Sunday, September 12, 2021

Sa Susunod Na Eleksyon


Sa susunod na eleksyon ay bumoto ng tama. Huwag bumoto dahil dahil siya ay sikat, kilala o mapera ay iyon na ang iboboto. Sa pagboto ay dapat kilatisin muna ano klase mayroon ang pagkatao niya. Ano ang background mayroon siya na karapat-dapat ba na maging isang public servant.

Nagkaroon ng pandemya dahil sa covid. Siguro naman naramdaman niyo kung sino sa inyong naglilingkod para sa bayan ang nagpakitang gilas o may ipinakita na pagtulong na maging hudyat para sa sunod na eleksyon ay puwede pang iboto. Siguro naramdaman niyo na kung malapit lang sa eleksyon sila ay nagpapapansin o kung ilang oras na ang halalan ay diyan na magbigay tulong sa pamamagitan ng pagbili ng boto o pagbigay ng kung ano.

Mahalaga ang halalan dahil dito nasusukat ang tao na magsisilbi para sa bayan o para sa bansa. Kung hindi boboto ng tama ay malaki ang epekto sa mga pilipino, sa mga susunod na henerasyon, sa mga nasasakupan ng bayan o ng mga lalawigan. Uso ngayon ang social media. Halos lahat ay mayroon cellphone o smartphone na puwede makabasa para sa isang politiko kung anong klase siya na pagkatao. Ang mga nababasa na ilan ay tiyak fake news. Kaya huwag na huwag agad maniwala sa kung anuman ang balita o nabasa para sa isang politiko dahil ang mga politiko ay mayroon silang mga tao na ang trabaho ay pabanguhin ang kandidato sa mga tao kahit na hindi mabango.

Oo sa halalan nakakatanggap nga ng pera. Pero ang pera na iyon ay ilang araw lang ay ubos na. Anim na taon o tatlong taon ang kapalit ay pera na naubos agad. At kung hindi pa mabuti ang pagserbisyo ay sakit sa ulo lang ang resulta para sa iyo. At sasabihin na lang na babawi sa susunod na eleksyon. 

Nasa huli minsan ang pagsisisi para sa naging pagboto sa isang kandidato. Pero kung boboto ng tama ay hindi iyon mangyayari para iyo.

Vote Wisely ika nga.


Monday, July 19, 2021

Wala Na Tayo - Rhexz Item I Hugot Music I OPM

 Ang composed kong kanta na 
Wala Na Tayo ay patungkol sa isang tao na nagmahal pero iniwanan. Kahit ganun na iniwan ay umaasa pa rin na magbabalikan. Malaki ang pasasalamat ko sa may ari ng
Rhexz Item TV na taga Cebu, isang youtuber, naiimbitahan din mga pag awit sa ibang lugar kasi pumayag siya na awitin ang composed kong kanta na siya na rin ang gumawa ng tugtog.

 

Monday, May 24, 2021

Buhay Ng Isang Ina

Ang sinulat ko pong kanta na ito ay para sa mga ina, para sa mga ulirang ina. Maraming salamat para sa Francis Francia vlog at pumayag siya na awitin ang sinulat kong kanta na ito. Sana ay magustuhan niyo.

Friday, March 12, 2021

IISANG DUGO

Sinulat ko ang kantang ito dahil sa minsan na paglalaban ng mga alagad ng batas at mga rebelde. Sana magkaroon na ng kapayapaan sa bawat panig.




Thursday, December 17, 2020

Kay Sarap Ng Pasko song by mark orozco & lyrics by arvin u. dela peña

Bukod sa hilig pagsulat ng mga maikling kuwento at mga tula ay hilig ko rin magsulat ng kanta. Dahil gusto ko maramdaman ang pakiramdam inaawit ang sinulat na kanta. 

watch and subscribe.....thanks

Tuesday, September 8, 2020

Pemberton

 


Ginawaran ni President Duterte si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon. Marami ang  tumuligsa o hindi nagustuhan ang ginawa ng pangulo. Si Pemberton ang pumatay kay transwoman Jennifer Laude. Bakit daw  palalayain gayong hindi pa niya  napagsisilbihan ng sakto ang parusa sa kanya. Ang mga iba naman ay nagsasabi na may mga karapat dapat ng makalaya pero hindi pa rin nabibigyan ng pardon. Dahil ba daw si Pemberton ay isang amerikano.

Ang pangulo ng Pilipinas ay may karapatan na magbigay ng pardon. Bawat nagiging pangulo ng bansa ay nagbibigay ng  pardon sa mga nakakulong na karapat dapat ng lumaya. Nagbigay ng paliwanag ang pangulo kung bakit niya binigyan ng pardon. Ang paliwanag sana ay intindihin at respituhin. 

Banyaga man o pilipino ang magkasala sa Pilipinas ang parusa ay ganun pa rin. Walang pagkakaiba na sakali kapag banyaga ay ilang taon lang makulong at kapag pilipino ay matagal pagkakulong. Parehas lang ang hatol. Kaya ang pag pardon ay ganun rin. Walang pinipili ang pag pardon, maging banyaga man o pilipino.

Ang pagkakulong kay Pemberton sana ay magsilbi ng aral na huwag basta pumatay ng tao. Lalo kung nalaman na niloko. Dahil dito sa mundo sadyang may mga pagkakataon na ang tao ay nagkukunwari o balatkayo matupad lang ang gusto.

 

Thursday, June 4, 2020

CORONA VIRUS



Corona Virus
Ni: Arvin U. de la Peña

Malaki ang naging epekto ng corona virus sa buhay ng mga tao. Ang di inaasahan na mangyayari na nakakatakot na maaaring sa mga pelikula lang makita ay naramdaman ng mga tao. Sa pagpatupad ng mga lockdown ay dapat sa bawat bahay ay isa lang ang puwede lumabas para makabili ng kung ano. Sarado pa minsan ang mga tindahan. Kung aasa naman sa mg bigay na relief goods ay di naman makakasya sa ilang linggo o buwan na ganun ang sitwasyon dahil ang mga bigay na relief goods ay pang isa o dalawang araw lang na kailangan ng mga tao sa bawat pamilya na mabigyan.

Social distancing o physical distancing ganun na ang nangyayari kapag nasa labas ng bahay may bibilhin o kahit walang bibilhin at nag uusap lang. Maging sa pagpunta ng simbahan ay ganun na rin. Ang ganun na patakaran kung patakaran man na masasabi ay hindi alam kung hanggan kailan gagawin. Napakaraming event na nakansela dahil sa corona virus. Napakaraming kompanya ang bumagsak dahil walang trabahong nangyayari.

Sa pangyayari na nagkaroon ng corona virus doon ay napag isip isip na mahalaga talaga ang may ipon na pera. Dahil kapag may ipon na pera ay may maibibili ka na pangangailangan. Hindi naman magagawa ng gobyerno na magbigay ng magbigay ng mga ayuda sa mga apektado ng corona virus.  Kahit may mga inaasahan na kamag anak o kapatid sa ibang bansa na puwede magbigay kung humingi ay hindi rin naman makabigay dahil halos lahat ng bansa may mga pag lockdown ding pinatupad. Pagpadala naman ng pera at pagkuha ay mahirap kasi maraming tao o sarado.

Ang corona virus ay virus na kung saan mapaminsala at nagbigay din ng leksyon sa mga tao. Sana lang kapag mayroon ng gamot ay pagtagal ay di magkaroon uli ng panibagong virus na makakapagbigay pangamba sa mga tao.