"Ako ay nagbabalik mula sa isang buwan na bakasyon sa pag blog. At ito ang una kong handog sa inyo na laging bumibisita sa blog ko kung may post akong bago. Mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon."
LUMANG DAMIT
Ni: Arvin U. de la Peña
Mula
ng mag-aral si Enrique ay laging lumang damit na ang suot. Mga damit na
pinagdaanan ng suotin na hiningi ng nanay niya sa mga kakilala. Iyon ay
dahil wala silang pambili ng mga bagong damit. Ang nanay niya kasi ay
isang labandera. Minsan pa may araw na wala siyang pinaglalabhan kaya
walang pera. At ang tatay niya ay isang konduktor ng pampasaherong jeep.
Kaya ang kita nila sa isang araw ay sapat lang.
Ang lumang damit
na sinusuot niya ang dahilan kung bakit hindi
siya nakikipagbarkada sa kapwa niya bata sa elementarya. Iyon ay dahil
tinutukso siya sa kanyang suot. May mga bata kasi na kaklase niya at
hindi na binigyan ng damit ang nanay niya ng magulang nila dahil
humingi.
Hanggang sa pag high school ay ganun din ang mga
kasuotan ni Enrique. Mga lumang damit na hiningi ng nanay niya.
Iyon ang dahilan kung bakit ang crush niyang si Kristine ay hindi niya
malapitan. Dahil ramdam niya na iiwasan siya. Higit sa lahat ay kilalang may kaya
sa buhay sina Kristine at matapobre ang pamilya. Nakakaramdam siya ng
selos kapag si Kristine ay nakakasama ng ibang ka school mate niya na
may kaya rin sa buhay ang pamilya at higit sa lahat hindi luma ang suot
na damit. Wala siyang magawa kundi tanggapin na ganun ang kalagayan
niya.
Pagkatapos mag graduate ng high school ay nag-apply siya sa
SM Department Store dahil walang pera ang magulang niya para pagpaaral
sa kolehiyo. Habang nakapila siya sa pag-aapply ay kita ng dalawa niyang
mata na siya lang ang may damit na luma. Nasa ganun siyang sitwasyon
nakatayo dahil mahaba ang pila ng mga gustong mag apply ng bigla lapitan
siya ng isang lalaki para lumayo ng konti at mag
usap na sila lang.
Doon ay tinanong siya kung bakit lumang damit
ang suot at may mantsa pa para sa pag apply. Walang pagkukunwari na
sinabi niya ang totoo. Hinangaan siya ng lalaki na nakaranas din ng
ganun na laging luma ang suot na damit noon na mataas pala ang
katungkulan sa SM Department Store lalo na ng sabihin niya na "hindi
naman nasa damit nakikita ang tunay na kakayahan ng isang tao. Kung ikaw
ay nagpapakita ng pagiging maginoo at mabait kahit pa punit ang damit
ikaw ay hahangaan."
Walang kahirap hirap na nakapasok siya sa
trabaho sa tulong ng lalaki. Naging checker siya. Nakatulong siya sa
kanyang magulang sa mga pangangailangan. Higit sa lahat nakabili siya ng
mga bagong damit.
Sa buhay, huwag nating husgahan ang isang tao
kung hindi man maganda ang kanyang kasuotan. Unawain natin siya at
intindihin ang kalagayan. Marahil ay mayroon siyang pinagdaraanan kung
bakit ganun ang pananamit niya. Higit sa lahat minsan ang
magandang kasuotan ng isang tao ay balat kayo lang para sa gagawing
hindi maganda sa kapwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 comments:
kung may determinasyon siguradong uunlad pag sinamahan ng sipag :) salamat
Yes, dont judge the book by its cover. Ganon din ang chilhood ko. Mga pinaglumaang damit ang suot, but now I can buy na rin ng gusto ko. So sikap lang talaga. Nice story:)
Napakaganda nang istorya mo Arvin. May kapupulutan nang aral. Tunay ngang wala sa panlabas na anyo ang taglay na katangian nang isang tao kundi nasa kanyang character at attitude sa buhay. Maraming salamat sa isa na namang makabuluhang kwento. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
yes, ok na ok ang istorya, ika nga dont judge the book by its cover. Still, ang pagsisikap at tyaga ay susi sa tagumpay. Nice post
Ang ganda ng moral lesson ng kwento... tama ka wala yan sa kasuotan..
Nakaka inspire naman ang kwento...
Keep on posting!
arv namiss kita at tenk u for reminding me n nwala pla blog mo sa blog roll ko ...
nakakabuo ng araw itong post mo kuya. keep on posting.
Kapulutan ng aral sana ito Arvin.
Maganda ang asal nung lalaking tumangap kay Enrique. Tama ang iyong sinabi hwag tayo manghusga sa pisikal na anyo. Nice post. May ginintuang araw :)
May kasabihan ng na don't judge a book by it's cover! Di talaga tayo dapat nanghuhusga dahil di namn nakikitra sa panglabas na anyo o kasuotan ang ugali ng isang tao.
i couldn't stop reading your blog, u have great thoughts and insights, i love it! il come back to read again! it connects to the profession i am working now! we'll talk soon! hahaha
Ang lumang damit ay isa ring inspirasyon to try harder in life at maging successful, and when you find a job makabili ng bagong damit but keep the old one for sentimental value heheh
"hindi naman nasa damit nakikita ang tunay na kakayahan ng isang tao. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagiging maginoo at mabait kahit pa punit ang damit ikaw ay hahangaan."
--> loved this part parekoy. kaka inspire talaga tong sinulat mo ngayon. im sure marami ang naka relate at nakakuha ng aral/inspiration mula dito sa iyong isinulat.
wow, isang buwan! ang haba naman nang bakasyon mo Arvin...:)
this is a good composition...tama, hinsi basihan ang pananamit o panlabas na anyo.
I understand your blog post. Noong bata kasi ako mga pinaglumaang damit din ang sinusuot ko. Mga damit ng pinsan at pinaglumaan ng kamag-anakan. Mahirap ang dating ng pera eh kaya sa pagkain at sa ibang importanteng bagay napupunta.
Kaya mali talaga na husgasahan ang isang tao sa kanyang pananmit lang. alam ba natin kung ano ang kanyang pinagdadaanan?
Ganda ng story and inspiring too.
I love this story Arvs thanks for posting :)
very nice message...:) we need to reminded at times how we need to be humble and how we should not be judgmental...:) thanks for sharing...;)
xx!
Salamat sa visit, Arvs!
Kaya nga we should count our blessings lagi dahil hindi lahat meron ang kung nasa atin.
Great post Arvin, ginising mo na nmn ang mga konsensiya hehehe
great one! kaya if we feel sas..simply count your blessing and you will realize how bless u are:)God Bless
ka-touch naman ito Arvs.. wala naman talaga sa porma yan, kundi kung ano ang nasa loob ng isang tao..
a visit from kim!
Just dropping by again! Have a blessed week!
Naranasan ko yan nung bata pa 'ko Arvs, mahirap din ang aming pamilya ngunit may mga mabubuting-loob na nagbigay sa akin ng luma ngunit maayos pa namang mga uniporme upang aking magamit. Maraming salamat sa kanila at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aking kabataan, marahil ay di ako nakatapos kung di sa mga taong tumulong sa amin. Ang iyong kwento ay isang paalala sa akin na dapat lang akong magpasalamat lagi dahil sa kabila ng mga problema, naging mas maayos ang buhay namin ng pamilya ko ngayon kesa dati. At salamat sa Kanya sa itaas, sya ang may gawa ng lahat. :)
At some point nakakarelate ako - cguro the best thing is always looking at the thing na meron tayo to make a leap.
andami ko talagang kakilala na humuhusga ng tao pag super luma ng damit. :)
mm, mahilig kame ng mom ko na mamigay ng old clothes, sayang nmn if itapon lang.
tamaaaaa ka talaga kuya, ang galinnnng talaga. :DDD
hay! me mga bully talaga sa school na pag pabalik balik lang yung suot mo pinipressure na agad. marami to sa school namin nuon sa high school. public school kasi kami. pero me mga close friends talaga akong hmmm ganito yung ugali.
Ganda ng article na ito nakakarelate ba ako..
what i love in your writings is that you always put the ordinary masses (labandera, drayber, magsasaka at manggagawa) as the "bida" in your kwento
keep on writing and highlight the diligence, humbleness, heroism at sana patriotism of the filipino masses
keep it up
Have a great weekend, Arvs!
namamasko lang Arvin...ehhehehe!
salamat sa dalaw....:)
Napaka-inspiring ang kwentong ito. Thanks for sharing. :)
Post a Comment