Wednesday, February 4, 2015

Pag-unawa

"It's hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does."



PAG-UNAWA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung kaya lang ibalik ang lahat
Nakaraan na kapiling ko ikaw
Lungkot kong dinaramdam wala sana
Hindi naghihinagpis na ikaw wala sa akin.

Ilang araw at gabi na rin akong tulala
Labis ang panghihinayang sa iyo
Ang minsan kong pagkahumaling sa iba
Ito ngayon ang naging kapalit.

Akin na lamang pinapanalangin
Patawarin ako sa aking nagawa
Kung bibigyan pa ng isang pagkakataon
Puso ko at isipan sa iyo na lang nakatuon.

Batid mang nasaktan ko ikaw
Nasugatan ko ang iyong damdamin
Tao lang ako na nagkakamali din
Kaya pag-unawa ang kailangan ko ngayon.

1 comment:

Palomah Madali said...

Awts! ngayon lang ulit ako nagbukas ng blog ko at ito ang unang binasa ko.... Isang katapangan ang pag amin sa nagawang kasalanan... Bakit hindi hingin muli ang kapatawaran ng personal, minsan din akong nagawan ng mali ng taong importante sakin... sadyang tunay na napakasakit oo... hindi namin kailan man iyon makakalimutan pero kaming mga babae, sorry lang at pangakong di na mauulit handa na kaming magpatawad ulit....