Thursday, May 23, 2019
Si Nanay at Ang Pangarap
Si Nanay at Ang Pangarap
Ni: Arvin U. de la Peña
Bata pa lamang ako ay ramdam ko na ang pagsakripisyo ng aking Nanay sa aming pamilya. Paggising sa umaga ay halos handa na ang lahat para sa aming pagkain. Siya na ang namamahala ng lahat dahil ang ang aking Tatay ay umagang umaga pa lang ay umaalis na para mamasada ng jeep. Kapag nagkakaroon ng away sa pagitan ng mga kapatid ko ay wala siyang kinakampihan. Kapwa niya kami pinapangaralan. Bago pumasok sa paaralan ay tinatanong kami kung kumpleto ba ang nasa loob ng bag dahil baka may naiwan.
Nang makatapos akong high school ay sinabihan niya ako na ang kunin kong kurso ay Bachelor of Science in Education. Dahil daw nais niya na ang hindi niya natupad sa buhay ay matupad ko. Gusto niya na makita sa sarili ko ang hindi niya nagawa. Iyon ay pagtuturo sa paaralan sa mga estudyante.
Habang may kaunting handa ng pagkain sa amin dahil sa pag graduate ko ay hindi ako mapalagay. Naging balisa ako sa araw na iyon, hanggang sa pagtulog. Iyon ay dahil ang gusto kong kurso ay Journalism. Dahil gusto ko na maging manunulat. Gusto ko na makapagtrabaho sa isang pahayagan.
Minsan may mga pagkakataon na habang ang aking Nanay ay naglalaba, nagluluto, o kaya nagwawalis ay gusto kong sabihin sa kanya ang gusto kong kurso. Pero nag-aalinlangan ako, kaya ang ginagawa ko na lang ay pumupunta sa mga kaibigan. At doon ay nakikipag usap sa kanila.
Sa pag simula ng enrollment sa Polytechnic University of the Philippines agad ay binigyan ako ng Nanay ko ng pang enrollment para sa kursong Bachelor of Science in Education. Umaga pa lang ay umalis na ako sa aming bahay dahil mga tatlong oras ang biyahe mula sa amin papunta sa paaralan. Bago pa umalis sa aming bahay ay sinabihan niya ako na mag-ingat at higit sa lahat ay sana raw ay matupad ko ang pangarap niya para sa akin. Pero ng nasa paaralan na ako ang kinuha kong kurso ay Journalism. At naghanap na rin ako ng boarding house dahil mahihirapan ako pag mag uwian dahil matagal ang biyahe.
Pag uwi ko sa bahay ay akala talaga ng Nanay ko ang kinuha kong kurso ay ang gusto niya para sa akin. Hindi ko sinabi sa kanya na Journalism ang kinuha kong kurso.
Habang nasa paaralan ay hindi ako nagsisi para sa kinuha kong kurso dahil iyon ang gusto ko. Ngunit may mga pagkakataon din na habang ako ay nasa paaralan ay naiisip ko si Nanay. Ano kaya ang mararamdaman niya pag nalaman na ibang kurso ang kinuha ko.
Nasa third year college na ako ng malaman ni Nanay na Journalism pala ang kinuha kong kurso. Sinabihan niya ako bakit daw hindi ko sinunod ang gusto niya. Paano na raw ang pangarap niya na sana ay makikita sa sarili ko. Ipinaliwanag ko ang lahat, pero hindi niya ako naintindihan. Naging masama na ang loob sa akin.
Mula noon ay nag iba na ang pakikitungo ng Nanay ko sa akin. Hindi na siya katulad ng dati na kapag umuuwi ako sa amin ay laging kinukumusta ang pag-aaral ko. Ganunpaman ay binibigyan pa rin niya ako ng allowance.
Nasa fourth year college na ako ng bigla habang nasa boarding house ay tinawagan ako sa cellphone ng aking kapatid na inatake daw sa puso ang Nanay at wala na raw. Dali-dali ay sumakay ako pauwi sa amin. Habang nasa bus ay malungkot ako at minsan ay napapaluha. Dahil hindi na makikita ng Nanay ko ang aking pagtatapos. Hindi na niya malalaman na tama ang desisyon ko na kunin ang kursong Journalism.
Pagdating sa bahay ay humagulgol ako ng iyak. Humigi ako ng tawad sa kanya na hindi ko ipinaalam sa una pa lang na Journalism ang kinuha kong kurso. Nang siya ay ihatid na sa huling hantungan ay ipinangako ko sa kanya na magtuturo din ako sa mga estudyante.
Lumipas ang buwan at ako ay nakapag graduate ng kursong Journalism. Mapalad naman ako at natanggap agad sa isang pahayagan. Laking pasasalamat ko na agad ay ipinagkatiwala sa akin ang magiging isang column sa diaryo na "Sulat Estudyante". Isang espasyo sa diaryo na kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante sa iba't ibang paaralan sa bansa na ibahagi ang sinulat nilang maikling kuwento, poems, o kaya tula sa pamamagitan ng pag email sa akin kasama ng home address at pangalan ng paaralan. At ang mapipili ko para mapublish sa diaryo dahil maganda ang pagkakasulat ay bibigyan ng 500 pesos na ipapadala sa nagsulat na estudyante kung malayo ang lugar o kaya kung malapit lang ay pupunta lang ng opisina na may dalang valid ID kasama ng diaryo na napublish at makukuha na ang bayad. Sa unang arangkada ng "Sulat Estudyante" ay mga sinulat ko pa lang ang napapublished pero pagtagal ay sa mga estudyante na dahil marami na ang nakaalam.
Sa ganun na paraan ay para na rin akong nagtuturo sa mga estudyante na mahasa ang talento nila sa pagsulat. Ang mga estudyante na nagpapadala ng sinulat nila sa email ko ay laging inaabangan ang diaryo dahil baka naroon at napublished ang sinulat nila. Nang sa ganun ay bumili ng diaryo at maipagmalaki sa kanilang mga magulang, mga kapatid, at mga kaibigan. Dahil hindi biro ang ganun. Pagkat marami ang nagpapadala bawat araw at mapalad talaga kapag napili para mapublished sa mga susunod na araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Hi Selina
i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.
You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.
I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com
Kumusta Selina
ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.
Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.
AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com
Công ty sản xuất bao pp dệtChúng tôi chuyên sản xuất và xuất khẩu các loại bao pp dệt đầy đủ kích thước và màu sắc
Post a Comment