Saturday, May 9, 2009

Pagdaramdam

"Minsan kapag naging mag-asawa na ang magkasintahan ay nagkakaroon na ng di pagkakaunawaan. Ang masakit pa ay kung humahantong sa paghihiwalay. Masakit talaga ang ganun dahil inakala mo na sa sasaya ka na dahil naging mag-asawa na kayo, pero hindi pala."




PAGDARAMDAM
Ni: Arvin U. de la Peña

Mas mabuti pang hiwalayan mo na lang ako
Kaysa sa bawat araw lagi akong nasasaktan
Di ko alam bakit mula ng maging tayo
Para na akong nasasakal sa iyong mga bisig.

Selos ka ng selos kahit walang dahilan
Konting pagkakamali ko lang inaaway mo na ako
Hindi ka naman ganyan dati
Lalo noong nililigawan pa lamang kita.

Natatandaan ko pa pinapipili kita noon
Magtratrabaho ako sa ibang bansa para sa kinabukasan natin
O dito na lang ako para lagi kitang makasama
At mas ginusto mo dito na lang ako.

Ngayon di ko alam bakit ganyan ka na
Napakalaki ng iyong pinagbago
Gusto mo ikaw lagi ang nasusunod
Sa lahat na may kaugnayan sa atin.

Hanggang kailan ka bang ganyan sa akin
Sana baguhin mo na ang ugali mong iyan
Dahil nais ko na malaman mo
Ang paghihiwalay natin ay di makapaiiyak sa akin.

14 comments:

pet said...

baka naman babaero ka kaya ganyan si wifey mo sayo? minsan tayo na rin ang gumagawa ng dapat nilang ipagselos kaya kung totoo naman, magbago ka na...payo lang to ha...

blah said...

nice, full tagalog.
ang anlalim. :]]lol,

Gumamela said...

ang pagseselos ay hndi sukatan,
para manamlay ang isang kasambahay,
hndi rn wastong magsisihan,
dahil mas lalong gugulo ang samahan.

sa pagmamahal hndi importnte sinu ang tama o mali,
hndi mahalaga ang mga iringan,
mas lalong hndi importante sinu ang sumobra or nagkulang,
kundi ang totoong sinisigaw ng kalooban.

sa pagmamahal kaakibat nito ang salitang paggalang & pagpapakakumbaba,
respeto ay andyan kasama ng pgtitiwala,
umasang magiging maayos ang lahat,
wag bibitaw ng hndi lumalaban.

wala lng, epal lng ako!
have a nice day arvin!

PABLONG PABLING said...

buhay mag asawa.

kung ang kontinente nga nag hihiwa-hiwalay ang mag asawa pa kaya. lolz

. . . loko lang. . .

mommy Orkid Belle said...

That is so sad! Too bad these things happen. Thank you for sharing and keep writing and inspiring people.

Randy Santiago said...

Madamdaming pagdaramdam!

eden said...

you write good stories as well as poems Arvs. keep on writing coz we love to read more.......


have a good week ahead.. take care

Rose said...

aw ang sakit naman nito....
nakakalungkot nauwi sa hiwalayan...
nice ang ganda ng mga poem mo po...
ang lalalim...
ask lang may asawa ka na ba...
wala lang naitanong lang....
sana pwede ba maayos ang lahat....
para di na mauwi sa hiwalayan....
pag-usapan nalang kung ano ang...
problema daanin sa usapan...
wag sa init ng ulo...

""rarejonRez"" said...

it's mother's day today and just when i was given the most wonderful poem from my husband, here you are making me feel sad with this pagdaramdam of yours! :) great writeup though! keep writing!!!

i'm just wondering, could you make the lines more rhyming? :) regards!!!

RED said...

nagdaramdam din ako, pero kung mas magiging mabuting tao kayo kapag magkahiwalay mas maganda yun..

khalasan said...

Just had to say this:

The only constant thing is change. We cannot try to change people or the situation where we are in but we can try to change the way we see people and the way we see the world.

batang narS said...

totoo ba ung huling linya ng tula mo?na di ka iiyak?hehe
minsan sa buhay, may ganyan talaga...sa pag-aasawa, dun na talaga lumalabas ang tunay na kulay..;)...
hayaan mo, mareresolba rin yan sa mahusay at mahinahon na usapan!
godbless po

Clarissa said...

buhay mag-asawa ay ganyan--pero nasa inyong dalawa on how to keep the relations keep going.respeto,pagmamahal,at pagtitiwala ang susi.^_^

Ingat,kaibigan!

eMPi said...

hmm... lalim ng pinaghugutan ah... kung hirap ka na... hiwalayan na... :)