Tuesday, March 4, 2014
Doon Lang
DOON LANG
Ni: Arvin U. de la Peña
Isang araw ay nagkayayaan ang barkada na mag beach. Siyempre doon ay nag inuman kami. Katulad ng kung nag iinuman dati ay kung ano anong usapan ang napag-uusapan namin. Hanggang sa mapagpasyahan na mag videoke kami kasi may videoke naman doon at lumipat nga kami ng puwesto na may videoke. Pagpasok namin ay marami ang tao sa loob at marami ang nakasunod na kakantahin pa. Pag-upo namin ay kinuha ang song book ng isang kaibigan at pumili na kami ng gustong kanta. Hanggang sa dumating na ang time na grupo na namin ang kakanta. Pagkatapos kumanta ng iba kong kaibigan ay ako naman ang kumanta at ang inawit ko ay ang Doon Lang.
Pagkatapos kong umawit ay muli nag usap-usap kami kasi ako ang huli na umawit sa grupo namin. Sa hindi ko inaasahan ay may lumapit sa akin na lalaki dala ang isang case ng beer na dala ng waiter para ko lang uli awitin ang Doon Lang kasi request daw ng tatay niya. Nabigla ako sa sinabi niya pati na ang mga kaibigan ko. Kasi agad pumasok sa isip ko nagustuhan yata ang pag awit ko ng Doon Lang. Dahil sa hindi na makatanggi sa alok ay inawit ko uli ang Doon Lang.
Kung natapos ko ang aking pag-aaral
Disin sana'y mayron na akong dangal
Na ihaharap sa'yo at ipagyayabang
Sa panaginip lang ako may pagdiriwang
Yaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking ina ang tangi kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa
Habang umaawit ako ay tumitingin din ako sa puwesto ng nagpaawit sa akin. Doon ay kita ko na ang lalaki na matanda na ay napapaluha habang umaawit ako. Lalo na ng awitin ko ang chorus.
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Kung 'di dahil sa barkada ay tapos ko na
Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga
Sa awitin kong ito mo lang madarama
Mga pangarap kong walang pangagamba
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Pagkatapos kong kumanta ay palakpakan ang nasa loob. At naglakas loob akong lapitan ang puwesto ng nagrequest sa akin na awitin uli ang kanta na iyon kasi napapaluha ang matanda. Nang kumustahin ko siya kung okey lang ay hindi sumagot. At ang lalaki na anak niya ang nagsalita na okey lang ang tatay niya. Hindi na raw makapagsalita kasi nagkaroon ng mild stroke. At doon nagkuwento ng gustong-gusto raw ng tatay nila ang kanta na Doon Lang kasi kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay umasenso ang buhay nila. Ang nanay lang nila ang nagkaroon ng trabaho na maganda dahilan para sila ay umasenso sa buhay. Ang tatay lang daw nila ang namahala sa negosyo na ang pera galing sa nanay nila. Umasenso raw sila sa negosyo dahil kahit hindi nakatapos ng pag-aaral ang tatay nila ay masipag naman at alam kung paano mamahala sa negosyo. Doon naliwanagan ako sa sinabi. Iyon pala ang dahilan.
Nang bumalik ako sa puwesto namin ay kinuwento ko sa mga kaibigan kung ano ang dahilan ng pag luha ng matanda. At ng aalis na sila ay muli lumapit sa akin ang lalaki at pinasalamatan ako.
Sa buhay maraming tao ang nagsisi dahil hindi sila nakatapos ng pag-aaral. Pero mas maraming tao ang kahit hindi nakatapos ng pag-aaral ay maganda at maayos ang kalagayan. Minsan hindi nasa pinag-aralan ang pag asenso, kundi nasa diskarte kung paano kumita ng pera para mabuhay ng maayos pa sa may pinag-aralan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Very touching ang post na eto. Yes, I remember that song. Sayang, di ko narinig boses mo.
Tama ka. Success is not defined by education or popularity, but by not forgetting where we come from and who we are.
Ang lakas maka FPJ ng kantang yan :)
hind man hinuhubog na edukasyon ang magiging hinaharap ng isang tao, ito ay isa pa ring paraan upang iangat ang ating sarili at kinabukasan at ang edukasyon ay di lamang sa paaralan, ang buhay ay isang edukasyon, gaya ng sa matanda sa iyong kwento, buhay ang kanyang edukasyon at sya ay isang magaling at huwarang mag-aaral.
anyway, salamat sa pagdalaw sa lungga ko Arvin, sensya na at di laging nakakadalaw dito, sobrang abala lang talaga sa trabaho. :)
Senti yong kanta, pero tama ka Arvin, sa hirap ng buhay ngayon at sa laki ng populasyon, nasa diskarte ang pag-unlad.
love that song, Arvs! nice to have you back...
kimmy came here!
Post a Comment