Tuesday, September 8, 2020

Pemberton

 


Ginawaran ni President Duterte si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ng absolute pardon. Marami ang  tumuligsa o hindi nagustuhan ang ginawa ng pangulo. Si Pemberton ang pumatay kay transwoman Jennifer Laude. Bakit daw  palalayain gayong hindi pa niya  napagsisilbihan ng sakto ang parusa sa kanya. Ang mga iba naman ay nagsasabi na may mga karapat dapat ng makalaya pero hindi pa rin nabibigyan ng pardon. Dahil ba daw si Pemberton ay isang amerikano.

Ang pangulo ng Pilipinas ay may karapatan na magbigay ng pardon. Bawat nagiging pangulo ng bansa ay nagbibigay ng  pardon sa mga nakakulong na karapat dapat ng lumaya. Nagbigay ng paliwanag ang pangulo kung bakit niya binigyan ng pardon. Ang paliwanag sana ay intindihin at respituhin. 

Banyaga man o pilipino ang magkasala sa Pilipinas ang parusa ay ganun pa rin. Walang pagkakaiba na sakali kapag banyaga ay ilang taon lang makulong at kapag pilipino ay matagal pagkakulong. Parehas lang ang hatol. Kaya ang pag pardon ay ganun rin. Walang pinipili ang pag pardon, maging banyaga man o pilipino.

Ang pagkakulong kay Pemberton sana ay magsilbi ng aral na huwag basta pumatay ng tao. Lalo kung nalaman na niloko. Dahil dito sa mundo sadyang may mga pagkakataon na ang tao ay nagkukunwari o balatkayo matupad lang ang gusto.