Wednesday, November 7, 2012

Lumang Damit

"Ako ay nagbabalik mula sa isang buwan na bakasyon sa pag blog. At ito ang una kong handog sa inyo na laging bumibisita sa blog ko kung may post akong bago. Mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon."

LUMANG DAMIT
Ni: Arvin U. de la Peña

Mula ng mag-aral si Enrique ay laging lumang damit na ang suot. Mga damit na pinagdaanan ng suotin na hiningi ng nanay niya sa mga kakilala. Iyon ay dahil wala silang pambili ng mga bagong damit. Ang nanay niya kasi ay isang labandera. Minsan pa may araw na wala siyang pinaglalabhan kaya walang pera. At ang tatay niya ay isang konduktor ng pampasaherong jeep. Kaya ang kita nila sa isang araw ay sapat lang.

Ang lumang damit na sinusuot niya ang dahilan kung bakit hindi siya nakikipagbarkada sa kapwa niya bata sa elementarya. Iyon ay dahil tinutukso siya sa kanyang suot. May mga bata kasi na kaklase niya at hindi na binigyan ng damit ang nanay niya ng magulang nila dahil humingi.

Hanggang sa pag high school ay ganun din ang mga kasuotan ni Enrique. Mga lumang damit na hiningi ng nanay niya. Iyon ang dahilan kung bakit ang crush niyang si Kristine ay hindi niya malapitan. Dahil ramdam niya na iiwasan siya. Higit sa lahat ay kilalang may kaya sa buhay sina Kristine at matapobre ang pamilya. Nakakaramdam siya ng selos kapag si Kristine ay nakakasama ng ibang ka school mate niya na may kaya rin sa buhay ang pamilya at higit sa lahat hindi luma ang suot na damit. Wala siyang magawa kundi tanggapin na ganun ang kalagayan niya.

Pagkatapos mag graduate ng high school ay nag-apply siya sa SM Department Store dahil walang pera ang magulang niya para pagpaaral sa kolehiyo. Habang nakapila siya sa pag-aapply ay kita ng dalawa niyang mata na siya lang ang may damit na luma. Nasa ganun siyang sitwasyon nakatayo dahil mahaba ang pila ng mga gustong mag apply ng bigla lapitan siya ng isang lalaki para lumayo ng konti at mag usap na sila lang.

Doon ay tinanong siya kung bakit lumang damit ang suot at may mantsa pa para sa pag apply. Walang pagkukunwari na sinabi niya ang totoo. Hinangaan siya ng lalaki na nakaranas din ng ganun na laging luma ang suot na damit noon na mataas pala ang katungkulan sa SM Department Store lalo na ng sabihin niya na "hindi naman nasa damit nakikita ang tunay na kakayahan ng isang tao. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagiging maginoo at mabait kahit pa punit ang damit ikaw ay hahangaan."

Walang kahirap hirap na nakapasok siya sa trabaho sa tulong ng lalaki. Naging checker siya. Nakatulong siya sa kanyang magulang sa mga pangangailangan. Higit sa lahat nakabili siya ng mga bagong damit.

Sa buhay, huwag nating husgahan ang isang tao kung hindi man maganda ang kanyang kasuotan. Unawain natin siya at intindihin ang kalagayan. Marahil ay mayroon siyang pinagdaraanan kung bakit ganun ang pananamit niya. Higit sa lahat minsan ang magandang kasuotan ng isang tao ay balat kayo lang para sa gagawing hindi maganda sa kapwa.

32 comments:

Genskie said...

kung may determinasyon siguradong uunlad pag sinamahan ng sipag :) salamat

joy said...

Yes, dont judge the book by its cover. Ganon din ang chilhood ko. Mga pinaglumaang damit ang suot, but now I can buy na rin ng gusto ko. So sikap lang talaga. Nice story:)

Mel Avila Alarilla said...

Napakaganda nang istorya mo Arvin. May kapupulutan nang aral. Tunay ngang wala sa panlabas na anyo ang taglay na katangian nang isang tao kundi nasa kanyang character at attitude sa buhay. Maraming salamat sa isa na namang makabuluhang kwento. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Anonymous said...

yes, ok na ok ang istorya, ika nga dont judge the book by its cover. Still, ang pagsisikap at tyaga ay susi sa tagumpay. Nice post

Jondmur said...

Ang ganda ng moral lesson ng kwento... tama ka wala yan sa kasuotan..

Nakaka inspire naman ang kwento...

Keep on posting!

KULAPITOT said...

arv namiss kita at tenk u for reminding me n nwala pla blog mo sa blog roll ko ...

Pareng Cyron said...

nakakabuo ng araw itong post mo kuya. keep on posting.

sherene said...

Kapulutan ng aral sana ito Arvin.

Archieviner VersionX said...

Maganda ang asal nung lalaking tumangap kay Enrique. Tama ang iyong sinabi hwag tayo manghusga sa pisikal na anyo. Nice post. May ginintuang araw :)

anney said...

May kasabihan ng na don't judge a book by it's cover! Di talaga tayo dapat nanghuhusga dahil di namn nakikitra sa panglabas na anyo o kasuotan ang ugali ng isang tao.

Lalah said...

i couldn't stop reading your blog, u have great thoughts and insights, i love it! il come back to read again! it connects to the profession i am working now! we'll talk soon! hahaha

Unknown said...

Ang lumang damit ay isa ring inspirasyon to try harder in life at maging successful, and when you find a job makabili ng bagong damit but keep the old one for sentimental value heheh

fiel-kun said...

"hindi naman nasa damit nakikita ang tunay na kakayahan ng isang tao. Kung ikaw ay nagpapakita ng pagiging maginoo at mabait kahit pa punit ang damit ikaw ay hahangaan."

--> loved this part parekoy. kaka inspire talaga tong sinulat mo ngayon. im sure marami ang naka relate at nakakuha ng aral/inspiration mula dito sa iyong isinulat.

Dhemz said...

wow, isang buwan! ang haba naman nang bakasyon mo Arvin...:)

this is a good composition...tama, hinsi basihan ang pananamit o panlabas na anyo.

Ishmael F. Ahab said...

I understand your blog post. Noong bata kasi ako mga pinaglumaang damit din ang sinusuot ko. Mga damit ng pinsan at pinaglumaan ng kamag-anakan. Mahirap ang dating ng pera eh kaya sa pagkain at sa ibang importanteng bagay napupunta.

Kaya mali talaga na husgasahan ang isang tao sa kanyang pananmit lang. alam ba natin kung ano ang kanyang pinagdadaanan?

eden said...

Ganda ng story and inspiring too.

Malou said...

I love this story Arvs thanks for posting :)

xoxo_grah said...

very nice message...:) we need to reminded at times how we need to be humble and how we should not be judgmental...:) thanks for sharing...;)


xx!

eden said...

Salamat sa visit, Arvs!

sherene said...

Kaya nga we should count our blessings lagi dahil hindi lahat meron ang kung nasa atin.
Great post Arvin, ginising mo na nmn ang mga konsensiya hehehe

SunnyToast said...

great one! kaya if we feel sas..simply count your blessing and you will realize how bless u are:)God Bless

kimmyschemy said...

ka-touch naman ito Arvs.. wala naman talaga sa porma yan, kundi kung ano ang nasa loob ng isang tao..

a visit from kim!

anney said...

Just dropping by again! Have a blessed week!

Tal | ThePinayWanderer said...

Naranasan ko yan nung bata pa 'ko Arvs, mahirap din ang aming pamilya ngunit may mga mabubuting-loob na nagbigay sa akin ng luma ngunit maayos pa namang mga uniporme upang aking magamit. Maraming salamat sa kanila at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aking kabataan, marahil ay di ako nakatapos kung di sa mga taong tumulong sa amin. Ang iyong kwento ay isang paalala sa akin na dapat lang akong magpasalamat lagi dahil sa kabila ng mga problema, naging mas maayos ang buhay namin ng pamilya ko ngayon kesa dati. At salamat sa Kanya sa itaas, sya ang may gawa ng lahat. :)

Teng said...

At some point nakakarelate ako - cguro the best thing is always looking at the thing na meron tayo to make a leap.

Nikki said...

andami ko talagang kakilala na humuhusga ng tao pag super luma ng damit. :)

mm, mahilig kame ng mom ko na mamigay ng old clothes, sayang nmn if itapon lang.

tamaaaaa ka talaga kuya, ang galinnnng talaga. :DDD

Phioxee said...

hay! me mga bully talaga sa school na pag pabalik balik lang yung suot mo pinipressure na agad. marami to sa school namin nuon sa high school. public school kasi kami. pero me mga close friends talaga akong hmmm ganito yung ugali.

Unknown said...

Ganda ng article na ito nakakarelate ba ako..

Unknown said...

what i love in your writings is that you always put the ordinary masses (labandera, drayber, magsasaka at manggagawa) as the "bida" in your kwento
keep on writing and highlight the diligence, humbleness, heroism at sana patriotism of the filipino masses
keep it up

eden said...

Have a great weekend, Arvs!

Dhemz said...

namamasko lang Arvin...ehhehehe!

salamat sa dalaw....:)

Dressing Up For Me said...

Napaka-inspiring ang kwentong ito. Thanks for sharing. :)