Tuesday, June 3, 2014

Gintong Pag-ibig ( The Vhong Navarro, Cedric Lee, and Deniece Cornejo love affair)

"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."


GINTONG PAG-IBIG
( The Vhong Navarro, Cedric Lee, and Deniece Cornejo love affair)
Ni: Arvin U. de la Peña

Bata pa lamang si Cedric Lee ay labis na ang paghanga niya sa magandang kababata na si Deniece Cornejo. Kapag sila ay naglalaro ay nasisiyahan talaga siya kapag nahahawakan ang kamay ni Deniece Cornejo. Nakakaramdam siya ng pagseselos kapag niyayaya si Deniece Cornejo  ng isa ring kababata nila na si Vhong Navarro na magbisikleta. Iyon ay dahil wala silang biseklita dahil mahirap lamang sila. Inggit na inggit siya kapag nakikitang palayo na sina Deniese Cornejo at Vhong Navarro para mamasyal. Doon ay nasasabi niya sa sarili na kung may pera lang sila pambili ng biseklita ay lagi rin sana silang mamamasyal ni Deniece Cornejo.

Minsan isang araw umuwi si Cedric Lee sa kanilang bahay at nakita niya na nag-aaway ang nanay at tatay niya dahil sa pera. Kitang-kita niya kung paano sinampal ang nanay niya ng kanyang tatay ng sumagot-sagot. Nang makita niya iyon ay pinangako niya sa sarili na iaahon sa hirap ang pamilya nila.

Nang makatapos si Cedric Lee ng hayskul ay sinabihan siya ng nanay niya na sa Maynila mag-aaral ng kolehiyo at doon titira sa tiyahin niya na nagbakasyon dahil siya ang magpapaaral. Isang araw bago ang pag-alis ni Cedric Lee papuntang Maynila kasama ang tiyahin niya ay pumunta muna siya sa bahay nila Deniece Cornejo. Nag-usap sila ng maayos, pinagtapat ni Cedric Lee ang nararamdaman niya kay Deniece Cornejo. Sinabihan na mahal na mahal at umaasa na tatanggapin ang pag-ibig niya balang araw.

Nag-aral ng mabuti si Cedric Lee sa Maynila. Lagi siyang nangunguna sa klase para sa kursong Engineering. Inspirasyon niya sa pag-aaral ang pamilya at si Deniece Cornejo.

Malapit ng mag graduate si Cedric Lee ng mabalitaan niya mula sa pinsan niya na pumunta ng Maynila na sina Deniece Cornejo at Vhong Navarro ay magkasintahan na. Palagi raw magkasama. Nalungkot si Cedric Lee ng marinig iyon.

Pagka graduate ni Cedric Lee sa kursong Engineering bilang cum laude ay agad umuwi siya sa kanilang lugar. Sakay siya ng traysikel papunta sa kanilang bahay ng makita na magkasama sina Vhong Navarro at Deniece Cornejo. Muli ay nalungkot siya at nasabi sa sarili na totoo pala ang sinabi ng pinsan niya. Kinagabihan ay pinuntahan ni Cedric Lee si Deniece Cornejo sa kanilang bahay. Doon ay nag-usap uli sila. Sinabi uli ni Cedric Lee ang kanyang nararamdaman kay Deniece Cornejo. Ang mga plano sa buhay, higit sa lahat gusto na mapangasawa. Bago umalis si Cedric Lee ay sinabihan niya si Deniece Cornejo na hindi na siya magmamahal ng iba at kung sakali na magkahiwalay sila ni Vhong Navarro ay pagsabihan lang siya.

Pagbalik ni Cedric Lee sa Maynila ay nakapagtrabaho agad siya sa isang construction company. Naging seryoso masyado si Cedric Lee sa kanyang trabaho. Bawat buwan ay nagpapadala siya ng pera sa kanyang mga magulang. Hanggang si Cedric Lee ay maging isang contructor. Naging contructor siya ng mga kalsada, pier at iba pa na malalaking proyekto. Naging mabilis ang pagyaman ni Cedric Lee. Pero kahit mayaman na siya ay hindi siya nanligaw ng iba. Dahil wala siyang ibang mahal kundi si Deniece Cornejo.

Sa pagyaman ni Cedric Lee ay tinutulungan niya ang mga nangangailangan. Bawat lumalapit sa kanya para humingi ng tulong ay hindi nabibigo. Kapag nakakapanood siya ng tv at may nangangailangan ng tulong ay tinatawagan niya ang istasyon para siya na ang bahalang tumulong. Ang mga kamag-anak niya kung may kailangan man sa kanya lalo pagdating sa pera dahil may negosyo na papasukin ay binibigyan niya ng pera. Buong bansa ay nakilala si Cedric Lee bilang isang matulungin na tao, hindi madamot sa pera.

Isang araw habang nakahiga si Cedric Lee ay may tumawag sa kanyang cellphone. Hindi nakaphonebook kaya nagtaka siya kung sino. Pagsagot niya sa tawag ay narinig niya agad ang babaeng umiiyak. Nang magtanong siya kung sino at sabihin na si Deniece Cornejo agad ay nagulat siya kung bakit umiiyak. Tinanong agad niya si Deniece Cornejo kung bakit umiiyak. Nang sabihin ni Deniece Cornejo na si Vhong Navarro ang dahilan ng kanyang pag-iyak dahil nakipaghiwalay sa kanya pagkat nakahanap ng iba agad ay nagulat si Cedric Lee dahil akala niya ay hindi na maghihiwalay sina Deniece Cornejo at Vhong Navarro. Sinabihan ni Cedric Lee si Deniece Cornejo na huwag ng umiyak dahil nariyan siya handang magmahal.

Kinabukasan agad ay sumakay ng eroplano si Cedric Lee pabalik ng probinsya para puntahan si Deniece Cornejo. Nang makaharap na ni Cedric Lee si Deniece Cornejo sa kanilang bahay agad ay niyakap niya ito at sinabihan na pakakasalan. Hindi naman tumanggi si Deniece Cornejo sa sinabi ni Cedric Lee dahil alam niya na noon pa mang bata pa sila ay mahal na siya. May gintong pag-ibig na sa kanya si Cedric Lee.

Ikinasal sina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Nagkaroon ng mga anak. Naging maayos masyado ang buhay nila. Habang si Vhong Navarro ay napariwara ang buhay. Naging lasenggo dahil hindi matanggap na ang babaeng ipinalit niya kay Deniece Cornejo ay may karelasyon din na iba. Hindi niya lang magawang iwanan dahil naaawa sa kanilang anak. Kinikimkim niya lang ang sama ng loob. Higit sa lahat nagsisisi sa ginawa kay Deniece Cornejo.


7 comments:

Joy said...

Happy ending. I loved it:)

Balut said...

I love the name of the characters - very intriguing

Mary Ann Carreon said...

Wow! ang galing ng imahinasyon mo.... Love it!

Linda said...

Such a lovely photo! :)

SunnyToast said...

how I loved happy ending:) nice work:)

SunnyToast said...

how I loved happy ending:) nice work:)

Tal | ThePinayWanderer said...

ahehe, controversial mga characters mo ah at happy ang ending ng story. yun kayang mga totoong personalidad, maging happy ending din? hehe...