"A friend is a gift you give yourself"
Mula sa email ko ay may nabasa ako mula kay Dhemz. At sa mensahe niya ay hiningi niya rin ang home address ko na ibinigay ko naman. At noong January 20, 2012 ay may natanggap ako mula sa kanya. Ang mga makita niyo po sa larawan ay ang mga bigay sa akin ni Dhemz na mula pa sa San Antonio Texas, USA. Sa iyo Dhemz maraming salamat sa mga ipinadala mo sa akin. Ang mga blog niya po ay
http://demcyapdiandias.blogspot.com/
http://www.homeideas-decor.com/
http://www.gregdemcydias.com/
http://www.flavourme.com/
http://bastabisdakgwapa.blogspot.com/
Tuesday, January 24, 2012
Saturday, January 14, 2012
Kanin
Kung sino man sa inyo ang hindi kumakain ng kanin ay mangyari lang na itaas ang paa, hehe.
KANIN
Ni: Arvin U. de la Peña
Bawat tao ikaw ay importante
Maging laman ng sikmura
Sa ulam ay kapares ka
Hindi kumpleto ang pagkain kapag wala ka.
Ang kulay mo ay puti
Mula sa palay ikaw ay nagmula
Hindi pare-pareho ang iyong halaga
Sa paglipas ng panahon presyo mo nag-iiba.
Matanda man o bata napakahalaga mo
Pagkat nagpapabusog ang tulad mo
Kung para sa lulutuin ay walang pambili
Puwedeng asin ang ipares sa iyo.
Maraming tao ang kumakayod para sa iyo
Pinaghihirapan ka talaga ng iba
Maaaring magdulot ka ng panghihina
Kung ang isang nilalang hindi makakain sa iyo.
Kanin sa hapag kainan ikaw ay nagpapabuo
Sa iyo walang nasasayang talaga
Dahil ang natitira sa iyo may halaga pa
Puwede na maipakain sa hayop na alaga.

Saturday, January 7, 2012
Koronang Tinik
"Ang pagbitiw sa tungkulin ay hindi masama lalo na kung makabubuti para sa bansa."
KORONANG TINIK
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa tuwid na daan ikaw ang hadlang
Pagsulong sa magandang bukas tinik ka
Hangarin para sa mabuting pagbabago
Walang pag-asang makamit dahil sa iyo.
Kinalalagyan mo ay mataas
Mistula kang isang korona na nakalagay sa ulo
Subalit ikaw ay kakaibang korona
Nasasaktan ang ibang dapat tumitingala sa pagkatao mo.
Nagtalaga sa iyo sobra ang pagkampi mo
Ebidensya man ay sapat wala ring halaga
Marahil ay magkatulad kayo
Nagtatamasa ng pera mula pangungurakot.
Nais sa iyo ngayon na magbitiw pakinggan mo
Isipin mo mga taong may malasakit sa bayan
Sinumpaan mong tungkulin noon para sa bansa
Balikan mo sa iyong alaala.

Tuesday, January 3, 2012
Resign ( Chief Justice Renato Corona )
"Quitting is not a sign of lose, it is when you defeated."
RESIGN ( Chief Justice Renato Corona )
Ni: Arvin U. de la Peña
Si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay may kinakaharap na impeachment complaint. At siya ngayon ay nagmamatigas na harapin ang impeachment. Napakatapang naman niya para iyon harapin. Sa palagay ba niya siya ay maaabsuwelto. Hindi kulang sa pag-iisip ang mga senador para siya ay iabsuwelto sa impeachment. Hindi babalewalain ng mga senador ang ginawang pagpirma ng mga kongresista para siya ay maharap sa impeachment. Higit sa lahat sa taumbayan na nagnanais na siya ay mapatalsik sa korte suprema. Iyon ay dahil sa ambisyong politikal. Higit sa lahat siya ay karapat-dapat na ma impeach.
Si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay inappoint ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo na labag sa saligang batas dahil siya ay itinalaga malapit na ang eleksyon na kung tawagin din ay midnight appointee. At dahil doon siya ay impeachable. Hindi pa kasama ang iba pang mga reklamo laban sa kanya.
Kahit pinakamagaling pang mga abogado ang kunin niya para siya ipagtanggol kung sapat ang boto ng mga senador para siya ma impeach ay wala ring saysay. Kaya mabuti pa na siya ay mag resign na lang para lalong hindi kahiya-hiya sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ang mga senador ay may ambisyong politikal. Nasa taumbayan nakasalalay ang kanilang pag-upo sa senado. Ang hindi boboto para si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay hindi ma impeach gayong siya ay karapat-dapat na ma impeach ay tiyak tatandaan ng mga tao at pag muling kumandidato ay maaaring hindi iboto. Kaya dahil doon ay kakabahan sila. Kaya mabuti talaga na hanggat maaga pa at hindi pa nagsisimula ang impeachment trial ay mag resign na lang siya. Dahil tiyak din naman na ma iimpeach siya. Hayaan na niya na walang magtanggol sa dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa korte suprema dahil maraming galit sa kanya na naging pangulo ng bansang Pilipinas.

Subscribe to:
Posts (Atom)