Piliin ang Pilipinas. Ang salita na ito ay marami din sa social media lalo ang facebook ang nakikiuso. Pero sila na mga nakikiuso na Piliin ang Pilipinas ay wala pakialam sa social issue ng bansa. Halos wala sila pakialam sa mga nangyayari sa WPS na ang barko ng Pilipinas ay binobomba ng water cannon ng barka ng China. Sila na mga nagnanais Piliin ang Pilipinas ay halos wala rin sila pakialam kung ang isang politiko ay korap man o di maayos ang pagserbisyo.
Kaplastikan lang ang Piliin ang Pilipinas na mga post ng ibang tao para lang din makakuha ng mga views, o likes. Maganda sana kung ang mga sikat na vlogger ng bansa ay makialam sa nangyayari na di mabuti sa gobyerno para mamulat ang mga pilipino. Pero parang hindi nila ginagawa. Ayos sana kung sila na mga sikat na vlogger ipaalam sa mga followers nila na ang ganito ay fakenews, huwag paniwalaaj dahilan para di maging tanga o kaya uto uto. Pero dahil hindi ginagawa ay lalong dumadami mga napapaniwala sa mga fakenews.
Piliin ang Pilipinas pero may makikita ka na mga vlogger nagpromote ng sugal. Sa ganun na paraan ay madami ang malulong sa sugal. At ang kawawa ay ang mga naeengganyo sa sugal.
Piliin ang Pilipinas pero ang totoo ay mahirap mahalin ang bansa.