Sunday, April 5, 2009

Pagbati

"Para po ang tulang ito sa newspaper na minsan ay napublish ang mga sinulat ko. Para sa anibersaryo nila."

PAGBATI
Ni: Arvin U. de la Peña

Malapit na ang inyong anibersaryo
Diaryo na hinahangaan ko at ng lahat
Malaman at siksik sa balita
Detalyado ang mga pag-uulat.

Dahil sa inyo
Kaya ako ay natutong magsulat
Naglakbay ang isipan ko
Sa mga kuwento at tula na pawang imahinasyon.

Sa bawat pagsusulat ko
Ay naiisip ko kayo
Pilipino Star Ngayon
Diaryo ko, diaryo ng masa.

Hangga't nandiyan kayo
Hangga't may bagong sibol kayo
Hangga't naririto pa ako
Patuloy akong magsusulat para sa inyo.

Mabuhay kayo PSN
Sana lalo pa kayong magtagumpay
At sa inyong anibersaryo
Binabati ko kayo!

No comments: