Sunday, April 5, 2009

Tunay Na Makabayan

TUNAY NA MAKABAYAN
Kay: Francis Magalona
Ni: Arvin U. de la Peña

Paalam na sa iyo
Hinahangaan ng maraming pinoy
Sa pamamagitan ng iyong kanta
Pinagkakaisa mo ang mga pilipino.

Isa ka na magandang halimbawa
Nang isang tunay na makabayan
May malasakit ka sa lupa
Na iyong kinagisnan at kinalakihan.

Kailanman ay di ka makakalimutan
Dahil nabubukod tangi ka
Ipinapakita mo at pinaparamdam
Pagmamahal mo ng lubos sa inang bayan.

Kahit ikaw ay wala na
Magsisilbi ka pa ring inspirasyon
Sa mga kapwa mo
Na may adhikain ng katulad sa iyo.

No comments: