Monday, November 10, 2014

Sa mga nakilala ko sa blog ng ilang taon ay pasensya at hindi na ako madalas mag post sa blog. Hindi na rin ako makapunta palagi sa blog niyo. Bukod sa Super Typhoon Yolanda  na nangyari na nasira ang bahay namin pero naayos pagkaraan ng limang buwan ay may mga pinagkakaabalahan pa ako na iba.

Madalas marinig sa radio ang boses niya. Ginusto ko na maging bahagi ng blog ko. Search ko sa facebook, nag message ako at mabuti ay pumayag. Mula sa DYVL Aksyon Radio Tacloban siya si Joyce Tabones Catubao para sa Showbiz portion ng radio.

"A real man is not measured on how many girls he had. It's about how he fight temptation in order not to hurt the only girl he love. "



PANGARAP NA MAHALIN
Ni: Arvin U. de la Peña

Hirap at pagod kinakaya ko
Pag-ibig mo ang lagi kong inspirasyon
Sikat ng araw ay balewala
Dahil ang init ay lumalamig kapag naiisip ka.

Maraming puso ginusto pagmamahal ko
Ngunit kahit isa wala akong pinansin
Dahil ang mundo ko sa iyo lang umiikot
Wala akong ibang mamahalin.

Bawat araw lagi kong hiling
Matutunan mo akong mahalin
Sa puso ay masabing mahal mo rin ako
Dahil mahal na mahal kita.

Ikaw lang at walang iba ang hangad ko
Pangarap na makasama sa buhay
Pagkat nakaukit ka na sa puso
Ikaw lang ang nag-iisa sa akin.

Mangyari mang mahalin mo ako
Makakaasa kang maging tapat ako
Hindi ko hahayaang masaktan ka
Kirot sa puso mo ay tinik sa dibdib ko.

3 comments:

aian said...

yikeee :''> goodluck sa lovelife!

Dhemz Apdian - Dias said...

it's good to know that you guys are moving forward after Yolanda....:)

how nice of her...she's pretty!

Pao Kun said...

Heard your name before, di ko alam kung saan. haha.

Anyways thanks for dropping by. Wala pa akong time magblog e. :)