Saturday, July 24, 2010

Tuwa

"Bawat isa sa atin ay may pagsasawa rin sa kahit na ano. Kung noon ay gusto natin ang isang bagay o tao ay darating ang panahon na hindi na natin siya magugustuhan."
TUWA
Ni: Arvin U. de la Peña

Matutuwa ako kung hindi na kita makita pa
Isang tao na mayabang talaga
Kung makapagsalita akala kung sino
Parang hawak ang daigdig.

Sumisigaw kahit walang dapat ipagsigawan
Kumakanta kahit wala sa tono
Hindi pa maganda ang boses
Magpapansin talaga ang hilig.

Kapag binabatikos naman sa pinaggagawa
Lakas-loob pang pinagtatanggol ang sarili
Hindi maamin na mali talaga
Tingin sa sarili ay tama lagi.

Kapag may pera naman pinapakita pa
Sa mga nakakasalamuhang tao
Gayong ang pera na nasa kamay
Hindi pinagpawisan na makamit.

Kung may matutuwa man na makita ka pa
Iyong ay mga taong iniidolo ka
Sa mga gawa at kilos mo
Ngunit parang tuta kung sila ay ituring mo.

25 comments:

Jag said...

at hindi ko kayang mkapag kapwa sa ganyang uri ng tao...iiwasan ko n lng siya para walang gulo...

Manang Kim said...

Naku po may mga taong dala ay gulo kaya dapat iwasan. Happy Saturday Arvin and thanks for visiting me I do appreciate it.^_^

Mel Avila Alarilla said...

Ang sikreto nang mabuting pakikipagkapwa tao ay ang umiwas mamintas nang kapwa. Sabi nga sa Bibliya, "huwag kang manghusga nang hindi ka mahusgahan". At "ang takalang ginamit mo ay siya ring takalang gagamitin sa iyo." Kung hindi natin makasundo ang isang tao ay iwasan na lamang natin siya at hayaan siyang tahakin ang sarili niyang buhay. Kasabihan nga sa ingles, "live and let live." Mas mabuting ituon na lamang natin ang ating atensyon sa anong mabuting magagawa natin para sa ating kapwa tao. Salamat sa tula at lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

JETTRO said...

kuya arvin musta

ignore mo nalang yang mga ganyang tao para peaceful

王美妹 said...

文章是心情的反應~~祝妳天天寫的都是讓人開心的好文章哦!!..................................................................

pinkdiaries said...

har har har, natutuwa ako kasi anniv. na ng blog ko.. har har har


padaan po.

charmie said...

Hi arvin , thanks sa dalaw ha! been busy for a while.. pasilip silip ako walang time sa hopping, hehehe!
Naku, iwasan na lang ang mga ganun klaseng tao. WAla din magandang aral makukuha sa knila.:)
Have a nice day to you!

imelda said...

ay naku may kilala akong taong ganito, marami. nakakabanas talaga sila. ty for the poem

fiel-kun said...

Naku, nuknukan ng kayabangan ang taong tinutukoy ng tula mong ito parekoy.

Dapat sa kanya, binabalatan ng buhay at saka pigaan ng kalamasi XD

*♥Shydub♥* said...

No one would want to be friend with that kind of person. Happy sunday Arvin thanks sa mga visit and comments at message sa CB

anney said...

hay naku hate ko ang mga may ganyang pag uugali.

Umma said...

I guess ang mga ganyang tao ay KSP or kulang sa pansin that's why they are trying to uplift themselves.

So its better to ignore na lang para lalong mainis hahaha.. Thanks for the visit Arvs..
Happy Monday.

Fun family vacations
Bon Vivant
Mom Conversations
Simplify your Life

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.................iyon ang mabuti kasi para makaiwas talaga sa gulo..lalo na kung nakainom ng alak..kapag may nakaalitan o nayabangan sa kanya ay mapapasama pa ang grupo sa gulo..pero minsan may tao na hindi umiiwan sa kabarkada..kahit hindi maganda ang ginawa ng kaibigan ay ipagtatanggol pa sa kaguluhan..

Arvin U. de la Peña said...

@Manang Kim...............talagang dapat iwasan ang tao na ganun kasi damay ka rin sa pintas ng ibang tao..kasi magkasama kayo..magsasabi ang ibang tao na nasisikmura mo ang makisama sa taong mayabang..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............Maraming salamat sa mga sinabi mo..ang mga ganun po na tao na nakikilala ko ay iniiwasan ko talaga lalo na kung lasing..pero minsan sa isang okasyon o pagtitipon ay nakikita rin..hindi nga lang kinakausap..pero may mga tao rin at ako minsan din ay sumasakay lang sa mga pagyayabang ng isang tao..pinakikinggan ko lang ang kanyang..tapos kung kailangan na tumawa ay tatawa..d

Arvin U. de la Peña said...

@JETTRO..............okey lang po ako..sana ikaw rin ay ganun..yup, di na lang pansinin pero kung hindi maiwasan ay pansinin pero hindi seryosohin..

Arvin U. de la Peña said...

@pinkdiaries..............nakakatuwa nga ang ganun kasi hindi natin akalain na mag iisang taon na pala o sobra pa ang blog natin..parang kailan lang na ginawa tapos ito isang taon na pala..hindi ako nag post ng tungkol sa first blog anniversary ng blog ko pero sa second anniversary ay mag post ako..at iyon ang dapat mong abangan..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@charmie..............salamat rin sa pagbisita mo uli sa blog ko..ganun ba..ikaw din ang mga tao na ganun ang ugali ay iwasan mo..baka makapagsalita ka ng hindi maganda sa kanya..have a nice day din sa iyo..

Arvin U. de la Peña said...

@imelda..............talaga..akala ko ako lang ang may taong kakilala na ganun ang ugali..badtrip po ang mga tao na ganun lalo na kung bigla na lang sasali sa usapan ng ibang tao..makikihalubilo tapos magyayabang lang..

Arvin U. de la Peña said...

@fiel-kun...............haha..tama ang sinabi mo..karumdal dumal na krimen ang mangyayari kung gagawin iyon na babalatan ng buhay..hayop lang siguro ang dapat balatan ng buhay,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub.............yup, pero may mga tao rin na nakikipagkaibigan sa mga ganun na tao..just for fun lang..kasi madalas ang mga tao na ganun ay nauuto,hehe..kapag sinabi ng mga kaibigan na bumili ng alak para mag inuman ay bibili talaga..tapos kapag malasing na ay kuwento na ng kuwento ng kung anu ano na kayabangan talaga..ang masakit lang ay unti unti nag aalisan na ang mga nakainuman at siya na lang ang maiwan..

Arvin U. de la Peña said...

@anney.........hindi lang ikaw pati rin ng ibang tao ay hate ang may ganun na ugali.....kasi nakakasawa rin iyon..lalo na kung araw araw ay nakikita mo siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...........medyo kulang nga sila sa pansin....pero ang mga tao na ganun ay hilig talaga ang makipagkaibigan para may makuwentuhan sila..may mga tao rin naman na nakikipag kapwa talaga sa tao na mayabang lalo na kung may nakukuha sila sa tao na mayabang..

eden said...

HI, Arvs. sorry for not visiting here always. meyo busy kasi ako ngayon.
I agree with what others said, iwasan nalang yong mga tao na ganoon.

Have a nice day

Ruby said...

hmm...sino kaya ito...parang hate mo talaga tong person na toh noh? hmm...
parang lahat ng tao dito nakakarelate ah...hmm...sa ngaun ala akong maisip na ganyan na kakilala ko personally...meron naman nagyayabang pero binabalewala ko lang..hehe...parang extreme yang taong tinutukoy mo ah.. O.o