-
meron pa rin pala yang mara clara. anyway, my friend as always magaling ka talagang gumawa ng tula. pwede compose mo ulit ako?
"Siguro sa sinulat kong ito ay maaalala niyo ang mga sandali na may pinipitas kayong dahon sa isang puno."
DAHON
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa puno ikaw ang nagpapakumpleto
Kung wala ka pangit tingnan
Berde ang iyong kulay
Halos pare pareho lang ang hugis.
Minsan balewala ka lang ng iba
Lalo na iyong mga bata
Ginagawa ka na parang papel
Pinupunit punit hanggang sa dumami.
Masarap tumambay sa silong mo
Preskong hangin ang nadarama
Lalo na kung mahinit ang panahon
Masarap matulong sa tanghali na kapiling ka.
Dahon na nalalagas din pagtagal
Ang pagkalaglag mo sa lupa hindi pagwawakas
Dahil muli ay may uusbong pang mga kauri mo
Upang magbigay ganda sa puno.
35 comments:
hehhehe...kakaibang tula naman ito..ang galing!
magandang tula, im sure nagustuhan yan ng kaibigan mo.
magandang gabi.
Very nice poems. Love it.
Vicy
Mackenzie
Aba ganda namang poem na ito. I only didn't remember sa mga dahon na nalagas last fall talagang back breaking ang ginawa naming linis dahil sa mga dahon hehehe.
By the way pwede mag request din?? Hehehe!
MYM
ang ganda ng tulang ito!
like
like
like
Unang una, kaibigan ko din si Sam. Great that you acceded to her request for another poem. Importante talaga ang dahon hindi lang sa puno mismo kung hindi pati na sa tao. Maraming dahon ang nagiging gamot o pagkain nang tao. Katulong nang ugat na kumukuha nang sustansya sa lupa, ang dahon ang gumagawa nang pagkain nang puno sa pamamagitan nang photosynthesis sa tulong nang araw. Napakaraming silbi nang mga dahon sa tao at sa kalikasan. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
ang ganda pare.. madalas ko yan gawin noong mga bata pa ako.. ang magsulat ng tula... eh este ang mamitas ng dahon.. tapos.. ilalagay ko sa kamay ko na nakasara.. tapos papaluin.. para makagawa ng ingay.. o kaya gagayahin ko ang yung sa national artis natin.. yung nakakagawa siya ng magandang tunog gamit ang dahon... ehehhe
Ang dahon, bow...ayos pare..kakaiba!
Naisip kong dahon dito dahon nung sampaguita.. hahaha
ang dami mo talagang alam..hehe...galing!
di bale kung malagas uusbong din yun.. perfect.... salamat kaibigan sa pasyal...
ang ganda ganda!
Galing mo naman Arvs. Nice poem.
Have a nice day always. Tc
@Dhemz...........ganun ba..baka sa susunod ay puno naman..makagawa uli ako na ang puno ang pamagat....
@mommy-razz..............salamat at nagandahan ka sa sinulat kong ito..i hope magustuhan niya nga ang sinulat kong ito...di pa niya nababasa..
@Janeth..............thank you...how are you..
@Kim,USA.................naglinis pala kayo diyan ng mga dahon.......walang anuman..pagbibigyan ko po ang request mo....pero huwag muna ngayon..malaman mo nalang.....tinatandaan ko naman ang mga nagrerequest sa akin kung sino sila..
@JaY RuLEZ...........maraming maraming salamat..naaapreciate ko ang sinabi mo..it make me inspire na magsulat pa..
@Mel Avila Alarilla..............tama ka sa mga sinabi mo..at isa pa pangit tingnan ang puno kung walang dahon..ang dahon din ang nagbibigay ng magandang simoy ng hangin lalo na kung nasa ilalim ka ng puno at mahangin talaga..natural lang na pagbigyan ko ang request niya kasi isa siyang kaibigan at kaya ko naman,hehe..
i love it ! mm. super simple pero meaningful, superb ! nice one kuya :D
@musingan...........halos lahat yata ng mga bata ay gumawa ng ganun na ang dahon ay nilalagay sa kamay at papaluin para magkaroon ng ingay..dahon ng gumamela ang ginagamit namin sa ganun noon..ang pamimitas naman ng dahon ay madalas ko din gawin noon lalo na iyong sa dahon ng mangga..masarap amoyin ang dahon..
@Akoni..............salamat din sa iyo.......pag napagbigyan mo ang request ko ay pagsabihan mo ako ha..mag message ka sa tagboard ko para ko malaman..hindi kasi ako araw araw nag iinternet..at ikaw naman araw araw ay nagpopost..
@Kamila.............ang dahon na iyan ay sa google ko lang kinuha..parang sa dahon nga ng sampaguita..
@jhengpot............medyo..hindi naman halos lahat,haha.....minsan ay kung anu ano kasi ang naiisip ko isulat..at ang magiging pamagat..kung titingnan mo ang mga previous post ko doon ay makita mo may mga pamagat ako na kakaiba..
@Vernz................walang anuman iyon..salamat din sa pagpunta mo uli sa blog ko..
@tim.............salamat naman kung ganun na ikaw din ay nagandahan sa sinulat kong ito..
@eden............nakaka inspire lalo ang sinabi mo..magandang araw din sa iyo diyan..
@CHEEN................salamat at nagustuhan mo ang kasimplehan ng sinulat kong ito..medyo hindi mahaba pero may magandang mensahe..
Hi Arvin, galing naman nang Dahon mong tula.
Salamat sa lagi mong pag bisita sa blog ko. Regards!
Ah...dahon. Importante talaga yan. Ito ang nagbibgay buhay sa mga halaman at presko rin sa mata ang kulay nila na luntian.
kakaiba ka talaga gumawa ng tula. nagagwa mong special ang mga bagay na di masyadong pansin ng mga tao ^^ kudos! sa ngayon eh pumapalakpak ang lahat ng klaseng dahon sa mundo ^^ mahusay
@Juliet..........salamat sa pagpuri mo sa sinulat kong ito.....walang anuman iyon..ganun kasi ako napakadami kong napupuntahan kapag gusto ko talaga..siyempre nasasama ka sa mga napupuntahan ko..may mga lista kasi ako ng mga pinupuntahan ko..click ko lang iyon at makikita na ang blog..hindi ako pumupunta sa mga blog na mula sa blog list ko..nasa email ko iyon at doon click ko lang ang mga blog site..may mga name iyon ng may ari ng blog at ang blog site niya..
@Ishmael Fischer Ahab..........tama ka diyan..isa pa hindi kumpleto ang isang puno kung walang dahon..ang dahon ang nagpapaganda talaga para sa isang tanim..ang dahon din ang simbolo kung anong uri ang puno..
@Sendo...........maraming maraming salamat sa sinabi mo.....madami na nga akong sinulat na hindi talaga akalain ng iba na magagawa ko..katulad na lang ng lapis at ballpen na malaki talaga ang halaga sa tao na minsan hindi binibigyan ng halaga..
Arvs sorryyyyy!!!! Kakahiya naman saiyo ngayon ko lang nabasa itong tula na alay mo sa akin. Pasensiya ka na sobrang dami lang problema ko lately plus back to work na rin kasi ako ulit. Hindi ko alam paano kita papasalamatan sa pagbigay pansin mo sa request ko ulit. Sobrang hanga lang ako sa mga tula na ginagawa mo. Tsaka favorite ko talaga ang kulay green. By the way, may account ka ba sa paypal? Tsaka kapag ipapalagay ko ang badge ko kapag nakagawa na ako. how much ba ang bayad? Again thank you my dear friend sa tula! sobrang naappreciate ko. Have a safe and happy weekend! Sobrang thankful ako sa pagsupport mo rin sa blog ko kahit hindi ako laging nandito online. God bless always
Post a Comment