Saturday, April 19, 2014

"Stop looking for perfect partner, just find someone who admits that they're lucky enough when they finally found you."


MARIA
Ni: Arvin U. de la Peña

Walong taon kang hindi nakita
Kagandahan mo hindi nasilayan
Sa bawat pagdaraan ko sa inyo
Di maiwasan ang hindi ka maalala.

Sa paglayo mo ay nangulila ako
Parang hindi ko tanggap pangibang bansa mo
Kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin
Sa puso ko mahal na mahal kita.

Kabataan natin lagi kong binabalik tanaw
Mga paglalaro sa kalsada at pagtataguan
Higit sa lahat ang maligo sa ulan o dagat
Kaysarap pagmasdan buhok mong nababasa.

Maria, salamat nakita at nakausap uli kita
Sumaya ako kahit nasira ang bahay sa bagyo
Kahit may asawa ka na
Pag-ibig ko sa iyo ay mananatili.

8 comments:

Joy said...

Very nice, but sad ending.
Happy Easter!

Dhemz Apdian - Dias said...

ayay, galing naman nito Arvin...not my kind of ending though....:) hope all is well..salamat sa dalaw!

Skyline Spirit said...

pretty nice blog, following :)

Laviña Jampit said...

wow. lalim mo ha. galing mo pala magsulat. :)

http://www.lavinajampit.blogspot.com

Laviña Jampit said...

wow. lalim mo ha. galing mo pala magsulat. :)

http://www.lavinajampit.blogspot.com

Laviña Jampit said...

wow. lalim mo ha. galing mo pala magsulat. :)

http://www.lavinajampit.blogspot.com

Balut said...

Sino po si Maria?

aian said...

Awww ang lungkot :((((