Friday, October 28, 2011

Hangad

Ilang beses ko na rin na ginawang model ang batang babae na ito na si Akesha. Sa bawat sinulat ko na gusto ko na siya ang model ay sinasabihan ko ang mommy niya na si Dhemz tapos nagpipicture ng kung ano ang gusto ko. Katulad ng sinulat kong NOTEBOOK na sa picture ay may hawak siyang notebook. Sa LAPIS na kung saan sa picture ay nagsusulat siya gamit ang lapis. At ang TINTA na kung saan ang kamay niya ay sinulatan talaga para makita ang tinta. Ito lang ngayon ang post ko na siya ang model na hindi ko pinagsabihan ang mommy niya.













HANGAD
Ni: Arvin U. de la Peña

May magandang loob sa kapwa
Paglaki mo ang nais ko sa iyong pagkatao
Kung gaano ka kaganda sa paningin
Sa ugali dapat ay ganun din.

Mga payo ng magulang mo
Anuman ang nais para sa iyo
Sundin mo ang hangad nila
Kabutihan ang iyong makakamtan.

Huwag mong suwayin mga payo nila
Kung hindi sa kanila ikaw ay wala
Sa buhay walang magulang naghangad ng masama
Para sa kanilang supling.

Mga hamon sa buhay na mararanasan
Harapin mo ng may tapang
Iwasan ang panghinaan ng loob
Bawat pagsubok ay may hangganan.

Makamtan mo man kaginhawaan sa buhay
Maging simple ka lamang
Ang diyos na lumikha ng sanlibutan
Pinagpapala ang mabuti na tao.

Monday, October 17, 2011

Sasakyan

"Sa pag-alis ng isang ilaw ng tahanan minsan ay ang pag-aliw din sa sarili ng iniwanan. Hindi naman nakapagtataka na mangyari ang ganun dahil ang umalis baka nag aaliw din. Napakarami ng pangyayari na ang isang pamilya ay nasira dahil may nangaliwa o kapwa nangaliwa habang malayo sa isa't isa.


SASAKYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Linisin mo iyan
Dahil diyan ay nabubuhay ka
Pati na ang iyong pamilya
Diyan sa trabaho mo umaasa.

Kung may dumi alisin mo
Dahil walang sasakay sa iyo
Kung kailangan ay pabanguhin mo
Para marami kang pasahero.

Huwag kang mandidiri sa paghawak
Kung halimbawa man may ikakarga
Hanap mo ay pera
Kaya kasama na ang ganyan.

Kinikita mong pera subaybayan mo
Tahakin mo ang daan saan napupunta
Dahil baka ang pinagpapawisan mo
Sa walang katuturan lang napupunta.

Maging mabaho ma ang daan
Tiisin mo ang amoy
Dahil ang daan na dinadaanan mo
Kasing lapad ng kamay mo pagdating sa pera.

Thursday, October 13, 2011

Bigong Paghahanap (by request)

Bago ang lahat nais ko po sanang elike niyo sa facebook ang kaibigan ko na official candidate siya sa HCCC Miss United Nations 2011. Kasi palagay ko naman maraming blogger ang may facebook din. Sampung segundo lang ang hinihingi ko sa inyo kasi sa sampung segundo ay magagawa niyo na ang pag like. Sa sampung segundo na iyon ay malaki na ang maitutulong niyo sa pag like na kung sakali manalo din siya para sa isang parangal din na Facebook Choice Award ay bahagi kayo. Bahagi kayo na sumuporta sa kanya sa kanyang tagumpay. Kasi makikita naman kung sila sino ang nag like. Kayo na sumuporta ay hindi makakalimutan. Lalo na at minsan lang ang pagsali niya ng ganun. Kung maaari din po sana ay mag message din kayo na mga kaibigan ko sa blog sa mga kaibigan niyo na elike siya sa facebook o di kaya mag post sa wall ng facebook niyo. Copy paste lang ito

PAKILIKE NAMAN PLEASE...click the link and like..thanks

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=171050426313070&set=a.171049356313177.44830.171012709650175&type=1&theater

Sa inyo po na mga kaibigan ko na blogger o nagbabasa sa blog ko ako humihingi ng pag like kasi kung dito sa aming lugar ay mahirap kasi ay siyam silang candidate at puro taga aming lugar pa. Siyempre kung sino ang pinsan o malapit na kamag-anak o kaibigan ay doon mag like. Sa October 24, 2011 pa po ang pageant night. Sa sampung segundo ay makakatulong na kayo sa kaibigan ko. Click niyo lang po ang link na nasa side bar ng blog ko sa itaas na makita po sa itaas ng picture ng candidate. Ang pangalan po ng kaibigan ko ay Barby Dell Jao. Please like my friend in facebook. Malayo man at hindi pa nakikita ng personal ay maipakita sana ang pagtulong. Thank you........

Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan din sa request ng kaibigang blogger na si Cacai M. Narito po ang sinabi niya ng magrequest sa akin.



Cacai M.: P.S. Can I also request a poem? --- that is if you nver mind. Thanks again Arvin. God bless!

http://www.thoughts-ideas-resources.com/
http://www.cacai-m-place.net/

Bigong Paghahanap
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa madilim na daan naglakad
Kaliwa at kanan tiningnan
Hinahanap anak na naglayas
Ang masakit hindi maaninag.

Tinahak ang liwanag na daan
Umaasa na masusulyapan
Kabiguan lang ang naging hatid
Sa suwail walang nakakaalam.

Mga pahayagan ay tiningnan
Binasa nilalaman sa loob
Walang balita para sa anak
Nakakalito na sa isipan.

Magulang hindi mapalagay
Nais ng sumuko sa paghanap
Nagsisisi nagawa sa anak
Sana ay hindi pinagalitan.

Nagtanong-tanong sa nadaanan
Nagbabakasakaling may alam
Kapighatian lang naging dulot
Sa kahahanap dusa kapalit.

Saturday, October 8, 2011

Maalaala Mo Kaya (my blog 3rd anniversary)

Ngayong araw October 8, 2011 ay 3rd anniversary ng blog kong ito. Dahil dito nais kong magpasalamat sa mga tao na bumibisita sa blog ko at lalo na doon sa mga nagiging bahagi ng bawat post ko. Maraming salamat talaga sa inyong lahat.

Ngayong buwan din ay pag celebrate ng 20th anniversary ng the longest-running, top-rating and multi-awarded drama anthology ng abs-cbn ang Maalaala Mo Kaya. Maraming henerasyon na rin ng tao ang nagdaan na naging bahagi ng palabas na iyon. Maraming tao ang napaibig, napaiyak, napaluha, napatawa, nalungkot, naging matatag ang loob sa mga pagsubok, nagkaroon ng inspirasyon sa buhay, at ano pa ng dahil sa Maalaala Mo Kaya. Sa bawat programa ng Maalaala Mo Kaya ay nagkakaroon ng aral para sa mga manonood.












"I hate endings! It's not because I'm left alone or I'm not loved anymore. I hate endings because endings left me thinking of how and when to start again."

MAALAALA MO KAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Maalaala mo kaya ang isang tulad ko
Kung dumating ang sandali nasa kanya ka na
Iyo pa rin bang maiisip
Nakalipas na tayo ay nagkakasama.

Mga pagmamagandang loob ko sa iyo
Kabaitan at pagmamahal kong pinapadama
Ang lahat ng iyon mawala ba sa isip
Sakali siya ang piliin mo.

Tanggap ko naman may kahati ako
Bukod sa akin mayroon ding may gusto sa iyo
Hangad rin na makuha ang pag-ibig mo
Simulat't sapul akin ng ninanais.

Maalaala mo pa kaya ako
Kung kayong dalawa ay nagsasama na
Pagmamahalan niyo ay nagkaroon na ng bunga
Ang lahat sa akin may halaga pa ba.

Maalaala mo pa ba ako aking sinta
Kung sa kanya masaya ka naman
Wala ng mahihiling pa sa sarili
Maalaala mo kaya.