Isang masakit na dumarating sa buhay ng tao ay kung pumanaw na ang magulang. May 29, 2011 ng mamatay ang aking ama. Inilibing siya noong June 4, 2011. Isinilang siya noong February 8, 1941. Katulad ng aking Ina sila ay nasa kabilang buhay na. Ang una pong larawan na makita ay noong wala pa silang anak ng Nanay ko at ang pangalawang larawan ay kuha noong isang taon.
Ang pangalan po ng tatay ko ay si Leon "liling" de la Peña.
Nang mamatay ang Nanay ko ang nasa isip ko na lang ay nagbabakasyon lang siya at babalik din. Ngayong wala na ang Tatay ko ganun pa rin, iisipin ko na nagbabakasyon lang siya. Kahit alam kong ang pagbakasyon nilang dalawa ay wala ng pagbabalik.
TATAY(RIP)
Para sa yumao kong tatay na si Leon "liling" de la Peña
Ni:Arvin U. de la Peña
Naaalala ko ang panahon na ako ay sanggol pa
Karga-karga mo ako sa iyong mga kamay
Minsan sa pagkarga mo ako ay naiiyak
Minsan pa sa mga bisig mo ako ay nakakatulog.
Naaalala ko panahon pinapainom mo ako ng gatas
Tinitingnan pagmumukha mo
Minsan hinahawakan ka pa sa pisngi
Gusto na makipaglaro sa iyo.
Naaalala ko ang panahon na ako ay nakakalakad na
Tuwang-tuwa ka talaga
Lumalayo ka sa akin ng kaunti
Upang ikaw ay mapuntahan ko.
Naaalala ko panahon na ako ay malaki na
Pinapangaralan mo ako para sa magandang buhay
Hangad mo talaga mapabuti ako
Sa kapwa ay malinis ang pagtingin sa akin.
Wala ka naman dito sa lupa
Alaala mo mananatili sa akin
Hanggang sa huling sandali ng buhay ko
Lagi ka sa aking puso.
Wednesday, June 8, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)