Sa mga nakilala ko sa blog ng ilang taon ay pasensya at hindi na ako madalas mag post sa blog. Hindi na rin ako makapunta palagi sa blog niyo. Bukod sa Super Typhoon Yolanda na nangyari na nasira ang bahay namin pero naayos pagkaraan ng limang buwan ay may mga pinagkakaabalahan pa ako na iba.
Madalas marinig sa radio ang boses niya. Ginusto ko na maging bahagi ng blog ko. Search ko sa facebook, nag message ako at mabuti ay pumayag. Mula sa DYVL Aksyon Radio Tacloban siya si Joyce Tabones Catubao para sa Showbiz portion ng radio.
"A real man is not measured on how many girls he had. It's about how he fight temptation in order not to hurt the only girl he love. "
PANGARAP NA MAHALIN
Ni: Arvin U. de la Peña
Hirap at pagod kinakaya ko
Pag-ibig mo ang lagi kong inspirasyon
Sikat ng araw ay balewala
Dahil ang init ay lumalamig kapag naiisip ka.
Maraming puso ginusto pagmamahal ko
Ngunit kahit isa wala akong pinansin
Dahil ang mundo ko sa iyo lang umiikot
Wala akong ibang mamahalin.
Bawat araw lagi kong hiling
Matutunan mo akong mahalin
Sa puso ay masabing mahal mo rin ako
Dahil mahal na mahal kita.
Ikaw lang at walang iba ang hangad ko
Pangarap na makasama sa buhay
Pagkat nakaukit ka na sa puso
Ikaw lang ang nag-iisa sa akin.
Mangyari mang mahalin mo ako
Makakaasa kang maging tapat ako
Hindi ko hahayaang masaktan ka
Kirot sa puso mo ay tinik sa dibdib ko.
Monday, November 10, 2014
Tuesday, June 3, 2014
Gintong Pag-ibig ( The Vhong Navarro, Cedric Lee, and Deniece Cornejo love affair)
"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."
GINTONG PAG-IBIG
( The Vhong Navarro, Cedric Lee, and Deniece Cornejo love affair)
Ni: Arvin U. de la Peña
Bata pa lamang si Cedric Lee ay labis na ang paghanga niya sa magandang kababata na si Deniece Cornejo. Kapag sila ay naglalaro ay nasisiyahan talaga siya kapag nahahawakan ang kamay ni Deniece Cornejo. Nakakaramdam siya ng pagseselos kapag niyayaya si Deniece Cornejo ng isa ring kababata nila na si Vhong Navarro na magbisikleta. Iyon ay dahil wala silang biseklita dahil mahirap lamang sila. Inggit na inggit siya kapag nakikitang palayo na sina Deniese Cornejo at Vhong Navarro para mamasyal. Doon ay nasasabi niya sa sarili na kung may pera lang sila pambili ng biseklita ay lagi rin sana silang mamamasyal ni Deniece Cornejo.
Minsan isang araw umuwi si Cedric Lee sa kanilang bahay at nakita niya na nag-aaway ang nanay at tatay niya dahil sa pera. Kitang-kita niya kung paano sinampal ang nanay niya ng kanyang tatay ng sumagot-sagot. Nang makita niya iyon ay pinangako niya sa sarili na iaahon sa hirap ang pamilya nila.
Nang makatapos si Cedric Lee ng hayskul ay sinabihan siya ng nanay niya na sa Maynila mag-aaral ng kolehiyo at doon titira sa tiyahin niya na nagbakasyon dahil siya ang magpapaaral. Isang araw bago ang pag-alis ni Cedric Lee papuntang Maynila kasama ang tiyahin niya ay pumunta muna siya sa bahay nila Deniece Cornejo. Nag-usap sila ng maayos, pinagtapat ni Cedric Lee ang nararamdaman niya kay Deniece Cornejo. Sinabihan na mahal na mahal at umaasa na tatanggapin ang pag-ibig niya balang araw.
Nag-aral ng mabuti si Cedric Lee sa Maynila. Lagi siyang nangunguna sa klase para sa kursong Engineering. Inspirasyon niya sa pag-aaral ang pamilya at si Deniece Cornejo.
Malapit ng mag graduate si Cedric Lee ng mabalitaan niya mula sa pinsan niya na pumunta ng Maynila na sina Deniece Cornejo at Vhong Navarro ay magkasintahan na. Palagi raw magkasama. Nalungkot si Cedric Lee ng marinig iyon.
Pagka graduate ni Cedric Lee sa kursong Engineering bilang cum laude ay agad umuwi siya sa kanilang lugar. Sakay siya ng traysikel papunta sa kanilang bahay ng makita na magkasama sina Vhong Navarro at Deniece Cornejo. Muli ay nalungkot siya at nasabi sa sarili na totoo pala ang sinabi ng pinsan niya. Kinagabihan ay pinuntahan ni Cedric Lee si Deniece Cornejo sa kanilang bahay. Doon ay nag-usap uli sila. Sinabi uli ni Cedric Lee ang kanyang nararamdaman kay Deniece Cornejo. Ang mga plano sa buhay, higit sa lahat gusto na mapangasawa. Bago umalis si Cedric Lee ay sinabihan niya si Deniece Cornejo na hindi na siya magmamahal ng iba at kung sakali na magkahiwalay sila ni Vhong Navarro ay pagsabihan lang siya.
Pagbalik ni Cedric Lee sa Maynila ay nakapagtrabaho agad siya sa isang construction company. Naging seryoso masyado si Cedric Lee sa kanyang trabaho. Bawat buwan ay nagpapadala siya ng pera sa kanyang mga magulang. Hanggang si Cedric Lee ay maging isang contructor. Naging contructor siya ng mga kalsada, pier at iba pa na malalaking proyekto. Naging mabilis ang pagyaman ni Cedric Lee. Pero kahit mayaman na siya ay hindi siya nanligaw ng iba. Dahil wala siyang ibang mahal kundi si Deniece Cornejo.
Sa pagyaman ni Cedric Lee ay tinutulungan niya ang mga nangangailangan. Bawat lumalapit sa kanya para humingi ng tulong ay hindi nabibigo. Kapag nakakapanood siya ng tv at may nangangailangan ng tulong ay tinatawagan niya ang istasyon para siya na ang bahalang tumulong. Ang mga kamag-anak niya kung may kailangan man sa kanya lalo pagdating sa pera dahil may negosyo na papasukin ay binibigyan niya ng pera. Buong bansa ay nakilala si Cedric Lee bilang isang matulungin na tao, hindi madamot sa pera.
Isang araw habang nakahiga si Cedric Lee ay may tumawag sa kanyang cellphone. Hindi nakaphonebook kaya nagtaka siya kung sino. Pagsagot niya sa tawag ay narinig niya agad ang babaeng umiiyak. Nang magtanong siya kung sino at sabihin na si Deniece Cornejo agad ay nagulat siya kung bakit umiiyak. Tinanong agad niya si Deniece Cornejo kung bakit umiiyak. Nang sabihin ni Deniece Cornejo na si Vhong Navarro ang dahilan ng kanyang pag-iyak dahil nakipaghiwalay sa kanya pagkat nakahanap ng iba agad ay nagulat si Cedric Lee dahil akala niya ay hindi na maghihiwalay sina Deniece Cornejo at Vhong Navarro. Sinabihan ni Cedric Lee si Deniece Cornejo na huwag ng umiyak dahil nariyan siya handang magmahal.
Kinabukasan agad ay sumakay ng eroplano si Cedric Lee pabalik ng probinsya para puntahan si Deniece Cornejo. Nang makaharap na ni Cedric Lee si Deniece Cornejo sa kanilang bahay agad ay niyakap niya ito at sinabihan na pakakasalan. Hindi naman tumanggi si Deniece Cornejo sa sinabi ni Cedric Lee dahil alam niya na noon pa mang bata pa sila ay mahal na siya. May gintong pag-ibig na sa kanya si Cedric Lee.
Ikinasal sina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Nagkaroon ng mga anak. Naging maayos masyado ang buhay nila. Habang si Vhong Navarro ay napariwara ang buhay. Naging lasenggo dahil hindi matanggap na ang babaeng ipinalit niya kay Deniece Cornejo ay may karelasyon din na iba. Hindi niya lang magawang iwanan dahil naaawa sa kanilang anak. Kinikimkim niya lang ang sama ng loob. Higit sa lahat nagsisisi sa ginawa kay Deniece Cornejo.
Saturday, April 19, 2014
"Stop looking for perfect partner, just find someone who admits that they're lucky enough when they finally found you."
MARIA
Ni: Arvin U. de la Peña
Walong taon kang hindi nakita
Kagandahan mo hindi nasilayan
Sa bawat pagdaraan ko sa inyo
Di maiwasan ang hindi ka maalala.
Sa paglayo mo ay nangulila ako
Parang hindi ko tanggap pangibang bansa mo
Kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin
Sa puso ko mahal na mahal kita.
Kabataan natin lagi kong binabalik tanaw
Mga paglalaro sa kalsada at pagtataguan
Higit sa lahat ang maligo sa ulan o dagat
Kaysarap pagmasdan buhok mong nababasa.
Maria, salamat nakita at nakausap uli kita
Sumaya ako kahit nasira ang bahay sa bagyo
Kahit may asawa ka na
Pag-ibig ko sa iyo ay mananatili.
MARIA
Ni: Arvin U. de la Peña
Walong taon kang hindi nakita
Kagandahan mo hindi nasilayan
Sa bawat pagdaraan ko sa inyo
Di maiwasan ang hindi ka maalala.
Sa paglayo mo ay nangulila ako
Parang hindi ko tanggap pangibang bansa mo
Kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin
Sa puso ko mahal na mahal kita.
Kabataan natin lagi kong binabalik tanaw
Mga paglalaro sa kalsada at pagtataguan
Higit sa lahat ang maligo sa ulan o dagat
Kaysarap pagmasdan buhok mong nababasa.
Maria, salamat nakita at nakausap uli kita
Sumaya ako kahit nasira ang bahay sa bagyo
Kahit may asawa ka na
Pag-ibig ko sa iyo ay mananatili.
Tuesday, March 4, 2014
Doon Lang
DOON LANG
Ni: Arvin U. de la Peña
Isang araw ay nagkayayaan ang barkada na mag beach. Siyempre doon ay nag inuman kami. Katulad ng kung nag iinuman dati ay kung ano anong usapan ang napag-uusapan namin. Hanggang sa mapagpasyahan na mag videoke kami kasi may videoke naman doon at lumipat nga kami ng puwesto na may videoke. Pagpasok namin ay marami ang tao sa loob at marami ang nakasunod na kakantahin pa. Pag-upo namin ay kinuha ang song book ng isang kaibigan at pumili na kami ng gustong kanta. Hanggang sa dumating na ang time na grupo na namin ang kakanta. Pagkatapos kumanta ng iba kong kaibigan ay ako naman ang kumanta at ang inawit ko ay ang Doon Lang.
Pagkatapos kong umawit ay muli nag usap-usap kami kasi ako ang huli na umawit sa grupo namin. Sa hindi ko inaasahan ay may lumapit sa akin na lalaki dala ang isang case ng beer na dala ng waiter para ko lang uli awitin ang Doon Lang kasi request daw ng tatay niya. Nabigla ako sa sinabi niya pati na ang mga kaibigan ko. Kasi agad pumasok sa isip ko nagustuhan yata ang pag awit ko ng Doon Lang. Dahil sa hindi na makatanggi sa alok ay inawit ko uli ang Doon Lang.
Kung natapos ko ang aking pag-aaral
Disin sana'y mayron na akong dangal
Na ihaharap sa'yo at ipagyayabang
Sa panaginip lang ako may pagdiriwang
Yaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking ina ang tangi kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa
Habang umaawit ako ay tumitingin din ako sa puwesto ng nagpaawit sa akin. Doon ay kita ko na ang lalaki na matanda na ay napapaluha habang umaawit ako. Lalo na ng awitin ko ang chorus.
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Kung 'di dahil sa barkada ay tapos ko na
Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga
Sa awitin kong ito mo lang madarama
Mga pangarap kong walang pangagamba
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang
Pagkatapos kong kumanta ay palakpakan ang nasa loob. At naglakas loob akong lapitan ang puwesto ng nagrequest sa akin na awitin uli ang kanta na iyon kasi napapaluha ang matanda. Nang kumustahin ko siya kung okey lang ay hindi sumagot. At ang lalaki na anak niya ang nagsalita na okey lang ang tatay niya. Hindi na raw makapagsalita kasi nagkaroon ng mild stroke. At doon nagkuwento ng gustong-gusto raw ng tatay nila ang kanta na Doon Lang kasi kahit hindi siya nakatapos ng pag-aaral ay umasenso ang buhay nila. Ang nanay lang nila ang nagkaroon ng trabaho na maganda dahilan para sila ay umasenso sa buhay. Ang tatay lang daw nila ang namahala sa negosyo na ang pera galing sa nanay nila. Umasenso raw sila sa negosyo dahil kahit hindi nakatapos ng pag-aaral ang tatay nila ay masipag naman at alam kung paano mamahala sa negosyo. Doon naliwanagan ako sa sinabi. Iyon pala ang dahilan.
Nang bumalik ako sa puwesto namin ay kinuwento ko sa mga kaibigan kung ano ang dahilan ng pag luha ng matanda. At ng aalis na sila ay muli lumapit sa akin ang lalaki at pinasalamatan ako.
Sa buhay maraming tao ang nagsisi dahil hindi sila nakatapos ng pag-aaral. Pero mas maraming tao ang kahit hindi nakatapos ng pag-aaral ay maganda at maayos ang kalagayan. Minsan hindi nasa pinag-aralan ang pag asenso, kundi nasa diskarte kung paano kumita ng pera para mabuhay ng maayos pa sa may pinag-aralan.
Thursday, February 6, 2014
Signal Number 5. Super Typhoon Yolanda
Pagkatapos ng bagyong Yolanda ay ngayon pa lang nagkaroon ng internet sa aming lugar. Kaya ngayon pa lang uli ako nakapag blog. Sa mga naging bahagi sa blog ko sa nakalipas na taon ay maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa mga ginawang pagpunta sa blog ko.
SIGNAL NUMBER 5: SUPER TYPHOON YOLANDA
Ni: Arvin U. de la Peña
Naramdaman ko ang lakas ng bagyong Yolanda. Ang hangin niya ay may tunog. Parang sumisipol katulad ng ginagawa ng isang lalaki kapag may dumaraan na magandang babae para mapansin. Samahan pa na parang may ipo-ipo ang hangin. Maging ang mga sementong bahay ay hindi nakaligtas sa bagsik ng bagyo. Napakaraming magandang bahay sa Leyte at Samar na semento ang pagkatapos ng bagyo ay nasira o kaya ay nawalan ng bubong. Ang mga bakal ay nagkayupi-yupi, ang mga yero ay nagliparan. Napakarami ding punong kahoy ang natumba. Ang ibang mga niyon kundi man matumba ay napuputol dahil sa lakas ng hangin. At halos lahat ng puno na hindi natumba ay nawalan ng dahon. Kawawa pati ang mga ibon dahil walang madapuan kapag gabi.
Kung nasira ang mga sementong bahay ay ano pa kaya ang mga bahay na kahoy at pawid lang. Katulad ng bahay namin na kahoy at pawid lang. Ang bahay na kung saan pinalaki kaming magkakapatid ng aming mga magulang ay sinira ng bagyo. Napakaraming bagyo ang pinagdaanan ng bahay namin pero ang bagyong Yolanda lang ang nagwasak. Ang mga ibang bagyo ang pinsala sa bahay namin ay nakukuhaan lang ng pawid. Dahil doon ay puwede pang matirhan dahil madali naman makabili ng pawid. Pero sa bagyong Yolanda ay hindi na talaga puwede pang matirhan. Kailangan ng gumawa ng bagong bahay dahil tumagilid.
Ganunpaman ang bagyong Yolanda ay ayos din para sa akin. Hindi dahil sa marami ang nasawi. Kundi dahil pagkatapos ng bagyo ang lahat ay naging pantay-pantay muna. Mayaman o mahirap ay pansamantalang nagkapantay-pantay. Pagkatapos ng bagyo at ilang araw pa kahit marami kang pera ay walang halaga iyon ay dahil wala kang mabibilhan. Pagkain, gasolina o anu pa. Lalo na sa Tacloban City at kalapit na lugar. Karamihan na tao pumupunta pa sa ibang lugar. Nagbabakasakali ng makabili at pag hindi makabili pupunta sa ibang lugar naman. Dahil din sa bagyong Yolanda ang lahat ay nakaramdam ng takot, mayaman man o mahirap. Kasi kung signal number 1, 2, o kaya 3 lang na bagyo hindi iyon masyadong ramdam ng mga mayaman na nakatira sa sementong bahay lalo na kung maganda talaga ang pagkakagawa. Pero sa bagyong Yolanda ay nakaramdam ng takot dahil ang bubong kung hindi man ilipad ang mga yero ang iba ay bumabagsak kasama ang bakal o kaya ang kahoy na pinagpakuan ng yero.
Kung signal number 1, 2, o kaya 3 lang din na bagyo pagkatapos niyan ay hindi apektado ang mga mayaman. Mamaliitin pa ng ilang mayaman ang mga mahirap lalo na ang mga nakatira sa kahoy at pawid lang na bahay. Iyon ay dahil likas na sa ibang mga Pinoy ang pagiging matapobre. Sa isipan nila ay magsasabi na "kung semento ang bahay niyo at yero ang bubong ay hindi sana matutuluan ng ulan dahil sa bagyo." Ang mga ganun na salita o kahalintulad ay hindi iyon naiisip ng ibang mga mayayaman kung bakit ang bahay ng mahirap ay hindi katulad ng sa kanila. Hindi nakikisalamuha ang mga mayayaman sa mahihirap pagkatapos ng bagyo kung signal number 1, 2, o kaya 3 lang. Binabalewala lang ang mga nasiraan ng bahay. Iyon ay dahil hindi sila nasisiraan ng bahay. Pero sa bagyong Yoalanda nakisalamuha sila lalo na sa paghanap ng mga yero nila na nilipad ng malakas na hangin. Dahil lahat ay apektado ay nagkaroon ng mga pag-uusap. Iyon ang nakaganda pagkatapos ng bagyo. Dahil din sa bagyong Yolanda ang ibang mayayaman ay natuto na pumila o tumanggap ng mga relief goods.
Pantay-pantay tayo ng maisilang. Walang saplot sa katawan. Dapat sa kalamidad na nararanasan at nararamdaman ng bawat isa ay pantay-pantay din. Walang mayaman, walang mahirap.
Subscribe to:
Posts (Atom)