Wednesday, March 22, 2017

Liparin (tula para sa batch 2017)

Ang sinulat kong ito ay handog ko para sa mga magtatapos ng kolehiyo ngayong taon. Good Luck sa inyong lahat. Good Luck sa panibagong yugto ng buhay niyo.



LIPARIN ( tula para sa batch 2017)
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa inyong lahat na magtatapos
Liparin niyo pangarap sa buhay
Marami mang maging sagabal
Pilitin na ito ay malampasan.

Mula pagkabata na ambisyon
Masarap kung ito ay matutupad
Mithiin ng inyong mga magulang
Huwag hayaan na masayang.

Pakikipagsapalaran ay inyong kayanin
Ang makamit ang pangarap ay hindi madali
Katulad ng ibang mga nagtagumpay
Sa hirap ay dumaan din sila.

Huwag mawalan ng pag-asa
Kung hindi man matanggap sa trabaho
Lagi niyo lang na tandaan
Ang pagtagumpay ay hindi sabay-sabay.

Katulad ng ibong agila
Mataas na liparin ang inyong pangarap
Sakali mang magtagumpay na sa buhay
Lingunin ang inyong pinanggalingan.

Saturday, March 4, 2017

ENDO

"Love your work. Mahalin mo ang iyong trabaho. Dahil sa pinagtratrabahuan mo ay doon ka nagkakaroon  ng pera para pang gasto sa sarili at sa pamilya."



ENDO
Ni: Arvin U. de la Peña

Hanggang ngayon usapin pa rin ang tungkol sa ENDO o end of contract. Nais ng gobyerno na matigil na iyon. Kung ako naman ang tatanungin ay hindi ako pabor sa ganun. Gusto ko na may end of contract pa rin. Depende kung ilang buwan ang patakaran ng kompanya, pabrika, o establisiyemento. Kahit may ENDO ay may mga nareregular naman lalo kung mabuti ang performace at nagustuhan ng namamahala.

Simple lang ang dahilan ko kung bakit hindi ko gusto matigil ang ENDO. Kawawa ang mga estudyante na mag graduate ng college o gusto na mag trabaho kung wala na ang ENDO. Halimbawa na lang sa isang lugar ay may 50 na kompanya, pabrika, o establisiyemento. Kung ang lahat na nagtrabaho doon ay maregular ay wala ng pupunta doon para mag apply ng trabaho kasi bawat kompanya, pabrika, o establisiyemento ay mga  manggagawa na o trabahador. Ang bawat pinagtratrabahuan ay may limit kung ilan ang magiging empleyado. Dahil kung sobrang dami ang empleyado ay malugi din sila.

Bakit hindi iyon maisip ng gobyerno na paano na ang ibang mga tao na gusto magtrabaho na wala ng matrabahuan dahil may mga trabahador na. Ang paghintay naman na may mga mag retire para mabakante ang puwesto ay matagal. Kung sabihin naman na may mga bagong kompanya, pabrika, o establisiyemento na magbukas at makakakuha ng maraming trabahador ay ganun din ang mangyayari. Darating ang araw na wala na rin mag apply kasi wala ng bakante. Kung magkaroon man ng bakante ay matagal muna kasi maghintay na may mag retire o huminto na sa pagtrabaho dahil napapagod na o gusto ng ibang trabaho.

Ang mabuting dapat gawin ng gobyerno ay ipatigil na sa mga kompanya, pabrika, o establisiyemento ang age limit sa mga aplikante o kaya taasan ang age limit. Hindi po kasi mabuti na may mga job hiring na ang age limit ay 18-30 years old, 18-35 years old o ano pa. Ang mga tao na ang edad ay 40-50 dapat puwede pa rin na mag apply as long na kaya niya ang gawain, physically fit.

Sa buhay, kailangan na handa tayo sa hamon. Nakahanda na harapin anumang pagsubok. Kapag natapos na ang kontrata o na ENDO sa pinapasukang trabaho ay mag apply uli sa iba. Marami naman ang puwede na pag trabahuan. Mahirap ang ganun sa umpisa pero kung matanggap sa inaplayan ng trabaho ay kasiyahan naman ang dulot. Napakaraming kompanya, pabrika, o establisiyemento na puwede pagtrabahuan. Kahit bawat buwan iba-ibang kompanya, pabrika o establisiyemento ang pagtrabahuan ay hindi lahat mapapasukan dahil sobrang dami. Kaya hangga't maaari ay magpakabuti sa pagtrabaho saan ka man na kompanya, pabrika, o establisiyemento, malay mo magustuhan ka at gawing regular.