Monday, October 8, 2012

Blog 4th anniversary

"We have only one birthday, all the rest are anniversary."


Ito ngayon ang pang 4th anniversary ng blog ko. Pagkatapos kong magkaroon ng blog war ay nakaugalian ko na kung sino man ang madalas mag comment sa blog ko bukod sa ka exchange link ay nilalagay ko ang pangalan at site ng blog nila sa e-mail ko. Kapag may bagong blogger na mahilig din mag comment sa post ko ay copy paste ko ang nasa e-mail at ilagay ang bago at send sa e-mail ko rin. Kapag gusto ko mag punta sa mga blog ay madalas sa e-mail ako dumaraan. Mula sa sent items ay doon click ko ang bloggers list at kung click ko ang isang nasa lista ay makita na ang blog niya. Minsan lang ako mag punta sa isang blog na sa blog list ako dumadaan. Kung bakit ko ginawa na isave sila na mahilig mag comment sa blog ko ay dahil tumatanaw ako ng utang na loob sa kanila sa mga pagbisita nila sa blog ko lalo na sa pag comment nila.

Visit me and I will visit you. Ganun ako sa blog world. Mas inuuna kong bisitahin ang mga nasa lista ko sa e-mail na mga bloggers kaysa sa iba. Noong October 8, 2010 ng mag post ako para sa 2nd anniversary ng blog ko ay 112 pa lang iyan na mga bloggers. Nasa comment sila nakalagay. Ngayon ay 315 na at ang masabi ko ay marami ang nadagdag. Pero sa mga iyan na makita niyo na mga bloggers list ko ang ilan sa kanila ay hindi na aktibo sa pag blog. Ang iba naman ay di na makita ang blog. Higit sa lahat marami sa kanila ang hindi ko na ramdam ang pagpunta nila sa blog ko. Ganun pa man ay nauunawaan ko sila. Siguro mauunawaan din nila ako kung bakit bihira na rin lang ako magpunta sa blog nila. Wala akong sama ng loob na hindi na sila katulad ng dati. Kasi mayroon din naman bloggers na masasabi kong hindi ako tinalikuran at alam ko naman na may mga iba pang darating na masasabi kong magiging kaibigan sa blog.

Para sa 4th anniversary ng blog kong ito ay nais kong pasalamatan ang lahat na bloggers na nasa lista. Salamat at naging bahagi kayo ng blog kong ito. Sakali mang  dumating ang araw na magsasawa na kayo sa pagpunta sa blog ko ang masabi ko lang ay salamat at minsan naging bahagi kayo ng Written Feelings.

At nasa comment po ang lista ng mga bloggers na nais kong pasalamatan.

Wednesday, October 3, 2012

Cybercrime Law


CYBERCRIME LAW
Ni: Arvin U. de la Peña

Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa pagsasabatas ng Cybercrime Law dahil sa pagkakasingit ng libel. Hindi nga naman tama iyon. Dahil labag sa saligang batas under bill of rights. Higit na masakit ay dahil mas mabigat pa ang magiging kaparusahan sa ilalim ng Cybercrime Law sa libel case kumpara sa nasa saligang batas.

Ninais ni Ninoy na mapatalsik si Marcos para din maging malaya ang mga Pilipino. Magkaroon ng freedom of expression, freedom of speech. Nagtagumpay iyon ng mapatalsik si Marcos at maging pangulo si Cory. Bumalik sa pagiging demokrasya ang bansang Pilipinas. Ngayon nasaan ang pagiging demokrasya ng ating bansa kung mayroon Cybercrime Law na puwede doon makasuhan ng libel. Kung buhay lang si Ninoy at Cory siguro hindi iyon matutuwa na pinirmahan ng anak nila na pangulo ng bansa para maging ganap na batas ang Cybercrime Law.

Tuwid na daan ganun ang sinusulong ng kasalukuyang gobyerno, ang gobyerno ni Pnoy. Ngunit tuwid na daan ba ang pagkakatatag ng Cybercrime Law? Hindi ang sagot, dahil sa baluktot na daan iyon. Pagkat masyadong naging madali ang Cybercrime Law kumpara sa RH Bill o kaya ang Freedom of Information Bill na mas nauna pa pero hanggang ngayon hindi pa nagiging batas. Mabilis na naisabatas ang Cybercrime Law, kasingbilis ng kidlat. Kung gusto na maging batas ay madali maaprubahan pero kapag hindi ay mabagal. Ganun ba ang tuwid na daan? Kung nasa tuwid na daan ang Cybercrime Law ay hindi masyadong marami ang kokontra.

Dito sa Pilipinas masyadong marami ang gumagamit ng computer. Masyado ring marami ang may facebook. Kung mag like o share ka sa post na libelous ay kasama ka ng makakasuhan. Ano pa kaya kung mag comment ka. Paano pa kung hindi naman ikaw ang nag like, nag share, o kaya nag comment kundi ay ginamit lang ang pangalan mo. Ikaw ang madidiin o makakasuhan sa kasalanan na hindi mo naman ginawa lalo kung maimpluwensya ang kalaban. Hindi yata napag aralan ng mabuti para iyon maging batas.

Masyadong mahigpit ang batas na iyon. Hindi maganda para sa isang demokrasya na bansa. Daig pa ang Martial Law ng batas na Cybercrime Law. Ayaw ni Ninoy at Cory ng Martial Law pero gusto yata ng anak nila na si Pangulong Noynoy Aquino ng Martial Law ngunit sa ibang paraan nga lang.