Sunday, April 5, 2009

Taong Grasa

"Minsan kailangan natin unawain kung bakit naging taong grasa ang isang tao."


TAONG GRASA
Ni: Arvin U. de la Peña

Naglalakad ako walang direksyon
Tumatawa ako sa inyo
Umaasa na papansinin
Nanghihingi ako para may makain.

Kinakawawa niyo ako
Okey lang sa akin
Ganito naman talaga ako
Wala na yatang pag-asa pa.

Napakabaho ko na sa inyo
Halos takpan ang ilong niyo
Kapag ako ay nadadaanan niyo
Wala kasi akong maliguan.

Wala na talaga akong silbi
Alam ko iyon ang nasa isip niyo
Dahil ako ay isa ng basura
Basurang naglalakad sa lipunan.

Taong grasa ako alam ko
Hindi ako katulad niyo
Ang buhay niyo ibang-iba sa akin
Ako ay ito ang aking mundo.

No comments: