Isang masakit na dumarating sa buhay ng tao ay kung pumanaw na ang magulang. May 29, 2011 ng mamatay ang aking ama. Inilibing siya noong June 4, 2011. Isinilang siya noong February 8, 1941. Katulad ng aking Ina sila ay nasa kabilang buhay na. Ang una pong larawan na makita ay noong wala pa silang anak ng Nanay ko at ang pangalawang larawan ay kuha noong isang taon.
Ang pangalan po ng tatay ko ay si Leon "liling" de la Peña.
Nang mamatay ang Nanay ko ang nasa isip ko na lang ay nagbabakasyon lang siya at babalik din. Ngayong wala na ang Tatay ko ganun pa rin, iisipin ko na nagbabakasyon lang siya. Kahit alam kong ang pagbakasyon nilang dalawa ay wala ng pagbabalik.
TATAY(RIP)
Para sa yumao kong tatay na si Leon "liling" de la Peña
Ni:Arvin U. de la Peña
Naaalala ko ang panahon na ako ay sanggol pa
Karga-karga mo ako sa iyong mga kamay
Minsan sa pagkarga mo ako ay naiiyak
Minsan pa sa mga bisig mo ako ay nakakatulog.
Naaalala ko panahon pinapainom mo ako ng gatas
Tinitingnan pagmumukha mo
Minsan hinahawakan ka pa sa pisngi
Gusto na makipaglaro sa iyo.
Naaalala ko ang panahon na ako ay nakakalakad na
Tuwang-tuwa ka talaga
Lumalayo ka sa akin ng kaunti
Upang ikaw ay mapuntahan ko.
Naaalala ko panahon na ako ay malaki na
Pinapangaralan mo ako para sa magandang buhay
Hangad mo talaga mapabuti ako
Sa kapwa ay malinis ang pagtingin sa akin.
Wala ka naman dito sa lupa
Alaala mo mananatili sa akin
Hanggang sa huling sandali ng buhay ko
Lagi ka sa aking puso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
31 comments:
Sa mga bumibisita ng blog ko gusto kong malaman niyo na hindi ito ang last post ko ngayong taon. Ngunit matatagalan muna bago uli ako mag post. Ma miss ko ang pagpunta sa ibang mga blog. Mamimiss ko kayo mga kaibigan ko dito sa mundo ng blog.
nalungkot naman ako arvin.. condolence..:( ok lng arvs, hintayn ka namin.. be strong.. kaya mo yan.
arvin
condolence
masakit mawalan ng tatay
pero alm kong kakayanin mo yan!
condolence vin...
condolence vin...
my condolences...Ganyan talaga buhay Arvin. If you have spent your time well with your parents wala kang dapat ipagkabahala. :) Cheer up.
Arvin sa,lubos akong nakikiramay sapagpanaw ng iyong ama...
sana ay ayos ka lang ngayon at magpakatatag na lang po ikaw.
condolence ha, hintayin namin pagbalik mo..
arvin my condolences po
sorry kung hindi ako nakakadalaw sa iyo malalaman mo rin kung bakit...
condolence po.
first time kung bumisita sa blog mo. i like ur posts.
be strong po... nanyan lang SYA para patnubayan ka.
Nakikiramay ako sa pagkawala ng mga magulang mo. Alam ko malakas ka at matibay ang loob na kakayanin lahat ng pagsubok, kahit wala nang magulang na gagabay sa yo ngayon, Wag ka makakalimot na hingin ang patnubay ng poong maykapal. Sya lang makapag bibigay satin ng tunay na kapayapaan. God bless you always, hanggang sa muli mong pag babalik.
Hi Arvin, I am sorry for the lose of your father. My deepest sympathy to your family.
It's alright if you can come to our blogs that is understandable you are grieving for now and I've been there Arvin and it takes time. I also lose both of my parents and even if my father passed away 20 years ago and my mother was 10 years ago there are moments that I do cry a lot. It's like they passed away just yesterday. Grieving has no end but we will just let it run it's course.
Eternal rest grant unto Leon oh Lord and let your perpetual light shine upon him. May he rest in peace. Amen
OMG-this is really sad. My heart goes to you and it is my wish that you find peace amidst the pain. I think the secret is acceptance. My condolences to you and your family.
Condolence sa iyo Arvin. Alam ko ang nararamdaman mo ngayon kasi dumaan din kami sa ganyang kalagayan ng pumanaw ang aming pinakamamahal na ama nong June 24 2005. Hanggang sa ngayon ako ay naiiyak pa rin sa tuwing naalala ko siya sa loob ng kanyang kabaong...at alam ko forever ko siyang hindi makakalimutan
Kaya mo yan!!! magpakatatag ka...
condolence po.....
condolence..
Arvin, condolence! Nawalan din ako ng daddy, at naiintindihan ko ang nararamdaman mo... I even wanted to die at that time, gumuho talaga ang mundo ko, kasi siya ang bestfriend ko at napagsasabihan ko ng lahat. I had to leave work for almost a month, at kahit nasa work na ako, iyak pa rin ako ng iyak, no exaggeration. I can feel you, brother. I hope you recover soon. Take care!
I'm deeply saddened by your loss. Condolence to you and your family. I'm sure kung nasan man ang tatay mo e lagi yun nakabantay sa inyo. My thoughts are with you and your family.
Sending my condolence Arvs, Im sorry for your lost. But kaya mo yan, we are living temporarily on this world, yet only God knows when will be our departure.
But for sure, your parents are in good place for now.
condolence Arvin...i can't bear losing my papa:(...but you carried it well...He's a good father to you and it's a great blessing...
Hello, Kuya! Wow, I haven't visited your blog since last year. I am so sorry for being MIA. Anyway, I want you to know that I will be praying for you and your family. God Bless!
-Glenda
http://intheheartandmindofglenda.blogspot.com
Condolence Arvin sa pagpanaw nang iyong mahal na ama. Naiintindihan namin ang iyong pamimighati at nakikiisa kani sa iyo sa oras nang iyong kalungkutan at dalamhati. Ganun naman tayong tao. Me hangganan ang ating buhay. Alam kong maligaya ang iyong ama sa piling nang ating Panginoon. Muli, kami'y nakikiramay sa iyo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Condolences sa iyo Arvin. Nawa'y makapiling na ng Diyos ang iyong ama. Be strong and have faith in Him.
Hi Arvin, salamat muna sa pasyal...
kalungkot naman na balita to.. pero di bale Arvin I'm sure father is looking at you proud and happy now... condolences sa you!
Arvs sorry for your loss…masakit talagang mawalan ng magulang lalo na kapag bata ka pang maulila. Ako namatay ang nanay ko ng ako ay 11 years old lang tapos ngayon malubha na rin ang sakit ng tatay ko. Kaya mo yan Arvs ikaw pa tingin ko saiyo napakasurvivor mo rin. By the way san ka ba ang punta mo ulit? Don’t worry pagbalik mo nandito lang kami for you. Ako nga rin hindi gaanong nakakapag visit lately kasi busy kami dito kapag summer months. God bless you and keep in touch!
Condolence!
Condolence, Arvin. Ingat palagi.
Alam ko ang pakiramdam kapag nawalan ng kamag-anak, ang mahalaga, looking forward ka eveyday at puro posiive thoughts ang nasa isip, physically wala sila sa piling natin pero laging nandiyan yung mga masasayag alaala nila habang sila ay nabubuhay pa!
More power!
Arvin, condelence. Ngayon lamang ako nakakadalaw sa mga fellow bloggers ko. Masakit talaga ang mawalan ng ama. Ako nga minsan naiisip ko rin yan baka mamumugto ng sobra ang mata ko sa kakaiyak siguro kapag dumating sa buhay ko yan. Be strong!
Sorry to hear about your loss, Arvs. Condolence and He may rest in peace.
oh my! I'm so sorry for your loss Arvin...sowe at ngayon ko lang nalaman....may he will rest in peace...is this why you were gone for a long time...sana ok na po kau.
Post a Comment