Teacher: Kumusta na, saan ka pupunta?
Student: Diyan po ma'm sa mataas na building kasi diyan ako mag aapply ng trabaho.
Teacher: Ha! Mag apply ka iyan ang suot mong sapatos, pangit ng tingnan. Eh noon pa iyon noong nag-aaral ka pa.
Student: Ma'm hindi po ako bibili ng bagong sapatos hanggat wala pa akong nahahanap na trabaho.
LUMANG SAPATOS
Ni: Arvin U. de la Peña
Maraming hakbang kang ginamit
Kung saan lang mapadpad
Sa mga nalaman ko at natutunan
Halos palagi kitang suot.
Tag-araw man o tag-ulan
Hindi kita nakakalimutan
Dahil ikaw ay nag-iisa lang
Walang pambili ng bago.
Anumang okasyon ang daluhan
Hindi ko ikaw ikinakahiya
Humaharap ako sa kanila ng maayos
Magagandang tulad mo ang suot.
Ngunit ngayon ay iba na
Hindi ka na puwede pang gamitin
Dahil masyado ka ng nasira
Sa paglipas ng ilang taon.
Luma kong sapatos maraming salamat
Malaki ang naging tulong mo sa akin
Naging kasama ko ikaw
Maabot mga pangarap sa buhay.