Wednesday, April 27, 2011

Ulap (by request)

"Sa sinulat ko pong Dahon ay nag comment ang kaibigang blogger na ito at doon sinabi niya na kung puwede din bang mag request. Ito po ang pagbibigay daan para sa request niya. Ang mga blog niya po ay
http://www.atmytabletop.com/
http://awifey.blogspot.com/
http://www.kissess4u.com/
http://niecesandnephew.blogspot.com/
http://www.myphotographyinfocus.com/




Kim, USA said...

Aba ganda namang poem na ito. I only didn't remember sa mga dahon na nalagas last fall talagang back breaking ang ginawa naming linis dahil sa mga dahon hehehe.
By the way pwede mag request din?? Hehehe!


MYM

April 11, 2011 1:41 PM

ULAP
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa itaas ay lagi kang nakikita
Di maipaliwanag kung anong hugis
Napaganda mong pagmasdan
Lalo kung maganda ang sikat ng araw.

Dumadaan ka lang sa paningin ng tao
Dahil pupunta ka naman sa ibang direksyon
Ngunit ang iyong pagdaan
Isang maganda na pangitain.

Makita ka mang mahina ang paggalaw
Maitim kung pagmamasdan
Hudyat iyon para mo ulanan
Ang mga nasa ibaba mo.

Ulap ka man lang
Ikaw ang nagpapaganda sa kalawakan
Sa pagkamulat ng mga tao at hayop
Ikaw ang nakikita sa itaas.

Delete

Thursday, April 21, 2011

Alma Mater

Naisulat ko ito dahil ilang araw na lang ay Grand Alumni Homecoming na para sa naging paaralan ko noong high school. Muli ay magtitipon-tipon kami na batch. Ganun din para sa ibang mga batch. Hindi na kami sumasali sa mga competition kasi wala rin namang nangyayari. We will parade na lang. Wala na kaming napapanalunan hindi kagaya noon. Sayang lang ang pagod at hirap tapos kahit isang trophy at cash prize walang natatanggap. Malaki pa ang nagagasto para sa mga costume at sa iba pa. Ang ginagawa na lang namin ay mag bonding na lang. Tiyak umaatikabong inuman ang mangyayari, hehe. Ngayon pa nga lang ay kinokondisyon ko na ang sarili ko na dapat makaya ko ang matagalan na inuman. Sa madaling salita ay ilang araw na inuman lalo na may galing abroad na uuwi, haha. Higit sa lahat sa Social Night na awarding din para sa mga nanalo ay doon may mga member ng aming batch na magpapakita. Na sa ibang araw ay kahit anino nila wala. Lalo na noong sumasali pa kami sa mga competition tapos kulang ng tao. Ayaw nilang sumali para sa competition pero pag Social Night andun sila. Nakaka badtrip ang ganun. Kasi wala sila sa pag practice para sa competition o kaya halimbawa pag gawa ng float, wala sila sa pag parade na minsan pa mainit ang panahon. Pero sa kasiyahan na hindi sila mapapagod ay nandun. Higit sa lahat na nakakainis ay iyong sa kasiyahan lang sasali pero kahit pag bigay ng pera para sa contribution ay wala, kahit 100 pesos. Pero ang mga nakikisaya pero sila ay nagbibigay ng kaunting amount ay okey lang iyon. Nauunawaan kung bakit sa sandaling okasyon lang sila magpapakita. How many times ng nangyari iyon. Buti na lang may San Miguel Beer na kakampi sa pagkainis. Pero hindi lang ako naman ako ang naiinis, may iba din na member ng aming batch. Pero noon pa iyon, noong sumasali pa kami sa competition. Kaya sa mga ka batch kong makakabasa nito ay pasensya na pero iyon ang totoo at alam niyo iyon.

"In the end I realize that the importance of celebrating grand alumni homecoming is not by joining the competition, but BONDING with your batchmate. In dying you cannot bring trophies, but memories will.................."

ALMA MATER
By: Arvin U. de la Peña

We enter your life when
we are young
Our childhood dreams started to mold
You bring us path
To be a real christian
Offer our life and hearts to God.

Wherever we are, we hail you
Just like today
We thank you for the knowledge
that we've got
Thou it hurts others not succeed
Still we are gathering for you
Our beloved alma mater.

We are here now
Your sons and daughters to praise you
Thou we are busy
We never fail to forget you
You always remembered.

Our love to you until we live
Like a river that flows forever
No end, no limit the blessings
you've been giving.

Friday, April 15, 2011

Bawal Na Gamot

"Sinulat ko ito hindi dahil sa ako ay gumagamit ng bawal na gamot. Kundi upang ipaalam na ang paggamit ng bawal na gamot ay hindi masama basta ba tamang daan ang tinatahak mo. Hanggat wala kang nasasaktan o sinasaktan na tao ay walang masama sa paggamit ng bawal na gamot."

BAWAL NA GAMOT
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung ako ang tatanungin ay ayos lang ang gumamit ng bawal na gamot. Ang pagtikim ng bawal na gamot ng isang tao ay nagbibigay kasiyahan sa kanya. Hindi lang basta ligaya kundi kakaibang ligaya pa na hindi nararanasan sa ibang tinitikim. Walang sinabi ang sarap ng mga alak o kaya mga pagkain sa pagtikim ng bawal na gamot. Pagbabawalan mo ba na ang isang tao ay lumigaya? Sa paggamit din ng bawal na gamot ang isang tao kung may problema man ay nawawala. Nawawala ang dinaramdam niyang problema. Pagbabawalan mo din ba na ang isang tao ay mabagabag ang isipan dahil sa problema?

Kaya lang naman minamasama ang paggamit ng bawal na gamot ay dahil minsan masama ang ginagawa ng isang taong gumagamit ng bawal na gamot. Iyong hindi nila nakokontrol ang kanilang sarili sa epekto ng bawal na gamot. Dahil lulong na sa bawal na gamot ay kung anu-ano na ang ginagawa na minsan nakakaperwisyo pa ng kapwa. Nariyan ang magnakaw para lang may pambili ng bawal na gamot. Higit sa lahat nariyan din ang pagpatay ng dahil sa bawal na gamot. Minsan hindi pa nakakatapos ng pag-aaral dahil sa bawal na gamot.

Kung ang lahat ng gumagamit ng bawal na gamot hindi nakakapinsala sa ibang tao ay walang problema iyon. Puwede iyon na ipagpatuloy niya hanggang kaya ng katawan niya at higit sa lahat hanggang kaya ng bulsa niya. Problema niya na lang iyon kung hindi niya tapusin ang kanyang pag-aaral. Kasi siya lang naman ang kawawa.

Hindi maganda na pagbawalan ang isang tao na gumamit ng bawal na gamot kung maganda naman ang ginagawa para sa kanyang sarili at sa ibang tao. Kasi kung gagawin, iyon ay pakikialam sa buhay ng isang tao. Bawat tao dapat mayroon kalayaan para sa kanyang sarili. Hindi maganda na manghimasok lalo na kung ang kalayaan na lang ang natitira para sa isang tao.

Kung sa paggamit ng bawal na gamot nagkakaroon ng kulay ang damdamin ng isang tao ay hayaan siya. Lalo na kung wala naman siyang inaapakan na tao. At lalong-lalo na kung hindi naman siya nanghihingi ng pera para pambili ng bawal na gamot.

Akin itong isinulat hindi para mag encourage na gumamit ng bawal na gamot. Nasa inyo na lang iyon.

Monday, April 11, 2011

Dahon (by request)

Minsan ng nagrequest ang kaibigang blogger na ito sa akin at pinagbigyan ko naman. Ang una niyang request na pinagbigyan ko ay ang sinulat kong Agua Bendita. Sa pag post ko ng Mara Clara ay muli nagrequest siya sa akin na magsulat uli para sa kanya. Ang sinulat ko pong ito na Dahon ang pagbibigay daan para sa muli niyang pagrequest sa akin. Ang blog niya po ay http://www.freddysamsc.com


Sam said...

meron pa rin pala yang mara clara. anyway, my friend as always magaling ka talagang gumawa ng tula. pwede compose mo ulit ako?


"Siguro sa sinulat kong ito ay maaalala niyo ang mga sandali na may pinipitas kayong dahon sa isang puno."

DAHON
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa puno ikaw ang nagpapakumpleto
Kung wala ka pangit tingnan
Berde ang iyong kulay
Halos pare pareho lang ang hugis.

Minsan balewala ka lang ng iba
Lalo na iyong mga bata
Ginagawa ka na parang papel
Pinupunit punit hanggang sa dumami.

Masarap tumambay sa silong mo
Preskong hangin ang nadarama
Lalo na kung mahinit ang panahon
Masarap matulong sa tanghali na kapiling ka.

Dahon na nalalagas din pagtagal
Ang pagkalaglag mo sa lupa hindi pagwawakas
Dahil muli ay may uusbong pang mga kauri mo
Upang magbigay ganda sa puno.

Tuesday, April 5, 2011

Mukhang Kayganda

Kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ako nag blog. Kung hindi dahil sa kanya nakatitiyak akong ikaw na nagbabasa nito hindi ko kaibigan o kakilala sa mundo ng blog. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Maria Cristina Falls na nakilala ko sa diaryo dahil may mga sinulat din siyang napublish. Nang sabihin niya sa akin na mayroon siyang blog at ng tingnan ko ayun nagkagusto ako na gumawa din kasi iyon naman talaga ang gusto ko, ang maipakita at maipabasa sa iba ang mga sinulat ko. Ang blog niya po ay http://www.mariacristinafalls.blogspot.com at sad to say hindi na siya aktibo sa pag blog. Naroon din sa blog niya ang mga newspaper clip ng mga napublish niya sa diaryo. Mula ng hindi na siya maging aktibo sa pag blog ang pinagkakaabalahan niya na lang ay ang kanyang online store. Opo, may dalawa po siyang online store na nasa side bar ng blog ko. Ang isa ay nag-umpisa noong July 04, 2007 at ang isa ay noong September 05, 2007. Napakarami na rin po mula noon pa ang bumili sa online store niya. Kung bakit ko ito sinabi kasi noong isang araw ko lang nilagay ang link ng dalawang online store niya sa blog ko.

"Sa bakuran ngayon ng abs-cbn ang pinakamaganda na artista para sa akin ay walang iba kundi si Melissa Ricks."











Mukhang Kayganda

Kay: Melissa Ricks
Ni: Arvin U. de la Peña

Kagandahan mo ay kakaiba
Naiiba sa lahat ng babae
Sa bawat pagtingin sa iyo
Nabibighani mo talaga ako.

Isang sulyap lang sa telebisyon
Labis-labis na ang paghanga
Sa rami ng katulad mong artista
Ikaw lang ang maganda sa akin.

Walang hanggan ako'y hahanga sa ganda mo
Araw at gabi ikaw ay maiisip
Sa puso ko lagi kang mananatili
Patuloy ko ikaw susubaybayan sa showbiz.

Maabot mo pa man lalo
Pangarap mo sa buhay
Sana walang mag-iba sa iyo
Manatili ka kung ano ka ng mag umpisa.

Huwag mong bibiguin mga nagmamahal
Lalo na ang isang tulad ko
Hangad na mahaplos sa aking kamay
Mukha mo na kay ganda.