Wednesday, April 27, 2011

Ulap (by request)

"Sa sinulat ko pong Dahon ay nag comment ang kaibigang blogger na ito at doon sinabi niya na kung puwede din bang mag request. Ito po ang pagbibigay daan para sa request niya. Ang mga blog niya po ay
http://www.atmytabletop.com/
http://awifey.blogspot.com/
http://www.kissess4u.com/
http://niecesandnephew.blogspot.com/
http://www.myphotographyinfocus.com/




Kim, USA said...

Aba ganda namang poem na ito. I only didn't remember sa mga dahon na nalagas last fall talagang back breaking ang ginawa naming linis dahil sa mga dahon hehehe.
By the way pwede mag request din?? Hehehe!


MYM

April 11, 2011 1:41 PM

ULAP
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa itaas ay lagi kang nakikita
Di maipaliwanag kung anong hugis
Napaganda mong pagmasdan
Lalo kung maganda ang sikat ng araw.

Dumadaan ka lang sa paningin ng tao
Dahil pupunta ka naman sa ibang direksyon
Ngunit ang iyong pagdaan
Isang maganda na pangitain.

Makita ka mang mahina ang paggalaw
Maitim kung pagmamasdan
Hudyat iyon para mo ulanan
Ang mga nasa ibaba mo.

Ulap ka man lang
Ikaw ang nagpapaganda sa kalawakan
Sa pagkamulat ng mga tao at hayop
Ikaw ang nakikita sa itaas.

Delete

56 comments:

EngrMoks said...

Wala kng kupas parekoy sa pagsulat ng tula... Cguro lahing bulakenyo ka par.

Anonymous said...

another napaka gandang tula.. ang gali mo sa pag gawa ng tula..:)

gud eve arvin..

Gin Hansson said...

Ang galing mo talagang mag sulat ng mga poems... Humahanga ako sa talento mo .. Ipagpatuloy mo yan..

Akoni said...

galing ah..paano ba gumawa ng poem?

Kamila said...

iba na ngayon pananaw ko sa ulap... simula nung nakasakay ako sa eroplano.. para na silang dagat... ang ganda.. makapal pero hindi ka naman masasalo.. pero maganda pa rin.. ni-neutralize niya yung sikat ng araw.. para hindi masakit sa mata.. ang sarap titigan... hehehe

Grace said...

Isa na namang magandang tula, Arvin.
Hinding-hindi ka madaling makalimutan. Sabihin lang "Arvin, yung magaling manunulat na blogger.", tumpak! Alam na naming lahat kung sino. :)

☆Mama Ko☆ said...

what a beautiful poem Arvin, Ang ulap bow.

eden said...

Nice poem, Arvs.Love it.

Talagang napaganda pagmasdan ang ulap. Salamat sa dalaw.

Kim, USA said...

Oi andito pala ako Arvin di ko alam to ah. I am honored!!
I am very impressed of how you pick the words and make it into a sentence. Very impressive a talent worth to be appreciated.
Sabi nga ni Akoni...paano ba gumawa nang poem? Kasi tanong ko din yan. I love to read but I don't have the talent to find words to put on a certain subject. Kaya iba ka you are very talented!! Thanks for the poem have to interpret it to hubby hehehe. Happy week days!

Manang Kim

Sam D. said...

Wala talaga akong masabi kapag nagsulat ka ng isang tula laging patok. Arvs papagalitan mo na ako nito hindi ko pa rin nagagawa iyong badge ko huhuhu! Basta soon okay? sorry ulit :-)

Arvin U. de la Peña said...

@MOKS...........salamat kung ganun.......hindi po ako bulakenyo.....taga leyte po ako..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz...........very touching ang sinabi mo...maraming salamat..

Arvin U. de la Peña said...

@Jenny Blogger........thank you.....hanggat may naiisip pa ako ay hindi ako titigil sa pagsulat..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni...........magbasa ka lang ng ibang mga poem......tapos try mo sumubok magsulat..pag may naumpisahan ka na ay magtuloy tuloy na iyon..pero may mga tao din na nahihirapan talaga sila gumawa..ganun ang iba kong mga kaibigan..nahihirapan sila..sa high school nga namin noon sa subject na pilipino madami akong nagagawan kung may project na isang sulatin parte sa tula..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila..............ganun din ako ng makasakay ng eroplano..makapal ang ulap....para ding kalsada..minsan may lubak lubak,hehe...kasi nararamdaman naman sa pagsakay ng eroplano..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace...........ganun ba......salamat naman kung ganun..kayo din naman hindi ko makakalimutan....naging bahagi na kayo ng buhay ko....kahit sa blog lang tayo nagkakilala ay magandang alaala kayo sa akin....lahat dito na bumibisita sa blog ko na blogger..hindi ko makakalimutan..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko........salamat sa iyo.....siguro madalas ka makakita sa ulap na ikaw ang nasa itaas kasi madalas ka sumakay ng eroplano,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.........magandang pagmasdan lalo na kung maganda talaga ang panahon..hindi umuulan.....ang ulap ang sanhi ng pag ulan,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.........oo narito ka dahil pinagbigyan ko ang request mo.....try mo lang magsulat..unahin mo muna kung ano ang ipapamagat tapos doon ay mag isip ka anong mga salita ang bagay isulat para sa pamagat.....kung hindi mo naman magawa siguro katulad ka rin ng iba na hindi talaga makagawa ng poem...kung makagawa man konti lang..masakit din sa ulo lalo kung wala kang words na maidugtong.....minsan ganun ako..may mga nauumpisahan akong isulat pero hindi ko matapos kasi walang maidugtong..nakakasakit iyon ng ulo..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam............okey lang iyon.....alam ko naman na busy ka....pagsabihan mo na lang ako kapag nakagawa ka na ng badge...

Mel Avila Alarilla said...

Unang una, kaibigan ko si Kim na isa na yata sa pinakamabait at pinaka relihiyosang blogger sa blog world. Ipinagmamalaki ko na maging isang kaibigan niya. Maganda ang tula mong ulap na ginawa mo para kay Kim. Ang ulap ay nagpapaalala sa atin nang ating pagasang makapiling ang Panginoon kapag tayo ay pumanaw na. Gustong gusto ko rin ang ulap lalo na nung bata pa ako at mahilig akong magsaranggola. Pakiramdam ko nuon ay isang malaking bumbon nang bulak ang ulap na nagkakaroon nang iba't ibang anyo habang ating pinagmamasdan. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

jedpogi said...

isa kang makata at magaling na manganganta pre ... cheers!

Dhemz said...

ayay! kabighani bighani naman tong nag request...ehehehe...nice one Arvin....galing!

eden said...

Hi Arvs!

Have a great weekend.

Thanks for always visiting my blog.Greatly appreciated.

Jag said...

nung bata pa ako nangarap ako na makatuntong sa ulap hehehe...nice poem as usual bosing...

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla............halos lahat siguro na tao ay naglaro ng saranggola......ako noon ay pinapataas ko talaga ang saranggola..kapag naubos na ang sinulid ay bibili uli para tumaas pa.....masarap tingnan ang saranggola na nasa itaas at halos nasa ulap na.....maganda ding tingnan ang ulap kasi may kulay siya..

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi..........salamat naman kung ganun....naaapreciate ko iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...............hehe....maganda nga siya..lalo na siguro noong kabataan pa niya,haha.....salamat sa sinabi mo..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........walang anuman iyon..salamat din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Jag...............ang mga skydiver tiyak ramdam nila ang saya pag nasa ulap na....bilib ako sa mga skydiver.......wala na yatang takot...pag talon sa eroplano ay enjoy talaga habang pabulosok pababa..sa pelikula lang o anime puwedeng tumuntong sa ulap..

Umma said...

Wow.. request pala ni manang Kim ang tula mo Arvs..galeng naman..

You are such a gifted guy in writing poems.. ako.. Oh my gosh.. I have a perpetual writer's block :)

eden said...

Visiting you back, Arvs! Have a great week.

Unknown said...

This is just awesome!

Azumi's Mom ★ said...

Salamat sa isa na namang magandang tula :) curious lang ako, ilang oras or araw bago mo matapos makagawa ng isang tula?

kimmyschemy said...

nice one, Arvin! hope to see more..

Kim, USA said...

Hi Arvin, I think nasa group ako na hinde talaga makasulat nang poem hehe in other words alang talent sa pagsulat. My hubby eh nagda-drive yan bigla nalang mag salita nag poem na pala naka rhyme pa yan, eh dali2x naman akong isulat kaya lang talagang paspasan di naman niya maibalik lol!! Yan ang talent diba?
I like to write stories yan magaling ako dyan may twist and turn pa yan with matching background lol!! But I might try to do it kaya lang dapat talaga may mentor, at sinabi mo pa kung sasakit lang man ang ulo ko magbasa nalang ako at maka-pag request hehe.
Thanks again!!!

scribbler said...

uy... kahit kelan magaling ka talagang sumulat at gumawa ng tula, Arvin!

Arvin U. de la Peña said...

@Umma............opo.....nag request kasi siya na kung puwede kong gawan..at ito ang handog ko sa kanya....salamat sa sinabi mo..

Arvin U. de la Peña said...

@eden............salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko.........the same to you..have a great week..

Arvin U. de la Peña said...

@tim...............ganun ba......ang sa susunod kong post abangan mo iyon....naiiba,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear.........depende po sa gusto kong isulat..madami na akong naisulat sa blog ko na hindi umaabot ng 30 minutes ay tapos na...may mga naisulat din naman ako na umaabot ng isang araw bago natapos..minsan pa nga sobra pa isang araw..at iyon ang sulatin na hindi talaga ako naka focus para matapos..kasi madalas talaga sa cellphone lang ako gumagawa ng tula o poem..may time talaga na madali lang sa akin ang paglagay ng mga salita..minsan naman walang pumapasok na salita kaya iyon ang nagtatagal..kung tututukan ko talaga ang sinusulat ko ay magagawa ko iyon na matapos agad..depende lang talaga..kung ganado ako magsulat ay matatapos talaga agad iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim............talagang may aabangan ka pa na sinulat ko..may mga ipost pa ako...ang sunod kong post ay by request din siguro..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.........ganun ba..ipagpatuloy mo ang pagsulat ng mga stories..kung trip mo naman na medyo sumakit ang ulo dahil may sinusulat na hindi matapos tapos ay subukan mo ang magsulat ng poem..5 poems agad,hehe..wala naman masama sa pagsubok..haha..kung ayaw mo naman ay magbasa ka na lang.....

Arvin U. de la Peña said...

@scribbler........maraming maraming salamat sa sinabi mo..naaapreciate ko iyon..nakaka inspire iyon para sa akin..

Yen said...

Wow cute naman ng tula mo, Ulap. Ako kaya anong tula ang pede? hehe.

Claro Santiago said...

Ang galing mo magsulat.
sanay subaybayan mo rin ako.

http://sikodaker.blogspot.com/
http://parasainyohigala.blogspot.com/

Juliet said...

Salamat sa mga tula mo ang galing mo talaga.

eden said...

I am here again Arvs. Thank you for always visiting my blog

Ishmael F. Ahab said...

Ah....ulap. Kailangan natin ng maraming maraming ulap ngayon sa langit at sobrang init. Kahit matakpan man lang ang araw ay solve na pampabawas ng init.

Dhemz said...

nakikidalaw ulit Arvin...salamat sa comments mo....much appreciated!

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............ganun ba.....thanks kung ganun....ewan di ko alam kung ano ang puwede sa iyo,hehe........malaman mo nalang balang araw,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Claro Santiago...........maraming salamat sa sinabi mo..walang problema..pupuntahan ko ang blog mo....

Arvin U. de la Peña said...

@Juliet............thank you..much appreciated.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden............salamat sa muli mong pagpunta sa blog ko..........di ko ikaw makakalimutan na puntahan sa blog mo kapag ako ay nag iikot ikot sa mga blog..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab............oo nga ano..sobrang init na talaga ngayon......kahit paano ang ulap ay makakaproteksyon nga rin sa init ng araw..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.........walang anuman iyon..salamat rin sa iyo..