Monday, May 25, 2009

Mahal Pa Rin

"Kapag mahal mo talaga ang isang tao ay kahit saan ka pumunta, kahit pilit mo siyang limutin. Lagi mo pa rin siyang maaalala dahil siya ang tibok ng puso mo."



MAHAL PA RIN
Ni: Arvin U. de la Peña
Pinilit kong magpakalayo sa iyo
Nang maramdaman ko na wala na talaga
Akong pag-asa sa pag-ibig mo
Pinilit ko na mawala ka sa isip ko.
Ginugol ko ang buhay ko sa pagtratrabaho
Tapat akong nagserbisyo sa tungkulin
Di ako nagpapahuli sa pagpasok
Kung kailangan ay nag oovetime pa ako.
Ngunit sa bawat araw
Sa bawat sandaling ako ay nasa trabaho
Ang alaala mo pala ang magsisilbing inspirasyon
Lagi pa rin kitang naiisip.
Kahit anong gawin ko
Hindi pa rin kita nalilimutan
Sa bawat babae na nakikita
Halos mukha mo ang nasa paningin ko.
Mahal pa rin talaga kita
Sa puso ko ay ikaw pa rin
Pero napakahirap sa akin ang ganito
Mas mahal mo siya kesa sa akin.
Hindi ko alam hanggang kailan ako ganito
Hanggang kailan na mahal pa rin kita
Sana isang araw marinig ko mula sa iyo
Mahal mo na rin ako.

Sunday, May 17, 2009

Marijuana

"Gumagaan ang pakiramdam ng isang tao na gumagamit ng marijuana. Higit sa lahat ay sumasaya pa sila. Kaya iyon ang dahilan kung bakit marami ang adik sa marijuana."


MARIJUANA
Ni: Arvin U. de la Peña
Hithitin mo ako
ng gumaan ang iyong kalooban
Para pansamantala ay mawala
ang iyong dinaramdam
Damhin mo ang usok ko
Na magbibigay kasiyahan sa iyo
Huwag kang mag-alala kung ako
ay maubos man
Madami ka pang mabibili
na katulad ko
Ako ito isang marijuana
Huwag ka lang magmalabis sa akin
Dahil baka ikaw ay maloko.

Saranggola

"Ang buhay ng tao ay parang saranggola. Kaya iyon ang dahilan kung bakit naisulat ko ito."


SARANGGOLA
Ni: Arvin U. de la Peña

Noong bata pa ako ay excited ako masyado kapag wala ng pasukan. Ibig kong sabihin ay summer na. Dahil kapag summer ay laro ako ng laro. At isa ang pagpapalipad ng saranggola ang paborito ko. Humihingi talaga ako ng pera para sa pambili ng sinulid na gagamitin sa pagpalipad. Pinapataas at pinapalayo ko talaga ang saranggola hanggang sa maging napakaliit na lang tingnan sa itaas. Kaysarap ng pakiramdam kung ang saranggola ay napakalayo na at balanse siya sa taas. Nasasabi ko sa sarili na sakto ang pagkakagawa ko ng saranggola. Nakakadagdag ng kasiyahan kapag naibababa ko ng maayos ang saranggola na walang sinasabitan.

Paglaki ko na at nagkaroon na ng sapat na pag-iisip tungkol sa buhay ng tao ay napansin ko na ang buhay ay parang saranggola din. Kapag ikaw ay nasa itaas ay tinitingala ka. Hinahangaan ka ng mga tao na hindi makaangat sa kinatatayuang buhay. Pinipilit nila na umasenso rin at ng sa ganun ay maging mataas ang katayuan sa buhay.

Ganun ang buhay parang saranggola talaga. Kapag marami kang pera ay hahangaan ka talaga. Tingin nila sa iyo ay mataas ka talaga. Kung nakapagsasalita lang ang saranggola at nasa itaas siya ay sigurado magsasabi iyon na samahan siya sa itaas dahil masarap ang pakiramdam doon.

Masarap naman talaga kapag nasa mataas ang antas ng buhay ng tao. Iyon ay dahil makakamit anuman ang naisin. Hindi katulad ng nasa baba lang. Maghihirap pa muna bago makamit ang nais. Ganundin ang sa saranggola. Kapag walang sapat na hangin ay mahihirapan talaga sa pagpapataas. Kahit anong pilit ay di talaga makakapalipad ng saranggola. Hindi tataas ang saranggola. Pero kapag nagtiyaga at malaman saan dapat ipalipad na direksyon ang saranggola ay makakapaangat din. Dahilan para magbunyi ka sa sarili mo na nagawa mong mapataas ang saranggola. Parang sa buhay din ng tao na kapag nagawa niya na maging matagumpay ay nagbubunyi siya.

Sa ngayon kapag may nakikita akong saranggola sa taas ay naiisip ko ang aking kabataan
.

Sigaw

"Masakit talaga kung ang tinitirhan mo ay mademolish dahil kailangan na ng may-ari ng lupa o kaya ng gobyerno."


SIGAW
Ni: Arvin U. de la Peña

Dinggin mo ang tinig namin
Pakinggan mo ang aming mga hinaing
Masyado na kaming naaapi at nasasaktan
Sa walang kuwenta na pagwasak sa amin.

Saan pa kami titira
Gayong sinira ang bahay namin
Sa demolisyon na pinatupad
Maraming pamilya ang nawalan ng tirahan.

Madami pa namang bakanteng lote
Bakit di doon na lang ipatayo
Ang gusali na ninanais
Para walang naaagrabyado.

Napakasakit isipin na kami ay tao rin
May puso at damdamin
Pero basta niyo na lang ginanun
Ganyan ba kayo, masama talaga?

Itong panawagan namin
Halos sigaw na rin ng mamamayan
Sana ay marinig mo ng buo
Para sakali ay makonsensya ka ng konti.

Saturday, May 9, 2009

Pagdaramdam

"Minsan kapag naging mag-asawa na ang magkasintahan ay nagkakaroon na ng di pagkakaunawaan. Ang masakit pa ay kung humahantong sa paghihiwalay. Masakit talaga ang ganun dahil inakala mo na sa sasaya ka na dahil naging mag-asawa na kayo, pero hindi pala."




PAGDARAMDAM
Ni: Arvin U. de la Peña

Mas mabuti pang hiwalayan mo na lang ako
Kaysa sa bawat araw lagi akong nasasaktan
Di ko alam bakit mula ng maging tayo
Para na akong nasasakal sa iyong mga bisig.

Selos ka ng selos kahit walang dahilan
Konting pagkakamali ko lang inaaway mo na ako
Hindi ka naman ganyan dati
Lalo noong nililigawan pa lamang kita.

Natatandaan ko pa pinapipili kita noon
Magtratrabaho ako sa ibang bansa para sa kinabukasan natin
O dito na lang ako para lagi kitang makasama
At mas ginusto mo dito na lang ako.

Ngayon di ko alam bakit ganyan ka na
Napakalaki ng iyong pinagbago
Gusto mo ikaw lagi ang nasusunod
Sa lahat na may kaugnayan sa atin.

Hanggang kailan ka bang ganyan sa akin
Sana baguhin mo na ang ugali mong iyan
Dahil nais ko na malaman mo
Ang paghihiwalay natin ay di makapaiiyak sa akin.

Monday, May 4, 2009

Paghihintay

"Ang hirap sa paghihintay ay kung wala kang naaasahan."




PAGHIHINTAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sabi mo babalikan mo ako
Lalayo ka lang muna pansamantala
Pero bakit hanggang ngayon wala ka pa
Kaytagal na kitang hinihintay.

May mahal ka na bang iba
Sana ay wala pa
Di ko kaya ang mawala ka
Alam mo ba iyon?

Bawat araw lagi kong iniisip ay ikaw
Misan nalilipasan na ako ng gutom
Sa pag-aalala ko sa iyo
Halos di na ako makatulog.

Magparamdam ka na sana
Na ikaw ay ayos lang
Dahil labis na akong naghihintay
Sa iyong pagbabalik.

Kung nasaan ka man
Gusto kong malaman mo
Di ako maghahanap ng iba
Ikaw lang sa aking puso.

Thanks

"Let's all say thank you to a friend which is good to us."




THANKS
For:Nornelaine Cabaluna
By: Arvin U. de la Peña

I want to say thank you to you



Thanks for all the time you spent with me



The ideas and thoughts you shared



It makes me laugh and smile



Despite our differences in life



You treat me good



You don't even hurt me



The love and care you showed to me



I hope it will be for a lifetime



Fo I also share with you



My utmost kind of friendship



You're one of the best that I have



I don't want you to be away from me



With you my love friend



I am so happy



I've blessed I have you in my life.