........lagi mo iyan mababalitaan....

Arvin U. de la Peña said...

@michi.......ok.....matagal pa ang eleksyon.........nakakainip din ang paghintay doon lalo na ang mga botante kasi may pera sa eleksyon....siyempre bilihan ng boto,hehe.....

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz........mas maayos naman kaysa nakaraang administrasyon......takot ang mga corrupt ngayon na mangurakot talaga.....kung gumawa man ay lihim lang....hehe.....

Arvin U. de la Peña said...

@Rence...........tama ka.....pero kung ilang tao lang ang mag aayos ng sarili ay wala ring saysay.....hindi naman mangyayari na lahat ng tao ay mag aayos sa sarili.....salamat kung ganun..

Arvin U. de la Peña said...

@Spiky...........walang nagsusuot niyan kasi makakasakit.....ang mga corrupt dapat ipasuot iyan....

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ........sana nga.....pero parang astig yata siya......tingnan na lang natin kung makaya niya ang akusasyon at pagpapakita ng ebedinsya ng prosecution.......

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........malalaman natin sa mga susunod na araw kung magreresign talaga siya o hindi......

Arvin U. de la Peña said...

@aboutambot.........tahimik nga siya ngayon.....hindi nagsasalita parte sa impeachment.........baka kung malaman lang natin ang mga tinatago niya ay lalo tayong magalit,hehe....kaya mabuti ng magresign siya kasi di pa mabubulgar ang mga tago niyang kayamanan na lalong ikahihiya niya.....anyway kung mag resign siya ay uusigin pa rin naman siya....

Arvin U. de la Peña said...

@Algene...............ganun ba.....salamat naman kung ganun.....tingnan ko iyan....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D..........ic.....di ka pala mahilig manood ng news tungkol dito sa bansang Pilipinas diyan sa lugar mo.....ok din iyon para wala kang maikainis......

Arvin U. de la Peña said...

@Keatodrunk.........may kahahantungan na maganda ang mga layunin ng ating pangulo.....kapag ma impeach na si Corona ay tiyak ang iba ay matatakot ng gumawa ng labag sa batas.....

Arvin U. de la Peña said...

@quin..........parang walang pag unlad na mangyayari sa ating bansa......dahil ang mga corrupt ay hindi mawawala.....hindi ka makukulong....totoo naman ang sinasabi mo......

Arvin U. de la Peña said...

@Nakamuraka..........siya at hindi ako,hehe...

Unknown said...

a new visit here.,

Rshegards
Djawa

kimmyschemy said...

hay naku, ano na ba nangyayari sa bansa natin..

a visit from the kim Teller!

Lalah said...

wala na atang mangyayari sa bansa natin hahaha sariling sikap nalang tayo nito hehehe

eden said...

Dropping by, Arvs. Have a nice day!

Arvin U. de la Peña said...

@Djawa........thanks for visiting my blog....

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim.........katulad pa rin ng dati.......ang mga corrupt ay gustong maparusahan ng corrupt din......

Arvin U. de la Peña said...

@quin............talagang wala na......dahil ganun din sa susunod na administrasyon.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........thanks sa muli mong pagbisita sa blog ko....

Dhemz said...

hay ang gulo..daming issue sa gobyerno...sana mag focus nalang sila don sa mga na apektuhan nang baha sa mindanao...:(

very interesting poem Arvin...ang galing!

REYAH said...

tinik ng gobyerno...nang umulan ng kapal ng mukha, sinalo nya ata lahat.

Unknown said...

for me, harapin niya ang impeachment process

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..........talagang magulo..... kung sakali man ma impeach o mag resign si Corona ay ibang issue na naman.....ibang tao na naman ang magiging paksa sa mga news na tao dati ni GMA.....

Arvin U. de la Peña said...

@REYAH............hehe.....kasi makapal din yata ang mukha niya.....hahanga ako sa kanya kung harapin niya ang impeachment....

Arvin U. de la Peña said...

@reese..........kahit harapin niya ang impeachment at maipagtanggol niya ang sarili sa mga prosecutor kung ang hatol ng mga senador ay dapat siyang ma impeach ay wala ring saysay ang ipinaglaban niya.....

Mel Avila Alarilla said...

Napakabait ngang kaibigan si Dhemz. Ako man ay pinadalahan niya nang maraming souvenir items nuong pasko. Mabibilang ko si Dhemz na isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan sa blog world. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.